I knew

382 11 2
                                    

Chandria

Lumapit ako kay dos habang sya'y nakikipagusap sa mga kaibigan niya.

"Uy long time no see!" bati sakin ni maymay. Wala parin nagbago sa mga kaibigan nya, kalog parin at ang babait, pero nung makita ko si yassi.. yes, si yassi— ang awkward. Syempre kailangan umasta nalang ako nang wala akong alam kahit yung totoo ang sakit sakit ng loob ko.

Palagi kong sinasabi sa isip ko na, 'ano ba chandria! wala naman kayong label eh, hindi naman kayo official, ginagamit ka lang niya." Oo na! mahal ko na si dos, napamahal na ako, siguro dahil hindi rin ako nakaka experience ng ganun.

"Kamusta naman kayo hehe." sagot ko kay maymay sabay ngiti sakanila.

"im glad to see you again chandria." sabi naman ni yassi. Hmpph! napaka pabebe niya kala mo naman maganda eh makinis lang naman. Dahil ayoko siyang kausap, nginitian ko nalang siya.

"Uhmm dos, halika na babeeee, kain tayo sa labas." pa cute kong sinabi kahit nasa harap ako ng mga kaibigan nila. Pinagseselos ko lang naman si yassi, atsaka kahit hindi kami official, boyfriend ko parin siya at girlfriend niya ako kaya may karapatan ako, ng very very slight.

"For the first time, tinawag mo akong babe." bulong nya sakin. Inirapan ko sya at hinila ko na sya papalayo sa mga kaibigan nya, at syempre lumingon ulit ako at tinignan si yassi. Mukhang wala naman effect sakanya eh. Hm whatever.

Nagpunta lang kami sa isang lugar kung saan wala masyadong tao..

"Dos, bakit?" Tanong ko sakanya.

"Anong bakit?" sagot niya.

"I knew." sabi ko naman habang tinititigan ang kanyang mga mata.

"Anong ibig mong sabihin?" Kumunot naman ang noo nya.

"Nung time na pupunta sana ako sa apartment mo.. Nakita ko kayo, kayo ni yassi." sabi ko sakanya at tumulo nanaman ang luha ko.

"S-sorry, let me explain." sabi nya sakin at pinunasan ang luha sa aking mukha.

"Lasing ako nun" sagot nya.

"Kailan pa naging dahilan ang pagiging lasing. Kahit lasing ka, kilala mo parin girlfriend mo, kilala mo parin yung taong mahal mo— kung mahal mo ako.." Kalma ko lang na sinabi sakanya kase ayokong magalit lalo't umiiyak na rin naman ako.

"Bakit ka nasasaktan?" Tanong niya sakin.

Anong klaseng tanong yun?!

"Kase.. kase mahal na kita dos. Pero siguro nga wala akong karapatan kase hindi naman talaga tayo diba? nag papanggap lang na merong tayo." pautal utal kong sinabi sakanya.

Pagkatapos nun umalis nalang ako, para mabawasan yung sakit ng loob ko.

"Chandria, wait." sigaw nya. Hindi na ako lumingon pa at tumuloy nalang sa pag lakad.

Habang binibilisan ko ang paglakad ko, bigla kong naramdaman yung yakap niya, hindi ako makaalis sa mga kamay nya, at bumulong sya sakin "Mahal din naman kita, hindi mo lang nakikita."

Hindi ko alam kung maniniwala ako sakanya, pero hinarap ko sya—

"Mahal mo 'ko pero nagawa mo sakin yung bagay na yun." sabi ko sakanya. Hindi siya nakasagot, umalis nalang ulit ako, umuwi nalang ako sa bahay namin.

"Oh anak bat ka umiiyak?" tanong sakin ni mommy.

"Wala ma, pagod lang sa schoolworks haha." Sagot ko naman at umakyat na ko sa taas para magpahinga.


Dos

Naiinis ako sa sarili ko, Im so fucked up right now, dapat hindi ko na ginawa yun! tumatawag nanaman sakin si yassi, pero hindi ko na sinagot. Pumunta ako sa isang bar para uminom.

Nakita ko nanaman si yassi.

"Akala ko hindi ka pupunta eh, hindi ka kase sumasagot sa mga tawag ko." sabi nya sakin.

"Huh?" sagot ko.

"Ah right, niyayaya mo pala ako dito. Sorry um, uuwi na pala ako." Sabi ko sakanya.

"What? stay ka muna dito! let's drink." sabi niya.

"No, I cant." sabi ko naman at umalis palabas sa bar.

"Dos why are you avoiding me? may problema ba? hindi ka naman ganyan dati, and never ka pang tumanggi sa bar." sabi nya.

"WE CANT!" sigaw ko sakanya, at mukhang napahiya ako, nagsitinginan lahat ng tao samin, at sya naman nagwalkout nalang.

Hindi ko nalang pinansin yung mga tao sa bar, nagpatuloy nalang ako sa pag lalakad ko hanggang sa nakakita ako ng spot na pwedeng pagtambayan.

"Okay ka lang ba bro?" Tanong sakin ng isang lalaking nakaupo malapit sa tabi ko.

Hindi ko siya sinagot, tumingin lang ako sakanya.

"Babae nanaman ba?" Tanong niya ulit.

"Sino ka ba? at anong pakialam mo?" Tanong ko naman sakanya.

"Im kenichi, nag aaral din sa UP" sagot niya.

"Anong ginagawa mo dito?" sabi ko.

"Dito ako tumatambay kapag wala akong magawa, malapit lang bahay ko dito." sabi niya naman.

"Ah." yan nalang ang nasabi ko pabalik.

"Mukhang malaki problema mo haha." Tanong nya ulit sakin.

"Wala to." sagot ko naman sakanya. Ang kulit naman neto, kaya umalis nalang ulit ako at umuwi sa apartment ko.

—————————————————————
GUYS! sorry sa sobrang late na late na update, Im si busy playing mobile legends kase HAHAHA, Thank you parin sa pag add nitong story sa reading list nyo at sa walang sawang pag support! Lovelots!

STAY SAFE AND PRAY
God bless you all, readers!

The Wedding Planner (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon