The mean girls

948 7 0
                                    

Chandria

Shit! late na ako.
dali dali akong naligo at kumain para lang makahabol sa first subject namin at sa palagay ko mapapagalitan ako neto.

Traffic pa naman ngayon kase school days. Ilang minuto din bago ako makakarating.

*45 minutes later*

pagkapasok ko sa room, patapos na ang discussion ni professor.
"Ms. bernardo?" tinawag ako ni prof at tumingin sakin ng napakalalim, para bang gusto na akong patayin, at ako naman sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
"yes po sir?" nagdadalawang isip pa si sir kung papapasukin niya ako or hindi, pero ang ending—pinalabas ako kaya pumunta ako ng library at dun ako nagreview.

Meanwhile in the library

Nagbabasa ako ng mga article dito and of course more on literature— nang biglang may humawak sa buhok ko, si Nadine! kasama niya pa si Hopie at ang boyfriend nilang dalawa na si James at Gil

"Bitawan mo nga yung buhok ko!" sigaw ko sakanila at lalo pa nilang hinila, sa sobrang inis ko sinampal ko nalang si nadine kase hindi naman niya bibitawan yun kapag wala akong ginawa.

"How dare you slap me freak!" sagot ni nadine sakin at syempre napairap ako. ang arte kaya.
"sorry, hindi ko sinasadya, sa susunod wag mo nang ulitin para hindi kita masampal, baka next time sabunutan na kita" Pataray kong sinabi sakanya, and guess what? nainis sila.

At isa pa, yung boyfriend nila wala man lang pakialam sa pinag gagagawa nila at ugali nila. Pagtatawanan ka pa, imbis na awatin yung partner eh!

[ Footsteps approaching ]

"Uy ria! Math time na pumasok ka na sa loob baka mapagalitan ka nanaman" [Nicole]
"Dito nalang tayo please" sagot ko sakanya.

"Wow, kailan ka pa nag cutting?" tanong ni nicole at bigla akong napaisip, oo nga no kailan ba ko nag cutting, baka eto yung first na mag cucutting ako.
"Ngayon siguro" sabi ko nalang at tinabihan niya ako.

"Ang gulo naman ng buhok mo, ayusin mo kaya" [Nicole]
Hindi ko na sinabi yung nangyari kanina kaya inayos ko nalang yung buhok ko para wala nang problema, baka pagsabihan niya pa kase.

"Uwi nalang kaya tayo?" Niyaya ko si nicole kase hindi na rin naman kami papasok sa next subject.
"Sure" Nicole said.

Binalik ko na yung libro na kinuha ko sa shelf, tapos lumabas na kami sa university.

"Saan tayo?" [Nicole]
"Mcdonalds? g?"

"Hmm sa favorite place mo, sige" [Nicole]

"Anong kakainin mo? mag ririce ka ba?" Tanong ko kay nicole.
"Fries and burger lang okay na" she said.
"Treat na kita, ako naman nag aya na mag cutting tayo eh, pambawi lang" Sabi ko sakanya. Pumayag siya tapos nag order na ako.

"so what are your plans this week?" [Nicole]
"Wala, aral." sagot ko.

Nakatingin si nicole sa bintana kaya tumingin din ako sakanya at napakunot ang noo ko.
"Huy bakit tulala ka?" Tanong ko sakanya. Kinakalabit ko siya pero hindi siya kumikibo
"Nicole!" sigaw ko. Nagulat siya kaya napatingin na siya sakin.

"Sorry sorry, naisip ko lang yung Ex-boyfriend ko." [Nicole]

Ayan nanaman si nicole, iniisip yung ex niyang nanloko sakanya. Ganyan talaga mga lalaki ngayon, basta makakita ng maganda, sexy, ipagpapalit ka parin kahit gaano ka pa katino.

So ayun cinomfort ko si nicole, naiiyak nanaman siya. Ganun talaga kapag mahal mo yung tao, kahit wala na sayo nagaalala ka parin sakanya.

"Uwi na ako sa bahay" sabi ni nicole sakin. Hindi na namin inubos yung pagkain kaya hinatid ko nalang siya sa bahay nila.

The Wedding Planner (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon