· 31

194 15 1
                                    

MIRAE'S

Andito na kami sa hospital. Nakasilip ako sa ICU kung nasaan si Junghwan. Tulala ako at nag-aalala. Hindi ko na alam.

Yung mga kabarkada ni Junghwan, naka-upo, yung iba palakad-lakad at hindi mapakali sa pag-aalala.

Pare-parehas lang kami ng nararamdaman dito. Nag-aalala at umaasa na sana maligtas si Junghwan.

"Mirae, pwede ba tayong mag-usap?" nagulat ako nang bigla akong inapproach ni Jihoon. Tumango ako at sumunod sa kanya.

Umupo kami sa mga upuan na andito sa hall. Walang nagsalita sa amin noong una.

"Hindi ba sinabi ni Junghwan sayo?" tanong saakin ni Jihoon.

"Ang alin?"

Napabuntong-hininga si Jihoon at yumuko.

"Hindi nga niya sinabi sayo..."

"...Mirae, may sakit sa puso si Junghwan"

Nanlaki ang mata ko. May sakit si Junghwan? Bakit hindi niya agad sinabi saakin? Kaya pala...

"Hindi siya pwede sa mga extreme emotions. Hindi siya pwedeng magalit ng sobra, malungkot ng sobra at sumaya ng sobra. Kasi mahina ang puso niya, hindi niya kakayanin yun"

"Malamang kaya siya nawalan ng malay si Junghwan kanina kasi sobrang saya niya kaso sinagot mo na siya..."

Unti-unting tumulo ang luha ko. B-bakit?

"Bakit hindi niya agad sinabi saakin? Bakit niya nilihim saakin?” tanong ko kay Jihoon.

Malungkot na ngumiti si Jihoon at tumingin saakin.

“Kasi mahal ka niya. Ayaw niya na malungkot ka kasi alam mo na may sakit siya. Ayaw niya na mag-alala ka sa kanya”

“Thank you, Mirae kasi pinatawad mo siya. Thank you hindi ka umalis sa tabi niya”

Magpakatatag ka ha? Wag kang susuko kakayanin natin 'to para kay Junghwan” pagpapatuloy pa ni Jihoon.

Bukod saamin, sayo lang humuhugot ng lakas si Junghwan. Nang dahil sayo, lumalaban siya”

Pinunasan ko ang luha kong kanina pang tumutulo.

“Mirae, wag mong iiwan si Junghwan ha? Pangako mo na hinding-hindi mo siya iiwan kahit ano mang mangyari, please?”

Tumango ako at ngumiti naman si Jihoon pinatahan niya ako at ibinigay niya saakin ang panyo niya.

“Doc! Nurse! Si Junghwan!” rinig naming sigaw ni Hyunsuk mula sa labas ng ICU. Agad kaming tumakbo ni Jihoon papunta sa kanila.

Nang makita ko si Junghwan, napatakip ako sa bibig ko. Nag-flatline siya.

Agad rumesponde ang mga doktor at nurse papunta sa ICU sinubukan nilang i-revive si Junghwan.

No, hindi pwedeng mangyari 'to.

Walang tigil ang pagtulo ng luha ko pati ng mga kasama ko dito. Lahat kami nag-aalala sa nangyayari kay Junghwan.

Napaisip ako. Ganitong-ganito din ang nangyari kay Minkyu 2 years ago. October 30 nangyari yun at October 30 din ngayon.

Ayokong isipin yun pero hindi ko mapigilang mag-overthink.

Hindi pwede. Hindi pwedeng mawala si Junghwan.

Lalaban siya.

Nakatingin pa rin kami kay Junghwan mula sa labas, umaasa na sana maligtas siya.

Wag mo akong iiwan, Junghwan.

a/n : epilogue na ang next!

trauma | sjh ✔Where stories live. Discover now