CHAPTER FIVE

6.6K 120 3
                                    

HINDI mapakali si Bern sa pagkakaupo. Parang bomba na sumabog sa harap niya ang isang bagay na hindi niya inaasahan. Ang lalaking inaakala niyang isang ordinaryong Carwash Boy. Ang lalaking madalas lang niyang nakikitang nakatambay sa kahabaan ng Tanangco, na naging libangan na yatang bulabugin ang isip niya. Heto ngayon sa harapan niya. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin dito. Pero isa lang ang sigurado, nahihiya siya. Lalo na at binigyan pa niya ito ng tip na dalawang daan piso, na kung tutuusin ay barya lang dito. Dahil ang totoo, kahit siya ay kaya nitong bilhin kung nanaisin nito.

"Good Morning, Miss Ulpindo. Have a seat." bati pa ni Wesley.

Pakiramdam ni Bern ay parang napako siya sa kinatatayuan. Ang mga folder na dala niya ay biglag dumulas sa mga kamay niya. She was in total shock. Natauhan siya nang lumapit si Wesley sa kanya, sabay pa silang tumungo para damputin ang nalaglag niyang folder. Hindi sadyang nahawakan nito ang kamay niya. Nagkatinginan sila. Ang pagkagulat niya ay parang hinipan ng malakas na hangin nang magaan itong ngumiti sa kanya.

"Are you okay?" tanong pa nito.

Tumayo siya ng tuwid saka inayos ang sarili. Tumango siya. "Yes. I'm okay. I'm sorry about my reaction, Sir." Sa wakas ay sagot niya.

Ngumiti ito sa pangalawang pagkakataon. "Have a seat," alok pa nito.

"Thank you."

Imbes na umupo sa likod ng mesa para umpisahan ang interview nila. Kumuha ito ng baso saka nilagyan ng tubig galing sa water dispenser at binigay iyon sa kanya.

"Here, drink first. Mukhang gulat na gulat ka eh." Sabi pa nito.

Hindi siya sumagot, ngunit tinanggap niya ang tubig. Nang medyo mahimasmasan na siya, saka siya humarap ng maayos kay Wesley.

"So, ikaw pala 'yung binabanggit ni Jared na ipapasok niya. Hindi niya sinabing ikaw eh. Ang sabi lang niya, kakilala niya." Sabi pa nito.

Napangiti siya ng wala sa oras saka napailing. "Really? Ano na naman kaya ang iniisip nang mag-asawang 'yon?"

"Honestly, kung baliw sina Marisse. Mas baliw ang mag-asawang 'yon," pambubuking pa ni Wesley sa mga ito.

"Right," natatawang sang-ayon niya.

"But wait, are you sure you're applying for Operations Manager?" tanong pa ulit nito.

"Yes. If the position is still available." Sagot niya.

Tumango ito. "Can I see your credentials?" tanong pa nito.

Inabot niya dito ang folder niya. Agad nitong binasa iyon. Napapangiti siya habang pinagmamasdan niya ang reaksiyon ng mukha nito. Napapakunot noo kasi ito pagkatapos ay biglang lalaki ang mga mata. Sabay sulyap sa kanya.

"According to your credentials and your job experiences. You're over qualified," Sabi pa nito.

Nahihiya siyang ngumiti dito.

"Bakit ka umalis sa trabaho mo? I mean, mataas na ang posisyon mo. You're one step closer to the President position." Tanong pa nito.

Nawala ang mga ngiti sa labi niya. "Uhm, for personal reasons, Sir. I mean, I have to leave my Father and the company for me to live my own life." Pag-amin niya dito.

Tila ito naman ang nagulat sa sinabi niya. "Wait, you're the daughter of Lucas Ulpindo? The owner of Golden State Real Estate Development?" hindi makapaniwalang tanong nito.

Car Wash Boys Series 11: Wesley CagaoanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon