Mahal Ko

2 0 0
                                    

Naabot mo na ang pangarap mo.
Ano pa ang iyong ikinapanlulumo?
Tila puso mo'y may pagsusumamo,
May lungkot sa mukha mong maamo,
Tila kasiyaha'y napakahirap matamo.

Alam kong 'yan ang pangarap mo.
Alam kong 'yan ang unang minahal mo.
Alam ko ring kaya mo 'yan.
Wala namang 'di kayang lampasan
Kaya 'wag kang matakot pumasan.

Halika dito, mahal ko.
Nandito balikat ko, handang sumalo
Ng mga luha mong kanina pang namumuo.
Handang makinig sa kung anong sayo'y gumugulo.
Nandito lang ako, apihin ka man ng mundo.

Tahan na, mahal ko.
Alam mo namang nandito lang ako.
Uljima, kwaechana, jebal.
Wag ka nang malungkot aking mahal.
Hana, dul, set! Ngiti na mahal ko.

Ngiti ka lang mahal ko.
Kahit magkaiba man ang ating mundo,
Hindi mo man ako tanaw dito sa dulo,
Kaagaw ko man ang buong mundo,
Pag-ibig at suporta ko'y solido.

Alam kong hindi to aabot sayo
Pero pinapangako ko parin sayo
Sasabayan kita, ngumiti ka, ako'y tatayo
Mula dito sa aking upuan at iyong entablado
Sabay nating haharapin ang bato ng mundo.

I am Jeane and These are My ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon