CHAPTER THREE

7.2K 134 1
                                    

MAGANDA ang mga ngiting nakapaskil sa mga labi ni Bern pagbangon niya nang umagang iyon. And she has all the reason to smile. First, she felt free. Second, she's excited. Gusto niyang simulan ang bagong buhay niya nang masaya. Ang una niyang gagawin pagkakain ng breakfast, ime-meet ang kaibigan niya na si Alex para malaman ang latest update sa paghahanap sa Mommy niya. Alex is her friend simula nang nasa Canada pa siya. Filipino din ito at magkapitbahay sila. Ito ang kauna-unahang naging kaibigan niya nang dumating siya noon sa Canada. At dahil kababayan, madali niyang nakagaan ito ng loob.

"Good Morning, Lord!" masiglang bati niya sa Poong Maykapal.

Agad siyang naligo at nagbihis, pagkatapos ay bumaba na siya para mag-almusal. Nadatnan niya na kumakain na ang Kuya Jared niya kasama ang Pamilya nito.

"Good Morning, Tita Bern!" bati ng mga pamangkin niya. Si Jamila, ang panganay at seven years old at Keith ang bunso na six years old. Isang taon din ang agwat ng edad ng dalawa, ayon sa pinsan niya. Madalas daw mapagkamalan na kambal ang dalawa dahil magkamukha ang mga ito.

"Hi Kids," ganting bati niya sa mga ito.

"Oh, may lakad ka?" tanong ni Adelle.

"Pupunta dito si Alex, 'yong friend ko na naghahanap kay Mommy," sagot niya.

"Boyfriend mo?" tanong ni Jared.

Umangat ang isang kilay niya. Umiral na naman ang pagiging tsismoso nito.

"Kuya, kasasabi ko lang. Friend." 

Tumawa ang asawa nito. "Naku pagpasensiyahan mo na itong Pinsan mo. Alam mo naman kahit guwapo 'yan, may pagka-tsismoso." 

"Kuya, okay ba 'yong pagkain sa dalawang Restaurant diyan sa may labas?" tanong pa niya.

"Oo naman!" mabilis na sagot ni Jared.

"Tama, doon mo na lang siya dalhin," sang-ayon ni Adelle.

"Puwede rin naman dito, patuluyin mo siya. Kaya lang, hindi pa yata nakakapag-grocery ang Ate Adelle mo." Sabi pa nito.

"Ay Okay lang, doon na lang kami mamaya," aniya.

Patapos na siyang kumain nang tumunog ang message alert tone ng cellphone niya. Napangiti siya nang makitang galing kay Alex ang mensahe. Ayon dito, malapit na daw ito sa Tanangco. Mabilis siyang nagpaalam sa pinsan para lumabas at hintayin sa may gate ang kaibigan niya.

Habang hinihintay niya si Alex. Nilibang muna niya ang sarili sa pagmasid sa paligid. Dahil Sabado iyon ng umaga. Karamihan sa mga kabataan ay halos nasa gitna ng kalye at masayang naglalaro. Habang ang mga butihing ilaw ng tahanan ay may sarili ding mga gawain. May mga nagwawalis sa tapat ng bahay. May mga nagdidilig ng halaman, ang iba naman ay naglalaba. Napangiti siya. Ngayon naiintindihan na niya kung bakit ayaw umalis doon ng Kuya Jared niya para tumira sa mamahaling Executive Village. Ayon sa pinsan, gaya ng ibang lugar. May iilan kaguluhan doon sa lugar nila, ngunit maganda naman daw ang seguridad ng Barangay Officials doon kaya safe na safe ang mga residente.

Isa pang nakatawag pansin sa atensiyon niya ay ang kakaiba at nakakatuwang pangalan ng mga establisyimento doon. Gaya na lang ng Laundry Shop ng Ate Adelle niya. Kuskos-Piga Laundry Shop. Meron pa siyang nakita kahapon na Paraiso ni Olay Convenience Store, Hardin ni Panyang Flower Shop, Boutique ni Chacha, Ngipin ni Agapita Dental Clinic, Tindahan ni Ate Kim, Lolo Badong's Hugas-Kotse Gang at marami pang iba.

Nawala ang ngiti niya nang maalala niya ang Antipatikong Carwash Boy na si Wesley. Kapag naalala niya ang ginawa nito kahapon, talagang umaahon ang inis niya. Masyadong malakas ang bilib nito sa sarili palibahasa ay guwapo ito.

Car Wash Boys Series 11: Wesley CagaoanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon