· 03

588 40 46
                                    

MIRAE'S


Andito na ako ngayon sa SGC office pero wala pa akong kasama. Tinitignan ko ang enrollment forms ng mga transferee ngayong school year.

At tama nga ang hinala ko, si Junghwan lang ang transferee ngayong school year. Ibig sabihin siya lang ang i-oorient ko ngayong araw.

Ibig sabihin kaming dalawa lang ang laman ng kwartong 'to mamaya. Busy din kasi ang ibang SGC officers ngayong araw kasi first day of school, kaya ako lang ang natira dito.

Kaming dalawa lang dito?

Awkward.

Napatigil ako sa pagbabasa ng enrollment form ni Junghwan ng makarinig ng katok mula sa pinto.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at pumunta sa pintuan para pagbuksan ang kumakatok.


Si Junghwan na siguro 'to.

Pagkabukas ko ng pinto bumungad saakin ang isang binata na nakangiti at nakahawak sa shoulder strap ng kanyang backpack.

"Good Morning, Miss President!" bati niya saakin at ngumiti ulit.

"Good Morning din, Junghwan?" pag-aalangan na tanong ko kasi hindi naman ako sure kung si Junghwan nga 'to.

"Haha, yes, So Junghwan nga" sagot niya at napangiti habang kinamot nya ang kanyang batok.

"Sige, pasok ka na" sabi ko naman at pinapasok siya sa office.

Nang makapasok siya, sinara ko na ang pinto. Pag lingon ko, nakita ko si Junghwan na nililibot ang mata sa loob ng office.

"Woah" mahinang bulong niya.


Napangiti nalang ako at muling nagsalita.

"Uhm, Junghwan maupo ka na" sabi ko sakanya at tinuro ang upuan kung saan siya uupo.

"A-ah, sige thank you" sagot ni Junghwan at ngumiti ulit.

Umupo na din ako sa tapat niya at sinimulan ang orientation.

"I'm Park Mirae, the Student Council President. Andito tayo ngayon para i-orient ka as a transferee for this school year." pagpapakilala ko atsaka ngumiti.

May namuong katahimikan sa aming dalawa. Parang nakatulala lang si Junghwan saakin.

May dumi ba sa mukha ko? Masyado ba akong masungit pakinggan?

Awkward.

"Uhm, Junghwan? Ayos ka lang ba? Bakit parang tulala ka diyan" tanong ko sakanya at agad naman siyang napakurap ng madaming beses at ngumiti.

"Ah hehe, ayos lang ako, Mirae. Sige pagpatuloy na natin" agad naman niyang sagot at napakamot siya sa batok niya.

"Tanong lang, bakit mo nga pala napag-isipan na lumipat sa school na 'to? Bakit hindi ako nag-stay sa dati mong school?" tanong ko.

"Uhm, andito kasi yung mga kaibigan ko atsaka, mas malapit 'to sa bahay namin kaya less hassle na din, hehe." sagot ni Junghwan saakin.

Napangisi nalang ako at umupo ng maayos. Binuklat ko ang student handbook at ipinakita ito kay Junghwan.

"Junghwan, eto ang student handbook natin. Nakalagay dito lahat ng rules and regulations ng school na ito. Kapag hindi mo 'to sinunod, alam mo naman siguro na may parusa diba? Lahat naman siguro ng school may ganito, diba?" pagpapaliwanag ko at nakitang tumango naman si Junghwan kaya napatango na din ako.

"Unang major offense ay ang tardiness. Tulad nga ng sinabi ko nung magka-chat tayo, mahigpit ang school na ito when it comes to punctuality and attendance. Kaya kung ako sayo, hindi ako magpapa-late kasi hindi mo magugustuhan ang parusa." paliwanag ko.

"Ooh, okay" mahinang sagot ni Junghwan habang nakatingin siya sa handbook.

Pinagpatuloy namin ang orientation namin about sa school at tungkol din sa schedule ng section namin. Panay tango naman siya sa mga sinasabi ko habang nakatitig saakin.

Kuya, nakakatunaw po.

"At ayun lang naman. Tapos na ang orientation natin, sana na-orient kita ng maayos" sabi ko sakanya nang matapos na ang orientation namin.

"Sige, thank you, Mirae. Madami din naman akong natutunan hehe. Medyo may pagka-higpit din pala 'tong school ano?" tanong niya.

"Ah oo, haha. Ewan ko nga kung bakit ako nagtagal dito e. Naging President pa ako haha" pabirong sagot ko at tumawa naman si Junghwan.

"Gusto mo sabay na tayong pumasok sa room? Tutal magkaklase naman tayo..." pag-offer ni Junghwan at napangiti naman ako.

"Sige ba! Tayo na?" pagyaya ko.

"T-tayo na?" nalilitong tanong ni Junghwan.

"H-ha? Ibig sabihin ko, 'tayo na' pumunta na tayo sa room HAHAHA ano ka ba" pagpaliwanag ko.

"Ah ganun ba? Haha, sige tayo na" sagot niya at mahinang tumawa.

Nauna siya saakin at pinagbuksan ako ng pinto. Napangiti naman ako sa ginawa niya.

"Thank you, Junghwan" pagpapasalamat ko at ngumiti, ngumiti din siya sa sagot ko.

Nang makalabas na kami ng SGC office, rinig namin ang ingay ng mga estudyante sa labas. Sanay na ako sa ganito. Ganito naman lagi dito lalo na't first day.

"Doon yung room natin, Junghwan" sabi ko at tinuro ko ang direksyon kung nasaan ang room namin.

"Ah sige, tara na!" excited na sabi niya at hinawakan niya ang braso ko at hinila ako papunta sa direksyon na itinuro ko.

trauma | sjh ✔Where stories live. Discover now