HELLO! Welcome sa 11th, the second to the last book of Car Wash Boys Series. DISCLAIMER! This story has 11 Chapters! Baka kasi magtaka kayo pagdating ng Chapter 10 at wala kayong mabasa na wakas.
Before reading Chapter One. I'd like to address something...
Sa mga mga naghahanap ng ibang books ng series na 'to...
1ST. PLEASE READ THE TITLE. MAY NUMBER PO SA BAWAT TITLE KUNG ANONG BOOK NA KAYO. AND PLEASEEEEEEE JUST "SCROLL DOWN" TO MY TIMELINE AND YOU WILL FIND WHAT BOOK YOU ARE LOOKING FOR.
Lalong huwag ninyo akong tadtarin ng tanong sa bawat book para lang hanapin kung ano ang BOOK 1. I SWEAR. IDI-DELETE KO NA LANG 'TONG WATTPAD KO. Nakakapikon 'yon. Tapos pagod ako sa trabaho, pag-check ko ng notifs iyon ang mababasa ko. I'm not scared to delete this account. Ginawa ko na iyon dati. Kaya ko ulit gawin 'yon.
Again, sa mga hindi pa nakakaalam. MAY REGULAR JOB na po kasi ako every weekdays, as in simula MONDAY TO FRIDAY, 2PM TO 10PM. Ibig sabihin, hindi ko na masasagot ASAP ang mga tanong ninyo. So please, help yourselves.
2ND. This is just actually a reminder. HUWAG NYO KO TATADTARIN NG "UPDATE PLS" HA? Sinabi ko na, Every SATURDAY NA ANG UPDATE ko. Kaya behave and be good everyone.
Okay?
****************************************************************
MARIIN napapikit si Wesley saka unti-unting namanhid ang isang pisngi niya. Napahawak siya sa bahagi na malakas na sinampal ni Diane, kasunod ng pagsalubong ng dalawang kilay niya. Kung hindi lang babae itong nasa harap niya, malamang kanina pa niya pinatulan ito.
Pigil ang galit na humakbang siya paatras ng isang beses.
"Bakit mo ako sinampal?" naggigiritan ang mga ngipin na tanong niya dito.
"Because you're a jerk! How can you do this to me, Wesley? Paano mo ako nagagawang tiisin? How dare you broke up with me!" tungayaw pa nito.
Humugot siya ng malalim na hininga, sabay lingon sa paligid. Nagkakaroon na ng mga usisero't usisera. Sabagay, sino nga ba ang hindi mapapahinto at mapapatingin sa kanila? Malakas ang boses nito at halos naghi-histerikal habang umiiyak ito. Napailing siya. Baka sabihin ng mga kapitbahay nila ay kinakawawa niya ito.
"Will you stop it?" nanggigigil sa inis na singhal niya dito.
"Iyan! That's exactly the reason why I broke up with you! Iyang ugaling mong 'yan! You love to create scenes, para masabing ikaw ang kawawa. Ipapaalala ko lang sa'yo, maayos kita kinausap kagabi. Maayos akong nakipaghiwalay sa'yo. Ipinaliwanag ko sa'yo ang reason ko. That's why you don't have the right to call me a jerk! Because we both know the truth who is the real jerk here. And don't make me say it. Dahil hindi ako ang mapapahiya dito." Mahabang litanya niya.
Natahimik ito. Sa isang iglap ay naging mailap ang mga mata nitong kanina ay nanlilisik sa galit.
"Wesley, please. I beg you. Come back to me! Promise, magbabago ako. Sabihin mo lang kung anong ayaw mo sa akin. I'll change. Just come back!" pagmamakaawa pa nito.
Napapikit siya saka malalim na napabuntong-hininga. Muli siyang humakbang dito palapit, saka hinawakan ito sa magkabilang balikat nito. Kahit na may pagka-spoiled brat ito. Babae pa rin ito. Kahit na maldita, kailangan niyang irespeto. Iyon ang turo sa kanya ng Lolo at Lola niyang kinalakihan niya maging ng mismong mga magulang niya.
BINABASA MO ANG
Car Wash Boys Series 11: Wesley Cagaoan
Romance"I will shower you with kisses everyday. That's my revenge." Teaser: Umalis si Bernadette sa Canada at nag-desisyon na umuwi ng Pilipinas nang hindi nalalaman ng kanyang Daddy. She has to do that. For her freedom. For her own life. Tumuloy siya sa...