Doon

7 0 0
                                    

Doon tayo sa lugar na walang inggit.
Doon tayo sa lugar na walang pait.
Doon mahahanap mo ang kapayapaan.
Doon mararamdaman mo ang kalayaan.

Kalayaang matagal mo nang inaasam.
Kapayapaang matagal mo nang hinahanap.
Pait na matagal mo nang gustong kalimutan.
Inggit na matagal mo nang gustong iwasan.

Doon, doon mo lang lahat mararanasan.
Doon, doon lang lahat 'yan makakamtan.
Nandoon ang tunay na kapahingahan.
Nandoon ang buhay na walang hanggan.

I am Jeane and These are My ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon