"Hah!" Nagising ang binatang pinagpapawisan. Napaupo siya sa kanyang higaan at ginulo ang buhok nito. Hinihingal si Damien na hinala ang buhok habang inalala ang masamang panaginip na tila bangungot para sa kanya.
Gabi-gabi niya itong napapanaginipan at hanggang ngayon ay hindi pa rin matahimik ang kanyang isipan. Hubad-baro ang binatang tumayo mula sa kanyang kinauupuan at tinignan ang oras sa kanyang cellphone.
Gaya ng dati, hating-gabi na at nagising na naman siya. Nakita niya rin ang petsa ngayon at napamura siya. Ang araw na ito ay siyang anibersaryo nang namayapa niyang nobya na pakakasalan na niya sana.
"Bakit? Bakit sa lahat ng nawala siya pa?!" Puno nang hinanakit na turan ng binata sa sarili. Lugung-lugo ito, alam niyang hindi na siya makakabalik pa sa tulog lalo na ngayon.
Tumayo siya at naglakad papunta sa terasa ng kanyang kuwarto kahit na umuulan at mahangin pati ang panahon ay nakikidalamhati sa kanya kahit na ilang taon na ang nakalipas. Pinagmasdan niya ang makulimlim na langit habang nababasa siya.
Tandang-tanda niya ang mukha ng namayapang nobya at hindi ito maalis sa kanyang isipan. He promised her that he would not love another woman beside her, so the loneliness he is experiencing now will last forever.
Ngunit, hindi ba naisip ng binata kaya marahil hindi sila para sa isa't-isa dahil may ibang nararapat at mas nakakahigit pa sa dati nitong nobya?
Hindi niya ba naisip na baka ito'y pagsubok lamang sa kanya at nais malaman ng tadhana kung gaano siya katatag at kalakas upang harapin ang bukas?
Isa lamang itong paraan ng tandhana upang ipakita sa kanya na hindi lahat ng bagay ay makukuha nito sa isang iglap lamang. Ang tao ay kailangang mabuhay ng may mga pagsubok upang may mapagtagumpayan ito.
Life without struggles is boring. Kapag ganoon ang buhay, walang kabuluhan at walang kulay. Wala kang iisipin kundi ang kain-tulog lamang na siyang nakakainip.
Ang buhay kapag may pagsubok na kinakaharap mas lalong nagiging makabuluhan mas lalong nagiging kapanapanabik at mas lalong kasiya-siya kapag nalapagsan ang pagsubok.
Isa sa mga taong iyon si Damien, isa siya sa mga taong kailangang harapin ang pagsubok nang sa ganoon ay mahanap nito ang kasiyahang dapat sa puso nito. Bumalik si Damien sa kanyang silid at dumiretso sa kanyang paliguan.
Pagkatapos ay nagbihis at naglakad papuntang garehe. Wala siyang oras na pumili ng sasakyan kaya kinuha na niya ang kung anong madampot niyang susi at dumiretso sa sasakyan. Walang emosyon ang mukha ng binata habang inilalabas ang sasakyan nito.
He stared emotionless at the front. Nagulat pa ang mga tauhan ni Damien nang lumabas siya ng ganito ang oras.
"Sir, madulas po ang daan -" Hindi na pinatapos pa ni Damien ang tauhan at lumabas na ito matapos buksan ang gate ng Estate. Wala ng nagawa ang tauhan nito at napabuntung-hininga nalang. Tinahak ng binata ang isang daanan.
Nasa isipan nito ang poot at lungkot ngunit wala na siyang magagawa pa dahil hindi na niya maibabalik pa ang taong iyon kung sana lang hindi siya nahuli nang mangyari iyon.
Mabigat ang damdamin ng binata na pati ang sarili at mga taing nasa paligid niya ay kanyang pinarurusahan.
Makasarili na kung makasarili ngunit kapag naunawaan lamang nila ang nararamdaman ni Damien nais niya muna ang mapag-isa nais niya muna na sarilinin ang lahat ng ito bago niya harapin ang iba.
Mahal niya ang pamilya ngayon ngunit mas higit na mahal niya ang babaeng itinatangi ng kanyang puso sa loob nang pitong taon. Hindi basta-basta maalis ang pagmamahal na iyon para sa namayapang kasintahan.
BINABASA MO ANG
Ruthless Men Series 4:Damien's Retribution
RomanceDamien Axel Ambrose, he's dangerous and he's powerful. A sinfully hot-sexy Mafia Boss. He rules everything. He control's everyone. Love isn't essential for him not until he meets Alyssa... Alyssa Nicole Paderes, she's naive and innocent. A woman's...