Sa tuwing nakikita ni Alyssa ang pagkain na inihahanda sa kanya ay hindi niya ito magalaw-galaw at sa tuwing susubukan niya namang kumain ng kaunting ulam at kanin sa kutsara ay pinipilit ng dalaga na isuka iyon sa takot na tumaba siya.
Pipilitin niya ang sarili na isuka ang kaunting pagkain gayong hindi naman iyon maapektuhan ang timbang niya. She's still underweight and malnourished but she didn't saw it. Hindi pa din nila sinusukuan si Alyssa lalo pa at tubig lang ang kinukunsumo nito.
Inuunti-unti nila ang pagpapakain sa kanya mula sa light at heavy meals pero parang wala pa rin itong kuwenta kahit na iniba nila ang diet ng dalaga. Ang inaantay nalang nila ngayon ay ang diagnose nito Doctor Harvey at ni Karlos na pupuntahan ang dalaga bukas upang ito mismo ang kumausap dito.
Hindi malalaman kung ano ang tunay na kalagayan ng dalaga hangga't hindi nalalaman kung ano ang sakit nito o kung may sakit ba talaga ito. Alyssa is hiding from everyone's attention.
She hides in one of comfort room.Doon siya sa C. R. na walang gumagamit at doon ay isinusuka niya ang ilang subong kinain niya kahit na tubig na lang ang isinusuka nito. Iniisip ng dalaga na kahit kaunti lang 'yon, ilang kilo ang madadagdag noon sa timbang niya.
Nagtago ang dalaga kung saan kahit na ang mainit na mga mata ni Damien ay hindi siya mapapansin. Mainit ang dugo sa kanya ng may-ari ng bahay na ito baka mapalayas siya nang wala sa oras, wala pa namang balita sa kanyang mga magulang.
Naupo ang dalaga sa bowl ng C.R. matapos nitong hilamusan ang sarili at magmumog mula sa pagsusuka nito. Oatmeal, saging at gatas na nga lang ang agahan niya ay hindi niya pa ito matunaw-tunaw sa kanyang tiyan. She fears to gain weight.
Nakadagdag pa sa trauma nito ang panunuya at insulto ng mga kalalakihan sa Casa sa loob ng limang taon na siyang mas lalong nagpalala sa trauma ni Alyssa. She bowed her head and sighed deeply. She's measuring her breathing.
Ang gulung-gulo ng mukha at ayos ni Alyssa. Ang kanyang buhok na nasa mukha ay nabasa ng tubig. Napagod siya sa pagpilit sa sarili na isuka ang mga kinain niya. Ganito palagi ang senaryo kapag kumakain siya, hindi niya mapigilan iyon.
'Lord, bakit nangyayari ito sa akin?' She asked. Dati, alam na alam ni Alyssa na maganang-magana siya sa pagkain noon hindi pa siya nakikidnap. She eats healthy food.
Wala siyang problema sa bagay na iyon pero ngayon tila isa na naman itong malaking dakog sa buhay ng dalaga.
Tinignan ni Alyssa ang pulsuhan habang hinahawakan ang mga linyang nasa kanyang pulsuhan. Ang iba ay bago, ang iba naman ay kakagaling lang ngunit sinusugatang muli ng dalaga. This is her way of taking the pain away and it's by being numb.
Kahit papano kung manhid na ang katawan niya sa sakit. Sanay na siya at wala na itong magiging epekto sa kanya. Tanging mga matatalim na salita nalang mula sa ibang tao ang magiging kutsilyo na itatarak sa likod ng dalaga.
Kahit saan man siya magpunta ngayon, madadala at madadala niya ang mga nangyari sa kanya na maaring magdulot ng hindi maganda sa kanyang hinaharap. "Hindi na naman ako umaasa." Bulong niya sa sarili. Hindi na siya umaasa, hindi na siya umaasang magiging maganda pa ang kinabukasan niya dahil nasira na ito.
Nasira na ito noong nakaraang limang taon. Sa kuwartong inookyupa ni Alyssa, lahat ng bagay roon na nagpapakita sa kanyang repleksyon ay kanyang tinakpan. Pamamaraan niya ito upang hindi makita at pandirihan ang sarili.
Para sa kanya dahil mataba siya, panget na rin siya. Kahit na ang salamin kung nasaan siya ngayon ay hindi niya matignan-tignan. Isang malaking unos pang-sarili ang nangyayari sa dalaga.
BINABASA MO ANG
Ruthless Men Series 4:Damien's Retribution
RomanceDamien Axel Ambrose, he's dangerous and he's powerful. A sinfully hot-sexy Mafia Boss. He rules everything. He control's everyone. Love isn't essential for him not until he meets Alyssa... Alyssa Nicole Paderes, she's naive and innocent. A woman's...