"Happy Birthday to you... Happy Birthday, Happy Birthday, Happy Birthday! Alyssa, happy birthday." The song was sung by everyone. They are clapping as they sing.
Naluluha ang dalaga habang pinapanood at nakikinig sa kanila hindi niya mawari kung ano ang dapat maramdaman gayong hindi niya alam na kaarawan niya pala ngayon.
Mula noong nawalay siya sa magulang ay hindi na niya matandaan kung anong araw o buwan siya kinuha ng mga ito. She already forgot that term. She already forgot her own birthday.
Sa totoo lang ngayon lang siya muli nakadalo sa isang salu-salo at kasiyahan kaya naman hindi maipaliwanag ang kanyang nararamdaman pero ngayon saya at kalungkutan ang nadarama niya.
Masaya dahil ipinagdiriwang ang kanyang kaarawan at malungkot dahil hindi niya natatandaang ngayon ito. Nag-uunahan ang mga luha ng dalaga sa pag-agos mula sa galak at saya.
Damien does not want them to be late due to his own surprise. This is a big surprise that Alyssa will never forget. "Are you okay, dove?" Damien asked beside her. Hindi nakasagot ang dalaga at tanging pagtango at pagpahid sa mga mata ang sagot nito bago hinagod ni Damien ang likod nito.
"Paano mo nalamang kaarawan ko gayong ako nga mismo ay hindi ito alam?" She asked while sobbing. Lahat ay natahimik at nakikinig sa dalawang pares na siyang sentro nang atensyon ng lahat.
Damien pointed at Jask at Leon who are holding hands with their own wives. "They told me, hindi na ako nakapaghanda ng sarili mong party dahil sa mga nangyayari pero naki-usap naman ako kina Lorenzo sa bagay na ito," paliwanag ni Damien na siyang ikinangiti ng dalaga.
Niyakap niya nang mahigpit si Damien at ibinaon ang buong mukha nito sa leeg ng binata. "I don't need a party; all I need is you, but I appreciate it. Thank you incredibly much." Alyssa spoke into his ears. Damien hugged her back and comforted her.
"No problem, dove, I will do anything for you as long as I can do it," bulong nito pabalik.
Humiwalay siya sa pagkakayakap sa dalaga at kinuha ang kamay nito at hinalikan pagkatapos ay isinuot dito ang pulseras na ibinigay sa kanya ng mga Arabo na binayaran din niya.
"This is my first gift, my baby dove - it really suits you." Masuyo niyang hinalikan ang kamay ulit ng dalaga bago hinalikan ito sa labi. "Happy twentieth birthday, my dove; I love you." Even though they are in front of others, he is not afraid to say something to her.
Hindi katulad noon na ni hindi niya malapitan ang dalaga. Napahawak ang dalaga sa bracelet at inilagay ito sa bandang dibdib niya. She will treasure this gift. Gaya nang pag-aalaga sa kanya ng taong nagbigay nito.
"Happy Birthday!" Naputol ang pagtitiga nila nang sabay-sabay na nagsigawan ang mga bata at lumapit kay Alyssa isa-isa. They have their own gifts. Ibinigay nila isa-isa ang mga regalo nila ganoon din ang mga magulang ng mga ito at ang mga bisita na hindi niya alam na bisita din niya pala. She thought, they are Isabella's visitors.
Hindi mapuknat-puknat ang ngiti ni Alyssa habang binabati ng mga bisita at pagtanggap sa mga regalo nila. "Thank you. Thank you so much." She's grateful. Hindi lang siya naging isang Prinsesa sa gabing ito dahil nagdiwang pa siya ng kanyang kaarawan kasama ang kanyang sariling Prinisipe na hindi umaalis sa kanyang tabi sa tuwing may mga lalaking bisita na lumalapit at nagbibigay ng sarili nilang mga regalo.
"I wanted to ripped-off of his smile." Asar na sabi ni Damien nang makaalis ang lalaking huling nagbigay ng regalo sa dalaga. "Shhh, party naman ito 'eh," Alyssa said relaxing Damien's shoulders. Erin who heard it rolled her eyes.
"Huwag ka nang magtaka, Alys, katulad din yan ng asawa ko." Ani nito na umiinom ng juice at hindi alak dahil hindi ito pinayagan ni Alejandro. "Yeah right, Hellion doesn't want men touching me. Nag-aalburuto agad ang isang iyon," segunda ni Alyona.
BINABASA MO ANG
Ruthless Men Series 4:Damien's Retribution
RomanceDamien Axel Ambrose, he's dangerous and he's powerful. A sinfully hot-sexy Mafia Boss. He rules everything. He control's everyone. Love isn't essential for him not until he meets Alyssa... Alyssa Nicole Paderes, she's naive and innocent. A woman's...