· 13

222 26 26
                                    

MIRAE'S

Andito ako sa hospital room kasama si Junghwan. Noong nasa sementeryo kami bigla nalang siyang nahimatay. Ano kayang nangyari sakanya?

Hindi pa rin gumigising si Junghwan hanggang ngayon, hanggang ngayon wala pa rin siyang malay.

Mabuti nalang may nakakita saamin sa sementeryo at tinulungan nila kaming isugod si Junghwan dito sa hospital.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kinuha ko ang cellphone ni Junghwan sa bag niya at binuksan ang contacts. Dapat may makaalam kung anong nangyari sa kay Junghwan, kahit kamag-anak niya o kahit kaibigan lang man niya.

Wala akong kilala sa mga nasa contacts ni Junghwan, kaya pinindot ko nalang yung contact na may nakasulat na “Hyunsuk hyung”.

Kapatid niya ba 'to o kaibigan?

Calling...
Hyunsuk hyung

( left : hyunsuk | right : mirae )

“Hello?”

“Hello Junghwan? Bakit lumiit
yang boses mo?
Nabakla ka na ba—”

Uhm, hindi po ito si Junghwan.
Ako po si Mirae, kaibigan niya po ako.
Andito po kami ni Junghwan sa ____ hospital. Nahimatay po kasi siya...”

“M-mirae?”

Opo”

“Bakit nahimatay si Junghwan?
Anong nangyari?!”

Nagpasama po kasi ako sakanya
sa sementeryo. Tapos napansin ko
po na parang namumutla siya
tapos ayun, bigla nalang po siyang nahimatay”

“...”

“Hello? Andyan pa po ba kayo?”

“Ah oo sige, papunta na ako diyan. Hintayin niyo lang ako”

“Thank you, Mirae ah?”

“Sige po, antayin po namin kayo”

Call ended.

Hinintay ko nalang na pumunta si Hyunsuk dito. Hinawakan ko ang noo ni Junghwan at napangiti nalang.

“Junghwan gising ka na...ano ba talaga nangyari sayo?” mahinang sabi ko at napa-buntong-hininga nalang.

Nag-head down nalang ako sa tabi ng kama ni Junghwan at nagsimulang makatulog.

Nagising na ako pero hindi pa rin gumigising si Junghwan. May narinig ako na kumakatok sa pinto.

Pumunta ako sa pintuan at binuksan ito.

“Hi Mirae, ako yung tinawagan mo kanina, Choi Hyunsuk.” sabi ni Hyunsuk at nginitian ako. Pinapasok ko na siya sa loob ng kwarto.

Choi? Ibig sabihin hindi sila magkapatid ni Junghwan? Akala ko ba naman.

Kaano-ano kayo ni Junghwan?” tanong ko kay Hyunsuk kasi naccurious kasi talaga ako.

“Isa ako sa mga kabarkada niya” sagot saakin ni Hyunsuk.

Sila ba yung sinasabi saakin ni Junghwan na tropa niya?

“Uhm, Hyunsuk? Nasabi mo na ba sa parents ni Junghwan na andito siya ngayon?”

“Matagal nang patay ang parents niya. Kaya kami na ng tropa niya ang tumayong mga kuya para sa kanya. Sa isang dorm kami nakatira ngayon”

“Ah ganun ba?” tumango naman si Hyunsuk. Bigla akong naawa kay Junghwan kasi wala na pala ang mga magulang niya. Buti nalang andyan yung mga kaibigan niya para sa kanya.

“Ano kayang nangyari kay Junghwan? Bakit kaya siya biglang nahimatay...” nagtatakang tanong ko.

“...Napansin ko kasi na namutla siya pero sabi niya okay lang daw siya...pero ayun, bigla nalang siyang bumagsak”

“Sino bang pinuntahan niyo sa sementeryo?” tanong ni Hyunsuk.

“Si Minkyu...ex boyfriend ko”

Napansin ko na nanlaki ang mata ni Hyunsuk nung nalaman niya na si Minkyu at dinalaw namin.

“B-baka inatake nanaman siya ng sakit niya...masyado sigurong kinabahan...” mahinang sabi ni Hyunsuk pero narinig ko pa rin naman.

“Sakit? May sakit si Junghwan?!” nagtatakang tanong ko kay Hyunsuk.

“H-ha? Sakit? Anong sakit? Ano kasi...madali lang kasi siyang mapagod”

Napaisip naman ako. Siguro nga napagod lang si Junghwan kasi ang init kanina at ang haba din ng nilakad namin.

“Sige Mirae, umuwi ka na. Ako nalang magbabantay kay Junghwan, tatawagan ko nalang yung mga ibang kabarkada namin para pumunta dito”

“Thank you nga pala sa pag-intindi mo para kay Junghwan” sabi ni Hyunsuk sabay ngiti.

“Wala yun! Sige mauna na ako. Pakisabi nalang kay Junghwan na nauna na ako” paalam ko at lumabas na ako sa kwarto.

Nang makalabas ako sa kwarto napaisip ako.

Ngayon na nalaman ko na wala na ang parents ni Junghwan, mas kailangan niya ng makakasama.

Kahit ilang araw palang kaming magka-kilala, parang ang gaan na ng loob ko para sa kanya.

Bakit kaya?

I've made up my mind. Hinding-hindi ako aalis sa tabi ni Junghwan at sasamahan ko siya bilang kaibigan niya.

a/n : ang cringey ko mag narrate hshshs sorry na ho.

trauma | sjh ✔Where stories live. Discover now