Someone is jealous

404 4 0
                                    

Chandria

Mag reply ka na dos please. Ilang minutes lang narinig kong tumutunog ang cellphone ko, At kung hindi ako nagkakamali, si dos yun.

"This is dos calling, anong kailangan mo?" Tanong niya sakin at tila bang may naririnig akong kakaiba habang kausap ko siya, may naririnig kase akong nag hihiyawan at may sumisigaw pa ng 'shot' feeling ko nasa bar to.

"Pinatawag ako ng principal kanina at ang sabi niya ako daw ang partner mo sa JS prom, totoo ba yon?!" Hindi ako mapakali habang sinasabi ko to sakanya, narinig ko lang ang mga tawa niya at binabaan niya ako. Napakabastos talaga!

Nagtanong ako sa mga ibang students at mga kaklase ko kung nasan si dos, buti nalang merong nagturo sakin. Dali dali akong pumunta sa stock room para kausapin ng maayos si dos. Pero madaming stock room dito kaya nag ikot ikot pa ako, yung iba sasakay ka pa ng jeep papunta dun.

And finally, nakarinig ako ng mga sigaw sa loob ng stock room, Hindi na ako kumatok at binuksan ko kaagad ang pinto.

"Dos!" sigaw ko.

Tinaasan niya ako ng kilay habang tumatawa, aba! walangya itong lalaki na to, walang respeto sa babae.

"Wow Ms. Bernardo, tinawag mo rin akong dos.. and ikaw yung gusto ko eh, anong magagawa mo?" Sagot niya sakin at niyaya niya akong uminom kasama ng mga barkada niya.
"Guys, guys, eto nga pala si Chandria, ang partner ko sa Prom" Pakilala niya sa mga kaibigan niya.

Tumayo sila at nag pakilala sakin.

Si Julia baretto yung babaeng naka red na fitted dress, mukha siyang masungit pero kung makakasama mo, mabait pala. Si Joshua garcia naman yung naka shirt na white at black pants, He looks good kahit simple lang ang suot niya. Si Yassi pressman naman yung naka tube lang tapos fitted skirt naman na maikli, mapula ang labi at mahaba ang buhok, na, medyo curly na rin. Pinapasok siya sa university kahit ganun suot niya?

Yung isa pang kaibigan ni dos ay si Edward, nakalimutan ko yung apelyido niya pero pogi siya ha. Pogi yung mga kaibigan niya maliban sakanya, mukha siyang sabog.

Madami pa akong hindi kilala sa mga kaibigan niya pero may isang babaeng lumapit sakin.

"Hi! ako si maymay, maymay entrata, kaibigan ni dos at boyfriend ko si edward" Sobrang kalog ng pagkasabi niya sakin, at gulat ako dahil boyfriend niya pala ang isang lalaki na ganun ka gwapo, mukhang manika nga halos.

Nginitian ko siya at nagpakilala din sakanya, Siya na siguro yung pinaka kalog na babae na nakilala ko this time, sobrang bait pa as in, feeling ko din kapag naging kaibigan ko siya palagi kaming tatawa pero syempre si nicole parin ang bestfriend ko.

"Bago ka lang ba dito?" tanong sakin ni maymay

"Matagal na ako dito" Sagot ko naman, kinuha niya yung cellphone niya tapos inakbayan niya ako para mag picture.

Phone rings

*Phone rings again*

"Sayo ata yun" [Maymay]
Kinuha ko saglit yung phone ko. Tumatawag si nicole sakin kaya nagpaalam na ako kay maymay at sakanilang lahat maliban kay dos. lumabas ako sa stockroom at sinagot yung tawag ni nicole.

Nagpaalam lang sakin si nicole na aalis na daw siya pero sabi ko sakanya sabay na kami para may kasama siya, kaso malayo kami sa isa't isa, kailangan ko pa sumakay para puntahan siya. Since nagmamadali siya, pinauna ko na siya.

Dahil bored ako, tinawagan ko si nicole sa messenger para mag video call, kinwento ko sakanya yung mga nangyari kanina dun sa stock room. Sinabi ko lahat, dinescribe ko yung mga kaibigan ni dos sakanya at sinabi ko din na ako yung pinakilala ni dos sa mga barkada niya. Hindi ko alam kung paano sabihin kay nicole na ako yung magiging kapartner ni dos sa Js Prom pero sana hindi siya magtampo sakin since siya naman ang may gusto dun kay daniel.

Pinahaba ko muna yung usapan namin, kinamusta ko yung byahe niya atsaka ko sinabi yung about samin ni dos, natahimik siya ng mga ilang minuto nung sinabi ko sakanya yun, tapos bigla lang siyang nag paalam sakin na may gagawin muna daw siya pero iba yung pag ka sabi niya, yung tipong mapapa isip ka kung bakit ganun, ang saya saya naming nag uusap tapos bigla siyang mawawalan ng sigla.

Hindi ko nalang pinansin kase wala lang naman yun, pero may pakiramdam akong galit siya sakin nang malaman nyang ako yung napili ni dos.

The Wedding Planner (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon