· 25

156 15 14
                                    

MIRAE'S

“Class, ready na ba kayo sa Taekwondo class natin ngayon?” tanong ni Mr.Park, ang P.E. teacher namin.

“Yes sir!”

Ako lang ang hindi sumagot. Wala ako sa mood ngayon. Atsaka hindi naman interesado sa Taekwondo na yan.

“Balita ko may naka-black belt daw sa Taekwondo dito sa klase niyo? So Junghwan, right?”

( a/n : hindi ko alam kung anong belt na si Junghwan HAHAHAHA kaya nag-imbento nalang ako. )

Naghagikhikan ang mga babae kong kaklase nang tumayo si Junghwan sa bleachers at bumaba.

“Uy bebe mo oh!” pang-aasar saakin ni Hyerin na katabi ko ngayon.

Hindi ko siya sinagot at umirap nalang. Putangina.

“Teh ayos ka lang? Bakit mo inirapan si Junghwan? Akala ko ba gusto mo siya?” tanong ni Hyerin saakin.

“Oo, ayos lang ako.”

Bwisit. Dapat talaga hindi ako pumasok ngayon e. Ayokong makita si Junghwan.

“Mr. So, pwede mo bang ipakita saamin kung paano mag-Taekwondo?” tanong ni Mr. Park kay Junghwan.

Luh? Ikaw ang teacher diba? Bakit hindi ikaw ang magpakita saamin? Bakit kailangan mo pang tawagin si Junghwan? Tss.

Nagsimula na si Junghwan sa sumipa-sipa sa ere. Pasimple akong tumingin sa kanya habang nagttaekwondo siya. Syempre hindi ko pinahalata.

Nang matapos si Junghwan, nagpalakpakan ang mga kaklase ko. Habang ako, naka-cross arms lang habang nakakunot ang noo.

Napansin kong sumulyap saakin si Junghwan at ngumiti siya saakin. Iniwasan ko lang siya ng tingin.

Bwisit na yan.

Hindi ko na kaya. Tumayo ako sa bleachers at nag-walk out. Napatingin saakin ang mga kaklase ko pati si Mr. Park.

Hindi ko nalang sila pinansin. Wala na silang pake sa kahit anong gagawin ko.

Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa umabot sa locker hall. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Bahala na.

“Mirae!” rinig kong may sumigaw ng pangalan ko. Pamilyar ang boses na yun. Si Junghwan.

Aish! Bakit niya ako sinundan?!

Hindi ko siya liningon at mas binilisan ko pa ang lakad ko.

Kaso mas mabilis siya.

Nahabol niya ako at hinawakan niya ako sa wrist dahilan para mapalingon ako sa kanya.

“Yah! Bitawan mo nga ak—”

“I'm sorry Mirae, I'm sorry” nakatungo lang siya. Hindi siya makatingin sa mga mata ko.

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at nagsimula ulit magsalita.

“Hayaan mo akong mag-explain sayo please. Pagbigyan mo na ako, Mirae”

“Wala na tayong dapat pag-usapan pa, Junghwan”

“Meron, Mirae. At hindi kita titigilan hangga't hindi tayo bumabalik sa dati”

Wala na akong choice. Wala na akong choice kundi pakinggan siya.

“I'm sorry, sorry kung hindi ko agad sinabi sayo, naunahan lang talaga ako ng takot. Maniwala ka man o sa hindi, palagi kong sinusubukan na sabihin sayo pero natakot lang talaga ako...”

“...sorry kung pinagmukha kitang tanga, sorry kung naging selfish ako, sorry kung hindi ko inuna ang mararamdaman mo kesa sa takot ko...”

“...sobrang natakot lang talaga kasi ako. Natakot ako kasi baka masira ang friendship natin, lalo na't may nararamdaman tayo sa isa't-isa”

“Pero ito na nga ang kinatatakutan ko, galit na galit ka na saakin. Hindi ko alam kung mapapatawad mo ako. Ang laki ng kasalanan ko sayo. Nagsinungaling ako, naglihim ako sayo...”

“...pero sana, mabigyan mo pa ako ng isa pang chance, sana patawarin mo ako”

“Hindi ko kakayanin kung mawala ka saakin...Mahal kita, Mirae” tumingin saakin si Junghwan pagkatapos niyang sabihin yun. Nakita ko na maluluha na siya.

Ako din, hindi ko namalayan na maluluha na rin pala ako. Bumitaw na ako sa kamay ni Junghwan at tinalikuran siya.

Iniwan ko si Junghwan mag-isa sa locket hall. Ewan ko, hindi ko alam ang gagawin ko. Basta ang importante, nag-sorry na siya saakin.

trauma | sjh ✔Where stories live. Discover now