Distance between us

329 4 0
                                    

Chandria

"Nicole kailangan natin mag usap" hinila ko siya palabas sa room namin at nagpunta kung saan matahimik at walang makakarinig saamin. Sa mukha niya palang kitang kita ko na galit na siya sakin.

"Ano ba yun?!" sagot ni nicole.

"Bakit mo ba ako iniiwasan, bakit parang nag iiba ka na?" tanong ko sakanya.

"Puro nalang kase ikaw yung nagugustuhan ng mga lalaki dito. Naiinis ako sayo!" lumayo sakin si nicole pero hinabol ko siya.

"Nicole kailangan ba talaga maging ganyan tayo? pwede ko naman layuan si dos eh" sagot ko.

"Paano nga? eh ikaw yung gusto niya" tumingin siya sakin at inirapan niya ako. Napaka immature talaga ni nicole. Ilang araw palang si dos sa university pero yung away namin parang malaking bagay.

Hinayaan ko nalang muna si nicole hanggang sa maging okay yung pakiramdam niya. Ayoko siyang pilitin kung ayaw niya munang makisama sakin.

"Seems like di na kayo nag papansinan ni nicole, aww, poor little chandria" yan ang sinabi sakin ni nadine with matching pa irap pa, Ah nakakagigil!!
Isa pa tong si hopie na pa tawa tawa fake naman ang LV na bag, pagsasampalin ko kayo dyan eh.

Wala akong nagawa kung hindi ngumiti nalang sa harapan nila para naman mainis din sila, hindi ko pwedeng ipahalata na affected ako sa pinag gagagawa nila kase mas lalo nila akong ibubully.
Kapag nga naman walang magawa ang mga ahas, patuloy silang manunuklaw.

Pumunta ako sa computer lab para mag laro and there's this guy na kumausap sakin.

"Hi miss" nakangiti siya at nag wink sakin. Ang weird, hindi ko alam kung ano meron dito sa lalaki na to, may sakit ba siya?

"Anong kailangan mo?" tanong ko sakanya. Gusto niya daw kumain kasama ako, kapag daw ginawa ko yun tutulungan niya ako na mag kaayos kami ni nicole. Pumayag ako at ayun nga nagpunta kami ng cafeteria para kumain. Nakita ko nanaman sila nadine, nakaupo malapit saamin. Hindi ko pa alam ang pangalan niya kaya tinanong ko siya.

"Im nicolas" Sagot niya.

Hindi ko alam kung ano yung hinihintay niya pero tingin siya ng tingin sa likod. Ilang sandali lang may mga babaeng dumating at pinipicturan kami ni nicolas, at syempre, nakakabastos yun kaya humarap ako sakanila at pinatigil kung ano man ang balak nilang gawin.

"Oh god chandria! why are you dating nicolas, He's taken." Sabi ng babae na naka tube na pink at fitted pants with cardigan. Ang sasama ng tingin sakin ng mga kasama niya. Si nicolas nakaupo lang at umiiwas ng tingin. Ayan nanaman sila nadine, palapit samin, feeling ko pinlano niya to!

"Hindi ko naman alam." sabi ko sakanila at lumabas nalang ako ng cafeteria, itong si nicolas naman, sinundan ako at nag sorry sakin. Binayaran daw siya ni nadine para ipahiya ako, at para madaming magalit sakin. Sabi ko na nga ba plano niya to eh. Napaka walang hiya talaga niya, hindi na nga kami mag kaayos ni nicole, dadagdag pa to.

Umuwi ako ng stress na stress sa bahay. Sabay sabay yung mga problemang dumating sakin, isama mo pa yung mga pictures na lumabas sa internet, kaming dalawa ni nicolas na magkausap sa cafeteria, yung mga comments pa ng mga tao akala mo naman kung sino sila, wala naman silang alam sa nangyari kanina kung makapag judge parang alam lahat. Isa pa, chinat ako ng girlfriend ni nicolas, mabait naman yung girlfriend niya kaya pinatawad niya agad ako, sinabi ko naman lahat kung ano yung tungkol sa picture naming dalawa.

Hindi maganda yung pakiramdam ko ngayon lalo na't wala akong makausap, I just need someone na mapagsasabihan ko ng problema kaya lang wala yung taong yun, kase hindi kami mag kaayos. Sigurado naman ako na bukas mag kaayos na kami. Nang dahil lang sa dos na yan dumami yung problema ko, jusko!

Dos

Nag ddrive ako ngayon kasama mga barkada ko, meron kasing banda sa Eastwood City mamayang 8:00 ng gabi kaya mag gagala muna kami sa loob ng mall kapag nakarating kami ng maaga. Besides, malapit lang naman. Kasama ko rin yung napakakulit kong kaibigan na si maymay at syempre hindi mawawala yung boyfriend niya.

"Kamusta pala kayo nung chandria? infairness mabait siya, I like her" Sabi ni maymay sakin.

"Ok naman, kinikilig nga siya eh" sagot ko sakanya.
Tumawa lang si maymay at si yassi naman tinanong niya sakin kung bakit si chandria ang napili ko at hindi si nadine na malakas ang dating at maporma.
A great question from yassi pero hindi ko kailangan ng ganung babae, the simplest, the best. And i know for sure meron siyang boyfriend, halata naman dahil palagi niya ding kasama pati yung kaibigan niyang mukhang may lahi.

"Uy tara window shopping!" sigaw ni maymay.

Sumunod nalang kami sa kung anong trip niya tutal wala rin kaming magagawa sa mall, we just hang out sometimes talaga kase masaya kapag kasama mo mga bakarda mo, nakakalimutan mo lahat pati pangalan ng nanay mo, hahaha, just kidding. Nakaupo kami sa sofa ngayon at si maymay naman nag susubok lang ng mga outfits na gusto niyang suotin. Yes or no lang ang isasagot namin kada palit niya ng iba ibang style ng damit.

Andami na ring oras na nasayang kaka pili niya ng mga damit pero wala parin siyang nahahanap, tuwang tuwa lang kaming tinitignan siya pero ang mas bagay talaga kay maymay ay yung simpleng pormahan lang. That makes my bestfriend cute.

Hmm si maymay palang ang nadedescribe ko kaya si yassi naman. Si yassi naman, ma attitude siya pero hindi naman sa hindi niya pa gaano kakilala. Paiba iba mood niyan. minsan galit, minsan masaya, minsan malungkot pero madalas seryoso at tahimik. Kung titignan mo, yung cleanliness niya as a lady, 101 percent over 100. Malinis talaga siya as in. Palaging may dalang sanitizers, make up, tissues at kung ano ano pa. Kapag nakasama mo si yassi, okay naman although medyo boring dahil nga hindi siya madaldal.

Si edward naman, ang boyfriend ni maymay. Mukhang siyang barbie, pero hindi ko sinasabing bakla ang tropa ko. Sumobra kase ang kapogian niya kaya ganun. Si edward kapag may girlfriend yan, conservative yan sa kung anong isusuot ng girlfriend niya. At hindi ka pababayaan niyan lalo na pag aalis ka tapos hindi siya kasama, nako, hindi papayag yun. Overprotective boyfriend kung baga.

Si julia naman, maarte pero mabait. Mukhang mataray pero kapag naka close mo ibang iba yung looks niya sa personality niya. Madami na rin siyang naging boyfriend pero ang alam ko walang nagtatagal sakanya, kaibigan ko siya pero that's a fact. Umiiyak lagi yan samin tuwing iniiwan siya, after 3 days ayos na siya, oh diba ganun lang kabilis. Mahina din kumain si julia kaya sexy katawan, pero i never liked her huh. Just friends.

And lastly, Joshua. Si joshua yung pinakamatalino saming magbabarkada, siya rin nakakaalala sa birthday namin at kung saan kami pinanganak. Si joshua yung taong hindi mo maiisahan dahil nga sa galing niya. Problema lang kay joshua, torpe siya. Matagal na niyang gusto si julia pero hanggang ngayon hindi niya parin sinasabi kase natatakot siya baka daw iwasan siya ni julia. Palagi kong sinasabi sakanya "take the risks or lose the chance" pero ayaw parin makinig, kaya wala na akong pake dun.

Lahat kami, nagkakilala since kinder palang kami. Ako ang unang nag approach sa mga yan kase ako lang naman ang may makapal na mukha para kausapin ang hindi ko kilala, kagaya nalang ng pag aya kay chandria na makapartner ko sa Js. Never kaming nagplastikan ng mga barkada ko, meron din namang mga sumasali samin kaya lang hindi na kami nagiging comfortable kaya hanggang samin lang ang tinatawag na 'Barkada' Ano nga ba yung dahilan kung bakit matibay yung relasyon naming mag totropa, actually isa lang yan eh. "Hindi namin kailangan ng madami, kase lahat kami dito totoo" yan ang nagpatibay samin kaya hanggang ngayon masaya parin kami at hindi nag hihiwalay.

The Wedding Planner (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon