· 22

192 20 54
                                    

JUNGHWAN'S

Nagising ako sa lakas ng alarm ko. Bumangon na ako at tumitig sa bintana.

Nanlaki ang mata ko. Bigla kong naalala, nag-confess nga pala ako kay Mirae kagabi! Ano kayang sinagot niya?

Bumilis ang tibok ng puso ko, bigla akong kinabahan. Tinignan ko ang phone ko na nasa table sa gilid ng kama ko.

Dahan-dahan kong kinuha ang phone ko habang nanginginig ang kamay ko.

Binuksan ko ang Messenger at pinindot ang pangalan ni Mirae. Tinignan ko ang mga reply niya.

PARK MIRAE
active 8 hours ago

JUNGHWAN
gusto kita, mirae.

pwede ba kitang ligawan?

MIRAE
woah

teka hshshs

sige eto...

nakakahiya man umamin pero...

gusto din kita, junghwan.

at oo, pumapayag ako na
ligawan mo ako :)

hehe

tulog ka na ata?

sorry kung natagalan ako sa
pag-reply ha?

sige, goodnight!

😘

JUNGHWAN
thank you, mirae ❤️


Sa sobrang saya ko, ayan lang ang naireply ko. Grabe, hindi ako makapaniwala. Gusto din ako ng taong gusto ko? Teka hindi naman ako nananaginip diba?

Inayos ko na ang hinigaan ako at dumiretso sa CR para maligo at mag-ayos. Pagkatapos nun, namili ako ng damit. Gagala kami ni Mirae ngayon, dapat gwapo ako sa paningin niya para naman hindi siya ma-turn-off diba?

Pagkatapos kong mag-ayos bumaba na ako.

“Hyung hyung hyung!” pangungulit ko kay Doyoung hyung habang tutok na tutok siya sa phone niya.

Kami palang ni Doyoung hyung ang gising ngayon. Yung iba kasi, nanood ng horror movie kagabi. Kaya ayun, mga puyat.

“Oh bakit?” sagot ni Doyoung hyung at tinanggal niya ang headphones niya.

“Paano ka ba nanliligaw sa babae?”

Narinig kong tumawa ng mahina si Doyoung hyung. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

“Junghwan, maniwala ka man o sa hindi, never pa akong nanligaw...”

“...yung mga babae ang nanliligaw saakin, ang gwapo ko kasi” sabi ni Doyoung hyung at napabuntong-hininga siya at ngumisi.

Sinamaan ko ng tingin si Doyoung hyung at napatawa siya.

“HAHAHAHAHA oh? bakit ganyan ka makatingin? Totoo naman ang sinabi ko ah?”

trauma | sjh ✔Where stories live. Discover now