Thank daniel

477 7 0
                                    

Chandria

"omg riaaaa! nag rereply siya sa mga message ko" kitang kita ang matamis na ngiti ni nicole nang dahil kay daniel, simula nung dumating siya halos siya lagi pinaguusapan namin which is ayoko dahil baka masaktan nanaman ang kaibigan ko. We all know that some of them are trash, sa una lang magaling.

Natahimik lang ako sa sinabi nya at seryosong tingin ang ibinigay ko sakanya. Siguro alam na niya kung ano yung reaksyon ko.

"Huyyy! magsalita ka naman" Kinalabit ako ni nicole ng ilang beses at sumagot lang ako sakanya base sa mukha ko. Gusto kong tumigil muna siya kaka daniel niya dahil baka maadik siya dyan tapos pinaglalaruan lang pala siya. Mas masakit yun.

Nandyan nananman ang dalawang pangit kasama ang mga alaga nila.
"Congrats dahil top 1 ka parin sa section niyo pero tandaan mo ako lang ang top 1 sa buong university" Hinawakan ng mahigpit ni nadine ang kamay ko at agad akong bumitaw. Si gil naman may binubulong kay hopie, akala niya ba hindi ko naririnig yun?

"Hindi ako cheater, di ako katulad niyo!" sigaw ko sakanila. Lalong nagalit sakin si nadine nang sinigaw ko sakanila yun kaya naman sinabunutan niya ako—

"Hoyyy ano ba nadine!!" Awat ni nicole.

Hindi parin binitawan ni nadine ang buhok ko kaya naman dumami yung estudyanteng nakapaligid samin at may mga iba pang kumukuha ng video samin. Pinipigilan ko siyang wag akong sabunutan pero ayaw niya paring alisin, sinasabihan niya pa ako ng kung ano ano, hindi naman ako affected kaya wala akong pake dun. Si james chill parin kahit nakikipag away na yung girlfriend niya tapos sila hopie naman sumisigaw lang ng 'fight' 'fight' like gusto pa nila kaming pag awayin ng matagal.

Patuloy parin ang pag awat samin ni nicole pero natigil yun nung dumating si daniel. Tumabi siya sa side namin ni nadine at nag salita.

"Pwede ba tigilan niyo yan, para kayong tanga" Nagsitahimik yung iba sakanila at karamihan sakanila, kinikilig. Tumingin si nadine kay daniel at sinabing "Siya kase, sinabunutan niya ako. Immature bitch" Tumango si daniel kaya naman sumagot ako in a good way hindi ako magpapaapi sakanya no!

"Alam naman nating lahat na ikaw ang nagsimula" kalmado kong sinabi kay nadine at kay daniel.
"Alam kong si nadine ang nagsimula, nakita ko yun" Sagot ni daniel samin. Buti nga alam niya dahil kung hindi baka ilaglag pa ako ni nadine tapos maniwala siya.

"Kayong lahat, natatakot kayo dito?" Nakatapat ang middle finger niya kay nadine kaya nagulat siya dun at nainis pa ng sobra. "You can throw anything at her  if you want too, ako ang bahala." Sigaw ni dos sakanila ng naka killer smile.

Sabay sabay silang nagtapon ng kung ano ano kay nadine kaya tinulungan ko siyang umalis, sila hopie naman ang sama ng tingin sakin at kay daniel. Ang pinagtataka ko, nakita yun ng prof namin pero hindi kami sinita. Are we allowed to do this kind of shit inside the university? alam ko we're violating the rules na.

"Hayaan mo na sila chandria tara na" [Nicole]
Sumunod nalang ako kay nicole para wala nang gulo. Salamat kay dos dahil natigil yung pagaaway namin ni nadine.

"Nakakainis talaga yung mga yun no?" Inis na sinabi sakin ni nicole, hindi nalang ako sumagot sakanya. Ayoko na rin silang pagusapan lalo na't wala naman akong ginawa sakanila.

Lumapit si daniel samin para mang hingi ng sorry sa pagiging epal niya sa away namin— Tekaaa— wait??? what?? sorry?? sa?? pagiging?? epal??
Kumunot ang noo ko nung sinabi niya yun, eh siya nga yung dahilan kung bat ako nagpapasalamat eh kase napatigil niya si nadine.

"Ah, T-thank you" Patanong yung binigay kong expression sa mukha ko dahil hindi ko alam ang sasabihan ko sakanya.

"Dos pwedeng papicture?" Kinuha agad ni nicole ang cellphone niya tapos tumabi siya kay daniel para mag pa picture. Feeling close ka nicole?
Ngayong umalis na si daniel sa harapan namin, grabe! abot langit yung ngiti ni nicole nang dahil lang dun, ganun ba talaga siya ka adik dun sa lalaking yun, mukha namang bad boy.

"Dapat nag papicture ka din eh" [Nicole]
Napailing lang ako kay nicole. Bakit ako mag papapicture eh hindi naman siya artista diba. Buti sana kung mala Manu rios ang dating niya.

Ilang sandali lang pinatawag ako ng principal. Kabadong kabado ako, sigurado about to sa away namin ni nadine kanina. Jusko lord wag naman sana.

"Goodafternoon Ms. Bernardo, since ikaw ang napili ng anak ko na maging kapartner niya sa JS, ako na rin ang mag poprovide ng isusuot mo, ibigay mo na lang sakin yung address at siya na ang bahala na sumundo sayo, will that be okay to you?" [Principal]

Sino daw? sinong pumili sakin?? at sino naman yung anak niya.

"Uhm, sino po ba yung anak niyo?" tinanong ko sa principal at napaubo ako nang sinabi niyang "Dos"

"Dos po? as in? daniel padilla?" tanong ko ulit at tumango sya sakin. Bakit si dos pa!! bakit hindi niya sinabi sakin to, walangya talaga yun.

Lumabas ako ng office para hanapin si daniel pero dahil nga sa laki ng university na to, hindi ko siya mahanap kaya ang ginawa ko, hiningi ko nalang din ang number niya kay nicole. Buti nalang pumayag si nicole, pero hindi ko pa sinabi sakanya ang tungkol dito.

Tinext ko kaagad si daniel, nanginginig pa ang mga kamay ko dahil sa tensyon na nararamdaman ko. Bakit ako pa, madami naman pagpipilian sa mga kaklase kong babae pero bakit ako pa?! pwede din namang si nicole nalang.

ughh what should i do?

The Wedding Planner (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon