It's a yes

300 3 0
                                    

Chandria

Naglalakad ako sa hallway nang biglang may tumawag sakin, nung una hindi ko ma recognize kung sino pero nung palapit na sya ng palapit sakin naalala ko na.

"Uyyyy maymay, napano ka?" tanong ko sakanya.

"S-si dos!! nasa pinakataas siya ng building at magpapakamatay daw siya kapag hindi ka pumayag na maging girlfriend niya" dinala ako ni maymay kung saan maraming taong nakapalibot at tinitignan si dos sa itaas ng building.

"CHANDRIA BERNARDO, KAPAG HINDI MO AKO SINAGOT MAGPAPAKAMATAY AKO" sigaw ni dos mula sa itaas.

Madaming nakatingin sakin, pati sila nadine nasa likod ko lang pero nagtaka ako bigla nung dumating si nicole at nakisama kila nadine, magkakaibigan na sila ngayon?

At dahil umiling ako sa sinabi ni dos, tinapak niya yung kanang paa niya at pag bilang niya daw ng tatlo kapag hindi pa ako sumagot eh itutuloy niya, kaya wala akong choice kung hindi sagutin siya.

Pagkababa niya sa taas ng building inakbayan niya ako.
"Sasagot ka rin naman pala eh haha!" sambit niya sakin. tinarayan ko siya dahil sa kapal ng mukha niyang gawin yon sa harapan ng maraming tao.

"Papakilala mo na ba ako sa mga parents mo?" tanong niya sakin.
"Hindi ah ang swerte mo naman" sagot ko.

"Sus kunwari ka pa, ipapakilala mo rin niyan ako next time" [Dos]
Habang naglalakad kami ni dos nakasalubong namin si nicole kasama yung mga 'kaibigan' niyang sila nadine at hopie and their boyfriends. Tinarayan ako ni nicole at tinignan ako mula taas at baba sabay naglakad paalis. Hays ibang iba na yung nicole na nakilala ko.

"Anong problema mo?" tanong ni dos.
"Wala." sagot ko.

"Diba bestfriend mo yun?" [Dos]

Ngumiti nalang ako at hindi ko na sinagot yung tanong ni dos. Hindi ko gusto yung nangyari kaya mas mabuti nalang na hindi na ako mag open sakanya, baka maiyak pa ako.

"Bakit hindi mo sinasabi na anak ka pala ng principal" tanong ko sakanya.

"Kailangan pa bang sabihin yun, it's not of your business." sagot naman niya.

"So anong plano mo sa buhay?"

"mmm.. wala." [dos]

"Huh, wala? anong wala? hindi naman pwede yun"

"Makasama ka habang buhay" sagot niya, napatingin ako sa baba, pakiramdam ko namumula yung mga pisngi ko at nakaramdam din ako ng kilig pero ayokong ipahalata yun kase ayokong may mabuo ulit, hindi pa ako ready masaktan.

"Sira ulo ka no!" inis na sinabi ko sakanya.

"Aba ikaw nagtatanong kung ano yung plano ko sa buhay." [Dos]

"seryosong sagot naman kase!"

"seryosong sagot naman yun ah" [dos]

"ewan ko sayo bahala ka dyan" Inunahan ko siya sa paglalakad pero sumusunod parin siya sakin.

"Uy san ka pupunta?" tanong ni dos.
"sa library." sagot ko

"Sabay na tayo" [Dos]

"Bakit? anong gagawin mo dun eh hindi ka naman nagbabasa."

"Pakialam ko sa books na yan, gusto lang kitang samahan" [dos]

Hindi ko na pinigilan si dos. Ang kulit niya sobra, pero sweet naman. Ah basta hindi ako maiinlove diyan kahit sinagot ko na siya. Pinilit lang naman niya akong sagutin siya eh pero walang halong feelings yun, in short, we're just friends.

"Bukas na yung js prom natin, sunduin kita sa bahay niyo ng 6pm." [dos]

Hindi ko sinagot yung sinabi ni dos, patuloy lang ako sa pag scroll ng pages sa novel na binabasa ko, parang dedma lang, di ko siya pinapansin, patingin tingin lang ako sakanya tapos iiwasan ko na. Siya naman, pinagmamasdan niya lang ako sa kung anong ginagawa ko.

Pinagiisipan ko pa kung anong isusuot ko bukas, gusto ko yung simple lang pero magandang tignan, pangit naman kase kapag malaki yung gown tapos naka heels ka pa, mahihirapan ka lang mag lakad.
Hindi rin ako marunong mag make up, pulbos at liptint lang ang kaya kong gawin, pero kung makakahanap ako ng make up artist edi go.

Kinakabahan lang ako sa mangyayari bukas, baka madami nanamang judgemental lalo na't sinagot ko si dos eh napilitan lang naman ako dahil sa ginawa niya. Basta hindi ako maiinlove sa dos na yan, wala lang sakin yun, in short, we're just friends.

The Wedding Planner (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon