"OKAY! Scratch!" malakas ang boses na sabi ni Kevin. Matapos pumasok ang cue ball sa pocket hole ng billiard table. Ang ibig sabihin ay ang kalaban naman ang may tsansa na tumira at makapuntos.
Naibagsak ni Wesley ang taco sa ibabaw ng billiard table. Saka bumalik sa bar counter, kung saan naroon si Chaia at Karl. Tiningnan siya ng dalawa.
"Are you okay, Pinsan?" tanong ni Karl sa kanya.
Nagkibit balikat lang siya. Kelan nga ba ang huling beses niyang naramdaman na okay siya? Ah, hindi niya alam. Simula nang umalis si Bern, hindi na niya kung paano maging okay. He felt so miserable since then. It's been six months, but she never came back. Ilang araw matapos itong sapilitan kunin ng Daddy nito, sinundan niya ito sa Canada dala ang address na binigay ni Jared sa kanya.
Pero hindi siya hinayaan ng Daddy nito na makita si Bern. Hindi na sila nagkita simula noon. And he became frustrated and devastated since then. Natatandaan niya, nang makaligtas siya sa aksidente noon, at nang matanggap na niya ang paghihiwalay nilang dalawa ni Leslie. Sinabi niya sa sarili na kakalimutan na niya ang ibig sabihin ng salitang pag-ibig. But Bern snatched his heart. Minahal niya ito ng labis, at sa pag-alis nito. Tinangay din nito pati ang puso niya. Kelan nga ba siya magiging okay? Marahil, kapag nasa harapan na niya ang babaeng handa niyang paglaanan ng buong buhay niya.
"Kelan mo naman balak bumalik sa MCI? Ilang buwan ka nang naka-indefinite leave ah?" tanong naman ni Gogoy.
"Hindi ko alam. Ayokong lumipas ang isang araw na wala ako sa WTC. Baka bumalik doon si Bern." Sagot niya.
Napailing ang mga ito.
"Dude, I know how much you love her. But don't you think it's time to give up? It's been six months." Sabi pa ni Wayne.
Pinukol niya ito ng masamang tingin. "No. Never. Alam ko babalik siya."
"Pero hanggang kailan ka maghihintay?" tanong din ni Glenn.
"Even if it takes a lifetime. Handa ako."
Inakbayan siya ni Jester saka bahagya siyang hinapit nito palapit dito. "Ganyan nga, pinsan. Be strong. Alam ko hindi madali ang ginagawa mo, pero maniwala ka lang. Have faith. Kung talagang mahal ka ni Bern. Babalik siya." Payo pa nito.
Malungkot siyang napangiti nang lumingon siya dito. "Thanks, Jester. I need that." Aniya.
Agad niyang pinahid ang luhang kumawala sa mga mata niya. He missed her so much. Kung may magagawa lang siya, ginawa na niya. He wants her back in his life.
"Anong plano mo ngayon?" tanong naman ni Daryl.
Nahulog siya sa malalim na pag-iisip. "She wants me to face my fears." Sabi niya.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong pa ng bagong dating na si Mark.
"I'm going back in the air." Buo ang loob na sagot niya.
Nagkatinginan ang mga pinsan niya.
"Ha? Linawin mo nga ang sinasabi mo!" naguguluhang tanong ni Marvin.
"Nangako ako sa kanya, na isang araw. Papaliparin ko ulit ang private jet ko, kasama siya." Paliwanag niya.
Gulat na napalingon ang mga ito sa kanya. "Nababaliw ka na ba?" Ani Miguel. "Wesley, ilang taon ka nang walang practice! Delikado ang gagawin mo!" sabi pa nito.
Hindi niya pinansin ang sinabi ng huli. Tumayo siya at diretsong bumaba ng Billiard Hall ng Jefti's.
"Hoy Wesley! Tigilan mo 'yan! Bumalik ka dito!" habol sa kanya ni Jefti.
![](https://img.wattpad.com/cover/213665607-288-k139003.jpg)
BINABASA MO ANG
Car Wash Boys Series 11: Wesley Cagaoan
Romance"I will shower you with kisses everyday. That's my revenge." Teaser: Umalis si Bernadette sa Canada at nag-desisyon na umuwi ng Pilipinas nang hindi nalalaman ng kanyang Daddy. She has to do that. For her freedom. For her own life. Tumuloy siya sa...