Hawak ang lapis
Sumusulat sa kwaderno
Nakikinig sa paboritong musika
Anong petsa na ba?
May pag asa pa ba?Napapapikit sa ganda ng musika
Iniisip kung mapapasa akin ka ba
Iniisip kung kamusta ka na
Konting liwanag saki'y sumisilaw
Bakit lungkot sa puso'y nangingibabaw?Bawat kantang mapakingga'y alam
Pag-ibig ko ba sayo'y alam?
Napapangiti sa ganda ng tono
Napapasabay pa nga kahit wala sa tono
Ngunit alam mo ba ang totoo?Hawakan mo aking kamay
Halina't sa aki'y sumabay
Samahan mo ako sa paglalakbay
Pangako, ngingiti akong walang humpay
Pangako, ikaw na sa habambuhay.Nais sanang ipaalam sa lahat
Pero ano nga bang pakielam ng lahat?
Saloobin ko nama'y walang bigat
Huwag kang mag-alala, kaya ko ang bigat
Huwag lang tingin mo saki'y pabigat.Kaya kong itama pagkakamali ko
Hawakan mo lang sana ako
Paalalahanan mo kung ako'y sumusuko
Ito na naman ang aking liriko
Hindi makayang maging tono.Nakakatawa pero kailangan nang pumikit
Sarili ko pa ba'y ipipilit?
Pasensya na, mata ko'y nag iinit
Gusto ko sanang oras ay masulit
Kaso ayaw mo ata ng makulit.Minsan napapagod narin ako mag-isip
Iniisip ko kung meron ba akong isip
Huwag kang tumawa, wala ka ring isip
Ayaw mo ba no'n, bagay tayo?
O, bakit balahibo mo'y nakatayo?Biro lang, wag ka sanang mapikon
Mga ngiti mo kaya ang nakakapikon
Isang ngiti mo lang, puso ko'y napapatalon
Ano ba? Huwag ka sabing ngingiti!
Buong katawang lupa ko'y nakikiliti!Sana estatwa na lang ako
Mapapansin mo at tititigan mo
Tatabihan mo at gagayahin mo
Haharapin mo at yayakapin mo
Pero madaanan mo nga lang, masaya na ako.
BINABASA MO ANG
I am Jeane and These are My Thoughts
PoetryMy own poem. My own feelings. My own thoughts.