KABANATA 14: Sa Bahay Ng Mga Mag-aaral (Buod)
Pag-aari ni Makaraig ang bahay na tinutuluyan ng mga mag-aaral. Marangya ang pamumuhay niya at nag-aaral ng abogasya. Siya rin ang pinuno ng mga mag-aaral na may kilusan para sa nais nilang Akademya sa wikang Kastila.
Inanyayahan niya sina Sandoval, Pecson, Pelaez, at Isagani sa isang pagpupulong. Positibo ang pananaw nina Isagani at Sandoval na papayagan ang kanilang panukala. Habang si Pecson naman ay duda kaya nagkaroon sila ng pagtatalo.
Ibinunyag ni Makaraig na ipinagtatanggol daw sila ni Padre Irene sa kanilang plano. Kailangan na lamang daw nilang mapapayag si Don Custodio, isa sa mga bahagi ng lipon ng paaralan, sa pamamagitan nina Ginoong Pasta na isang manananggol at si Pepay na isa namang taga-aliw. Malalapit daw kasi ang mga ito sa pari.
Napagkasunduan ng mga mag-aaral na kay Ginoong Pasta sila hihingi ng tulong dahil marangal itong tao at tiyak na magiging maayos ang paraan at proseso ng pagkumbinsi sa prayle.
ARAL – KABANATA 14
Isang magandang gawi ang pagpaplano ang pag-uusap tungkol sa mga adhikain. Kung kikilos nang sabay-sabay at iisa ang pangkat, tiyak na makakamit ang mithiin.
BINABASA MO ANG
El Filibusterismo (BUOD NG BAWAT KABANATA)
Historical FictionAng nobelang El filibusterismo (literal na "Ang Pilibusterismo") o Ang Paghahari ng Kasakiman ay ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si José Rizal, na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalon...