Confused

293 4 0
                                    

Chandria

"Dos, pasensya na sa nangyari kagabi, baka sakin lang talaga yun." hinawakan ko sya sa balikat niya at sinabayan sa paglalakad.

"Ok lang, hindi mo kasalanan." malumanay niyang sinabi.

"Dapat kase hindi mo nalang ako sinayaw, nadamay ka pa tuloy haha." sabi ko sakanya.

"Tsss, hindi ganon yun. Ano ba kasing problema sayo nila nicole." tanong niya.

"Hindi ko alam eh. ever since, ganun na talaga sila." sagot ko.

"Wag ka mag papa api." sabi niya habang nakatingin saakin.

Tumango lang ako sakanya, hindi ako makapagsalita ng maayos dahil sa titig niya eh. Akala mo mangangain eh.

"Sabay tayong mag lunch mamaya ha" [Dos]

"oh, sige lang."

"Wow! buti pumayag ka na?!" [Dos]

So ayan nanaman siya, nagiging bad boy nanaman aargh!

"Edi wag." sabi ko sakanya sabay inirapan sya.

Pinisil niya yung pisngi ko at sabing "Ay susss, binibiro ka lang eh, cute cute talaga ng bata ko"

Hindi ko alam kung maiinis ako o kikiligin eh pero hindi ko hahayaang mahulog ako sa lalaking 'to.

Nauna na ako sakanya para pumunta ng library, siya kase makikipag meet up daw muna sya sa mga kaibigan niya. Kapag hindi pa oras ng klase palagi akong nag babasa ng mga libro, kahit ano, katulad ng mga gusto kong malaman tungkol sa mundo or sa mga subjects para alam ko na agad yung aaralin pag dating ng college.

Ang maganda pa sa library dito sa UP, ay air conditioned siya at tahimik lang walang kahit sino mang, mang iistorbo sayo.

Nasa kalagitnaan na ako ng storya nang may tumawag sakin..

Aah si dos pala. Oo nga pala sabay kaming mag lulunch kaya tinawagan nya ako para ipaalala yun.

so ayun, nagmadali na akong lumabas ng library tapos pinuntahan ko siya sa gate. Gusto nya daw kumain sa labas ng school eh kaya ayun. Hindi kami pwedeng lumabas pero kung si dos ang kasama mo, nako wala ka nang gagawin kung di sumabay nalang sakanya palabas.

"Ang tagal mo naman." sabi ni dos sakin nang naka kunot ang noo.

"Ang sungit mo naman!" sagot ko.

"Oh joke lang eh, hindi ka talaga mabiro" sabi niya sabay tawa.

"Palagi ka naman nag jojoke nakakabwiset ka!!"

"Hayaan mo next time, seseryosohin na kita" sagot ni dos tapos tumitig sya sakin ng matagal. Jusko, eto nanaman tayoo, mag tititigan tapos kinabukasan may tinatago na palang nararamdaman. No, No, hindi pwede!

"So saan tayo kakain?" tanong ko kay dos.

"Saan mo ba gusto?" sagot niya.

"Kahit saan" sabi ko naman.

"Meron bang kahit saan" sabi niya.

Napakapilosopo naman netong lalaki na to! ang hirap kausap eh kaya tumingin nalang ako sakanya at tinarayan ko siya.

"Ang sungit naman ng misis ko." sabi niya.

Whaat?!! misis dawww. Never ko tong pakakasalan noh yuck.

" Anong misis ka dyan!!" sagot ko.

"Sabi ni mama sakin ikaw nalang daw pakakasalan ko." sabi niya naman na may pahawak pa sa bewang ko papalapit sakanya. Medyo naging seryoso yung mukha ko ang awkward lang kase.

"Never mangyayari yun duh!" sagot ko sakanya ng pataray.

"Choosy ka pa, ang pogi ko na nga tapos ayaw mo pa sakin" sabi niya.

"Dami mo namang daldal, kain nalang tayo nagugutom na ako!" sagot ko naman.

At ayun nga kumain kami sa Kfc, masarap kasi yung fries dun, eh yun lang naman halos kinakain ko kapag gutom ako. Tahimik lang kaming kumakain, wala naman kasing magandang mapaguusapan.

Pinagmamasdan ko lang din yung ibang kumakain dito, di kase ako makatingin ng maayos kay dos, naiilang ata ako.

"San mo gustong pumunta pag tapos kumain" tanong sakin ni dos.

"Sa school malamang, hindi ako katulad mong nag cucutting no" sagot ko at mataray parin ang itsura ko.

"Wow! HAHA! oh bat sumama ka sakin mag lunch?" tanong niya.

"Syempre niyaya mo ako, and excuse me—"

"Bakit? dadaan ka??" [Dos]

arghh!!! kakabwiset talaga tong lalaki na to, nakaka stress kausap. hindi nalang ako nagsalita at Inirapan ko siya habang tinatawanan niya ako.

"Oh sorry na baby ko" sabi niya nang may pahawak sa pisngi ko.

Napatingin ako sa baba kase shiit!! naiilang talaga ako, ayoko 'tong ginagawa niya.

"Tara na nga bumalik na tayo!" niyaya ko na siyang bumalik sa school kase malapit na rin ang next sub.

*Class dismissal*

Paalis na sana ako ng room nang lumapit sakin si nicole, ang bestfriend ko dati.

"So kamusta na kayo ni dos? seems like you're having fun palagi." [Nicole]

"Una sa lahat, gusto ko lang linawin na wala akong nararamdaman kay dos okay?? at pangalawa ayos lang naman na magalit ka sakin pero please nicole, wag naman yung ipapahiya mo pa ako sa harap ng maraming tao. Pangatlo, okay lang kami. ikaw ba?" sagot ko sakanya. Tinarayan niya lang ako at umalis sa harapan ko, nakakabastos lang naman, ang dami kong sinabi tapos wala siyang sasabihin pabalik.

Nag ayos muna ako ng mga kagamitan sa room para naman walang masabi prof namin. After ng ilang minutes pumunta na ako ng library at hindi ko inaasahan na makikita ko yun.


__________________________________________

To be continued

Hiii, im so sorry ngayon lang nakapag update, sobrang busy kase talaga!! pero eto na nagbabalik na ulit ako HAHAH, Thank you readers for reading!! Lovelots, take care always and palagi kayong mag alcohol para iwas corona virus. Always pray and wala munang gagala, mag basa nalang kayo! :)

The Wedding Planner (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon