"WHAT?!" gulat na tanong ng pinsan niya. Napapikit siya dahil sa lakas ng boses nito. "Seryoso ka ba? Alam mo ba ang mangyayari kapag nalaman ng Daddy mo na nandito ka? Papabalikin ka rin no'n!" sabi pa nito.
Napabuntong-hininga si Bernadette. Pagkatapos ay tiningnan ang Kuya Jared niya at ang asawa nitong si Adelle.
"Alam ko. Pero nakapag-desisyon na ako, Kuya. Malaman man niya o hindi. I have no plans on coming back. Never." Mariin niyang sagot.
Nagkatinginan ang mag-asawa. "Bakit ba kasi ganyan sa'yo si Tito Lucas? I mean, hindi ba't twenty six years old ka na? Daig mo pa ang Prinsesa kung paghigpitan ka ng Daddy mo." Anang Ate Adelle niya.
Nanumbalik ang lungkot na dala niya bumihag sa kanya sa loob ng ilang taon, simula nang mawalay siya sa Mommy niya.
"Dahil ayaw niya akong makipagkita kay Mommy. Alam niyang hahanap ako ng paraan para makaalis sa poder niya." Paliwanag niya.
Hindi agad nakasagot ng dalawa. Nagpatuloy siya sa pagsasalita.
"I love my Dad, and God knows that. But life with him is like hell. Oo, may maganda akong posisyon sa kompanya niya. Nabibili ko lahat ng gustuhin ko. Pero lahat ng mayroon ako. Hindi ko hiniling 'yon. All I want is a simple life to live together with my Mom. Doon sa Canada, tama ka Ate. Daig ko pa ang Prinsesa. De numero ang kilos ko. Lahat ng puwede niyang idikta sa akin. Dinidikta niya. Ang posisyon ko sa kompanya. Ang kursong kinuha ko. Lahat. Siya ang nagdedesisyon. Ni wala akong karapatan magdesisyon para sa sarili ko." Pagkuwento niya.
"Eh paano ka nakatakas?" tanong pa ni Jared.
"Nasa business trip si Daddy at dapat kasama ako doon. Nagkataon na masama ang pakiramdam ko kaya nagpumilit akong hindi sumama. Pero nag-iwan siya ng maraming magbabantay sa akin. Pero salamat sa mga kaibigan ko at kasambahay namin, kaya nakatakas ako. Ilang linggo bago ang araw na umalis ako. Nakaplano na ang lahat. Isang kaibigan ko ang umayos ng mga papeles ko para makalabas ako ng bansa. He will follow me here in a few days." Pagpapatuloy niya.
"Bern, alam mo kung paano magalit ang Daddy mo." Pagpapaalala sa kanya ni Adelle.
Tumango siya. "Yeah. How can I forget? Lahat ng mga empleyado sa kompanya ay takot sa kanya. At walang kahit na sino ang naglakas loob na kontrahin ang mga gusto niya."
"Eh anong plano mo ngayon nandito ka na?" tanong ulit ni Adelle.
"Uhm, I'll find a job. Then, I'll look for my own house and I'll look for Mom. Ang sabi sa akin ng kaibigan ko, ang huling balita niya. Nandito na daw sa Manila si Mommy. Pero habang wala pa akong nahahanap na trabaho at bahay, okay lang ba kung dumito muna ako?"
Ngumiti ang pinsan niya. "Oo naman! Alam mo naman na Welcome ka dito eh. I'm sure matutuwa ang mga bata kapag nalaman nilang nandito ka." Anito.
"Thanks, Kuya." Sabi pa niya sabay yakap dito.
"Sa ngayon, samahan muna kita sa magiging kuwarto mo." Anang Ate Adelle niya.
Ang Mommy nilang dalawa ni Jared ay magkapatid. Sa lahat ng kamag-anak niya, dito siya pinaka-close. Ito kasi ang tumayong parang tunay na Kuya niya sa loob ng mahabang panahon. Kaya nang mag-migrate silang buong pamilya sa Canada, labinlimang taon na ang nakakalipas. Labis siyang nalungkot.
Pagdating niya sa silid na tutuluyan niya. Agad siyang iniwan ng Ate niya doon upang makapagpahinga. Nahiga siya sa kama. At doon, hindi niya napigilan ang pag-agos ng mga luha.
BINABASA MO ANG
Car Wash Boys Series 11: Wesley Cagaoan
Romance"I will shower you with kisses everyday. That's my revenge." Teaser: Umalis si Bernadette sa Canada at nag-desisyon na umuwi ng Pilipinas nang hindi nalalaman ng kanyang Daddy. She has to do that. For her freedom. For her own life. Tumuloy siya sa...