CHAPTER NINE

6K 108 2
                                    

"WE'RE here," sabi ni Wesley kay Bern.

Umayos ito upo saka lumingon sa paligid. Nasa harapan sila ng isang malaki at lumang gate.

"Nasaan tayo?" tanong nito sa kanya.

"Nandito tayo sa lugar na walang ibang nakakapunta kahit ang mga pinsan ko. It's my secret hideout." Sagot niya.

Hindi ito nagsalita, pero patuloy pa rin ang pagmamasid nito sa paligid. Bumusina siya ng tatlong beses, ilang sandali pa sumilip doon ang may edad na lalaking katiwala niya ng lugar na iyon. Ngumiti agad ito sa kanya ng makilala siya, saka agad na binuksan ang malaking gate. Pinasok niya ang kotse sa loob, at doon tumambad sa kanya ang pinaka-iingatan niyang private jet plane na kaytagal na rin niyang hindi ginagamit.

"Anong lugar ito?" tanong ni Bern.

Ngumiti lang siya "Tara, baba tayo. I'll show you." Sagot niya.

Nilapitan siya ni Manong paglapit nito. "Sir Wesley, mabuti po at napasyal kayo ulit dito." sabi pa nito.

"Oo nga po, Manong. Busy kasi sa trabaho." Sagot niya. "Nga pala, si Bernadette po. Si Manong, ang katiwala ko dito." pagpapakilala niya sa dalawa.

"Magandang hapon po." Bati ni Bern.

"Magandang hapon din po, Ma'am." Sagot nito. Binalingan siya nito. "Sir, mukhang nakalimot na kayo sa mga nangyari. Ngayon lang po kayo pumunta dito na may kasamang babae at nakangiti pa kayo."

Ngumiti lang siya. "Si Manong talaga," aniya.

"Natutuwa lang po. Tamang tama rin ang dating n'yo dahil kakalinis ko lang po sa kanya kaninang umaga." Sabi pa nito.

"Talaga po? Thank you, Manong."

"Walang anuman, Sir. Basta ikaw. O sige po, maiwan ko na muna kayo."

Nang maiwan silang dalawa. Agad niyang nilapitan ang eroplano.

"Kanino 'to?" tanong nito.

Tumingin siya dito. "This is the other side of me that you still don't know."

"Ang ibig mong sabihin, pag-aari mo 'to?"

Tumango ito. "Yes." Sagot niya.

Binuksan niya ang pinto ng eroplano. Tumuloy sila sa loob at bumungad sa kanila ang eleganteng interiors niyon. Natutuwa siya na hanggang ngayon ay maganda pa rin ang loob niyon sa kabila ng nakalipas na mga taon na hindi niya ginagamit ito. PInakita niya kay Bern ang loob ng eroplano. Nang matapos ay naupo ito sa isa sa baitang ng hagdan, siya naman sa bandang ibaba.

"Ang ganda naman private jet plane mo," puri pa nito.

"Thank you." 

"Sinong nagpapalipad nito?" tanong nito.

Bumuntong-hininga siya dito. "Me. I used to fly this plane." Sagot niya. Nang tumingin siya dito ay nakita niya na nagulat ito sa sinabi niya.

"You mean,"

"Yes. I'm a pilot."

"Pero, bakit nasa business world ka?" tanong na naman nito.

Kinuwento niya dito ang lahat tungkol sa buhay niya dati bilang isang piloto. Wala siyang tinago. Sa pagkakataon na ito. Gusto ni Wesley na mas makilala siya nito, na wala siyang itago dito tungkol sa kanya bago siya tuluyang umamin ng tunay niyang damdamin dito sa gabing iyon. Wala siyang ideya kung iyon ba ang tamang pagkakataon o hindi. Basta ang alam niya, hindi na niya kayang pigilan pa ang nararamdaman niya para kay Bern.

Car Wash Boys Series 11: Wesley CagaoanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon