CHAPTER SIX

6.7K 142 7
                                    

"I GUESS I made the right decision in hiring you."

Napaangat ng ulo si Bern. Awtomatikong napangiti siya nang makita kung sino ang biglang nagsalitang iyon. Nakahalukipkip si Wesley habang nakasandal sa hamba ng pinto ng pribadong opisina niya.

"Hi, come in." bati at anyaya niya dito.

"Kumusta ang pagta-trabaho mo dito?" tanong nito sa kanya pag-upo nito sa isang bakanteng silya sa harap ng mesa niya.

"Good. Actually, nag-e-enjoy ako sa trabaho ko." Nakangiting sagot niya.

"That's nice. The way I look at you on how you work. Mukhang madali kang nakapag-adjust." Anito.

Tumango siya. "I'm a fast learner." Biro niya dito.

Tumawa ito. "Now, look whose boasting? Kaya nga inis ka sa akin noong una di ba?" sabi pa nito.

"Joke lang, ikaw naman!" sagot niya dito.

Sa loob lamang ng isang buwan. Madaling nagamay ni Bernadette ang pasikot-sikot sa kompanya. Maging ang produkto nito, madalas siyang nakakatanggap ng papuri galing sa mga nakakataas sa kanya. At masaya siya dahil naa-appreciate ng mga ito ang trabaho niya.

Sa kabilang banda, ang pagta-trabaho niya sa WTC ay ang isa sa mga dahilan kung bakit mas naging malapit sila sa isa't isa ni Wesley. Mas nakilala niya ito. Malayo sa mayabang na unang impresyon niya dito. She saw the humbleness in him. She saw the goodness of his heart. That behind that handsome face is also a gentleman. Hindi na nakakapagtaka kung bakit pinagkakaguluhan ito ng mga kababaihan. Naging saksi siya doon, nang minsan may daluhan sila ni Wesley na isang event. Nakita niya kung paano ito lapitan ng mga nagpapapansin na mga kolehiyala. 

"You want coffee?" alok niya dito.

Ngumiti ito sa kanya. "Sure!" mabilis na sagot nito, sabay tayo. "Let's go."

Napakunot-noo siya. "Anong let's go? Di ba gusto mo ng kape? Ipagtitimpla kita." Aniya.

Umiling ito. "Nah! Magpapagod ka pa sa pagtimpla. Pwede naman tayong bumili sa baba. Kaya nga may coffee shop eh." Katwiran nito.

Natawa siya. "Mga dahilan mo talaga, no?" sabi pa niya.

Tatawa tawa ito na naglakad patungo sa may pinto. Habang siya ay inabala ang sarili sa pagmasid sa kilos nito, sa guwapong mukha nito. This man looks so adorable. And why does her heart beats this fast everytime she saw him? Just like now.

"Ang tagal naman, kapeng kape na ako eh." Reklamo pa nito.

Napakurap siya sa sinabi nito. "Masyado kang magastos." Aniya.

Bumuntong-hininga ito, saka walang salita na nilapitan siya. Nagulat siya nang bigla siya nitong hawakan sa kamay pagkatapos ay hinila siya.

"Ang dami mo pang sinasabi eh. Ako naman ang magbabayad." Sabi pa nito.

Sinubukan niyang pasimpleng bawiin ang kamay niya ngunit ayaw nitong bitiwan iyon. Hanggang sa makalabas sila ng pribadong opisina at makarating sila sa elevator. Hindi siya nito binitiwan.

"Wesley, ah...ang kamay ko. Baka may makakita sa atin. Kung ano pang isipin." Sabi pa niya habang naghihintay ng elevator.

Tumingin ito sa kanya pagkatapos ay sa kamay nilang magkahugpong saka muling tumingin ulit sa kanya saka muling ngumiti. Imbes na bitiwan ay mas lalo pa nitong hinigpitan ang hawak sa kamay niya.

Car Wash Boys Series 11: Wesley CagaoanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon