EPILOGUE

278 17 34
                                    

MIRAE'S

( AFTER 2 YEARS )

October 31, 202X

"Manong, sa North Cemetery po" sabi ko sa taxi driver nang makasakay ako. Death anniversary niya kahapon kaso lang hindi ako nakapunta kaya ngayong birthday ko nalang ako dadalaw.

Nagsimula nang umandar ang taxi at nakinig sa music habang bumabiyahe.

Napaisip ako habang nakatingin sa bintana. Ang tagal niya nang wala, ang dami ng nangyari sa buhay ko simula noong nawala siya. Ang daming nagbago.

Sumandal ako at nagsimulang matulog.

-

"Ma'am, andito na po tayo" nagising ako nang biglang magsalita ang taxi driver nagpasalamat ako at nagbayad.

Bumaba ako ng taxi habang bitbit ang flowers at kandila na dala ko para sa puntod niya.

Medyo maraming tao ngayon dito sa sementeryo. Araw ng patay kasi bukas. Sinimulan ko nang hanapin ang puntod niya.

Nang makarating ako sa puntod niya. Hinawi ko ang mga dahon na nakakalat sa lapida niya, nilinis ko ito at nilapag ang bulaklak sa gilid nito. Sinindihan ko na din ang kandila.

Umupo ako sa damuhan katabi sa puntod at nagsimulang magsalita.

"Hello, kamusta? Death anniversary mo kahapon. Sorry kung hindi ako nakapunta, sobrang busy ko kasi e" kinausap ko ang puntod na tila ba'y sasagot 'to. Nababaliw na ata ako.

"Birthday ko ngayon. Gusto ko lang pumunta dito ngayong birthday ko para magpasalamat sayo. Naging malaking parte ka ng buhay ko at hinding-hindi ko makakalimutan yun"

"Thank you sa lahat-lahat, Minkyu. Salamat dahil minahal mo ako, tinanggap mo ko. Salamat sa lahat"

"Simula nang mawala ka, ang daming nagbago. Nagbago ako, nagbago ang ugali ko, nagbago ang pakikitungo ko sa ibang tao. Natakot na akong magmahal ulit"

"Pero may lalaking dumating sa buhay ko, minahal niya ako tulad ng pagmamahal mo saakin. Binago niya ako, pinasaya niya ako. Si Junghwan..."

"...Pero, wala na din siya e. Miss na miss ko na siya" napaluha ako nang mabanggit ko ang pangalan ni Junghwan. Miss na miss ko na siya.

Nag-stay pa ako sa sementeryo ng mga 30 minutes hanngang sa nagdesisyon na ako na umalis.

"Sige Minkyu, mauna na ako ha? Bye!"

Napatigil ako sa paglalakad ng may biglang nag-message saakin.

HARUTO WATANABE
active now


HARUTO
HOY BIRTHDAY GIRL

pauwi ka na ba?

trauma | sjh ✔Where stories live. Discover now