Alyssa saw the number Jask given to her at hindi siya makapaniwala sa nakikita niya ngayon. 'Nanaginip lang ako. Hindi ito totoo.' Aniya sa sarili habang lumalapit sa dalawang puntod na magkatabi.
Nanlamig ang buong katawan ni Alyssa at tila mabubuwal siya sa kanyang kinatatayuan habang lumalapit sa mga ito. "Ma, Pa..." Bulong ni Alyssa habang nakikita ang mga ito na tanging lapida na lamang. Napalunok ang dalaga nang lumuhod sa puntod nila. She touched tombstone while trembling.
Mauritius Paderes -Born: January 11, 1963 Died: June 24, 2018
Gertudes Paderes =Born: August 22, 1965 Died: June 24, 2018
Napaluha ang babae, isang taon lang ang pagitan nang pagkatakas niya at nang pagkamatay nila.
"Ma, Pa, bakit hindi niyo ako inantay?" Tila ulang bumuhos ang mga luha ni Alyssa, hindi niya akalaing bukod pa sa sakit na nararamdaman niya kanina ay may mas triple pang sakit at pighating nag-aantay sa kanya.
Tandang-tanda niya pa ang pag-aaway nila noon pero heto at sabay silang namatay na ibig-sabihin ay nagkasama silang muli. Napaluhod si Alyssa roon at niyakap ang puntod ng mga magulang.
Wala nang mas sasakita pa dito, bakit hindi siya nagmadali sa pagtakas? Bakit hindi na niya naabutan ang mga magulang matagal na niyang pinangungulilaan?
"Kasalanan ko Ma, Pa, kasalanan ko ang lahat ng ito." Sisi niya sa sarili habang itinuturo ang dibdib ng kanyang palad. Ang pighati ni Alyssa ay umalingawngaw sa buong sementeryo dahil sa katahimikan nito.
Ang paligid ay nakikiramay sa babae at walang hanggang katahimikan ang maririnig dito maliban na lamang sa mga sinasabi ni Alyssa. Sinisi niya ang sarili dahil hindi niya nakasama ang mga magulang malamang namatay ang mga ito nang nag-aalala sa kanya.
Nag-iisang anak na lamang siya at ngayon ay ulilang-lubos na siya. Wala na ang pinakamamahal niyang mga magulang, wala na ang mga taong lubos at totoong nagmamahal sa kanya.
Napatingin siya sa langit, hindi niya man nais na kuwestiyunin ito ngunit sa sakit na nadarama niya, sa pait ng mga naranasan niya. Wala ba siyang karapatang kuwestiyunin ang nangyayari sa kanya?
"Bakit Panginoon ko? Bakit nangyayari sa akin ito? Bakit hinayaan niyong magkaganito ang buhay ko?" She asked. Hindi tumitigil ang mga luha ni Alyssa na bumagsak. Huli na ang paghihinagpis niya, huling-huli na.
Isang taon na ang nakakaraan, isang taong na wala na ang mga magulang niya. She can't stop herself to shout and let-out what she feels. Sigaw nang sigaw si Alyssa, hindi siya tumigil, at hindi siya tumigil hangga't hindi siya napagod.
Sana kahit man lang nakita niya ang mga mukha ng mga magulang kahit sa huling pagkakataon ngunit wala, wala siyang nakita kahit ni dulo lamang ng mga buhok nila. San Mateo is far from San Martin which is their hometown. Alyssa felt useless.
Marahil lumipat ang mga magulang niya dahil naalala siya ng mga ito sa lumang bahay nila. Marahil ay nakapagkit sa kanila na patay na siya kaya upang hindi sila lalong malungkot ay napadpad sila rito.
"All I asked is to be happy and be with my parents. Bakit ito ang nadatnan ko?" She asked herself. Paos na paos si Alyssa at masakit ang lalamunan niya dahil sa ginawang pagsigaw niya kanina pero walang mas sasakit sa sunud-sunod na mga pangyayaring ito.
She can't handle everything once. Akala niya kaya niya, akala niya malalampasan niya ito pero hindi pala. The pain was too much.
Hindi lang ang buong katawan niya ang masakit kundi maging ang puso niyang wasak na wasak na nga ay durog na durog pa. Ano ang nais ng tadhana sa kanya?She has already given up everything, realizing she is no longer useful.
BINABASA MO ANG
Ruthless Men Series 4:Damien's Retribution
RomanceDamien Axel Ambrose, he's dangerous and he's powerful. A sinfully hot-sexy Mafia Boss. He rules everything. He control's everyone. Love isn't essential for him not until he meets Alyssa... Alyssa Nicole Paderes, she's naive and innocent. A woman's...