· 05

357 30 19
                                    

MIRAE'S

Nang makapasok na kami ni Junghwan sa classroom, biglang nanahimik ang mga kaklase namin.

Nakakita ba sila ng multo? Kami lang 'to oh.

Napansin ko na lahat sila nakatitig lang kay Junghwan. Pero si Junghwan naman, mukhang nalilito din siya kung bakit ganun ang reaksyon nila.

Kaya siguro ganto ang reaksyon nila kasi bago lang sa paningin nila si Junghwan, malamang transferee e.

"Look at her, kaya lang siguro siya tumakbo sa SGC para lagi siyang may kasamang gwapong transferee" rinig ko na bulung-bulungan ng kaklase ko kong babae.

"Kaya nga e, tsk ang landi talaga" sagot naman ng babaeng kausap niya.

Hindi ko nalang sila pinansin. Tinuro ko nalang kay Junghwan kung saan siya uupo.

"Junghwan, doon ka nalang umupo" sabi ko sabay turo sa upuan na katabi ng upuan ko. Tutal ayun nalang naman ang bakante bukod sa upuan ko.

Tumango naman si Junghwan at pumunta na kami sa kanya-kanya naming mga upuan.

Nang makaupo na kami, tinignan namin ni Junghwan ang isa't -isa at tumango kami pareho at nginitian namin isa't-isa.

Sinitsitan ako ng kaibigan ko na si Hyerin na nakaupo lang sa likod ko.

"Pst, Mirae, sino yung kasama mo ha?" mahinang bulong ni Hyerin saakin.

"So Junghwan, nag-iisang transferee ngayong school year" sagot ko kay Hyerin.

"Junghwan? Ang ganda naman ng pangalan, ang gwapo pa hihi" hagikhik ni Hyerin at sinamaan ko siya ng tingin dahil medyo napalakas ang boses niya.

"Ay, baka nagseselos ka, sige sayo na yang si Junghwan"

"Luh, anong saakin nalang si Junghwan? Hindi ko crush yan 'no!" depensa ko naman kay Hyerin. Ano kaya yun? Kakakilala lang namin, crush agad?

"Ay sus, sabi mo yan ha" sagot ni Hyerin sabay ngisi saakin. Loka-loka talaga 'tong babaeng 'to kahit kailan tsk.

Natahimik ulit ang mga kaklase ko nang may pumasok na teacher.

"Good Morning 95AB. I'm Ms. Shin, your class adviser for this school year, I hope we can get along." pagpapakilala ni Ms. Shin sa klase.

Okay naman siya. Mukha naman siyang mabait kaya siguro din makakasundo din 'to ng section namin.

"Nabalitaan ko na dito sa section natin napunta yung nag-iisang transferee natin this school year. Pwede ko bang malaman kung sino yun?" sabi ni Ms. Shin at lumingon ang mga kaklase ko kay Junghwan.

Tinaas naman ni Junghwan ang kamay niya at nakita kong ngumiti si Ms. Shin.

"Ah, yes. Can you please come here in front and introduce yourself?" sabi ni Ms. Shin at nakita ko namang tumango at tumayo na si Junghwan sa kinauupuan niya para pumunta sa harap.

Nang makapunta na siya na harap, nagsimula na siyang magsalita.

"Hello everyone, I'm So Junghwan. Nice to meet you, sana magkasundo tayong lahat" pagpapakilala ni Junghwan sa klase.

"Aah, Junghwan ang name ni kuya pogi hihi ang cute naman nung name parang siya omg"

"Search ko nga mamaya sa Facebook yan hihi"

"Hello new crush hehe"

Bulung-bulungan ng mga kaklase kong babae. Nag-aalala ako para kay Junghwan kasi baka mailang siya agad dito. First day na first day uncomfortable na agad siya.

Bumalik na si Junghwan sa upuan niya at tumingin siya sa akin. Nag-thumbs up naman ako sakanya atsaka ngumiti.

"Okay, nice meeting you Mr. So. Sana ay maging comfortable ka dito saamin. Mababait naman yang mga kaklase mo, hindi lang halata haha" pabirong sabi ni Ms. Shin at tumawa naman ang buong klase.

Nagsimula na ang klase kaya nakinig na ako. Yung iba ko namang mga kaklase hindi nakikinig. Tsk, bahala sila sa buhay nila.

Pero iba 'tong si Junghwan, nagte-take down notes siya sa lahat ng sinasabi ni Ms. Shin. Halata naman na pursigido siya sa pag-aaral niya.

Aba, very good yan.

Napangiti at napatitig naman ako kay Junghwan na nagsusulat sa kanyang notebook.

"Teh, baka matunaw" pabulong na sabi ni Hyerin saakin mula sa likod sabay hagikhik.

"Heh, tumigil ka nga diyan, Hyerin. Makinig ka nalang kay Ms. Shin oh"

"Luh, baka ikaw ang hindi nakikinig, kanina ka pa nakatitig kay Junghwan" pang-aasar ni Hyerin.

Nagulat naman kami nang lumingon sa direksyon namin si Junghwan. Ang ingay ingay kasi netong babaeng 'to e!

"Pinag-uusapan niyo ba ako?" tanong ni Junghwan saaming dalawa ni Hyerin.

"A-ah. Hindi, Junghwan. Sige magsulat ka na ulit diyan hehe" palusot ko at nagpatuloy na si Junghwan sa pagsusulat.

"Ikaw kasi! Ang ingay ingay mo!" saway ko kay Hyerin.

"Oo, sorry naaaa. Wag ka na magalit ok?" sabi ni Hyerin at tinuon ko nalang ang pansin ko kay Ms. Shin na nagtuturo sa harapan.

trauma | sjh ✔Where stories live. Discover now