KABANATA 29: Ang Huling Pati-Ukol Kay Kapitan Tiyago (Buod)
Abala ang marami sa gaganaping marangyang libing ni Kapitan Tiago. Napunta ang naiwan niyang kayamanan sa Sta. Clara, sa Papa, at sa mga pari. Ang dalawampung pisong natira ay ibinahagi bilang pangmatrikula ng mga mag-aaral.
Hindi malaman noong una kung ano ang damit na isusuot ni Tiago sa kaniyang libing. May nagmungkahi na isang damit-Pransiskano, at mayroong nagsabing isang prak na paborito ng Kapitan. Ngunit nagpasya si Padre Irene na isang lumang damit na lang ang isusuot.
May mga usapang ding nagpapakita ang kaluluwa ni Tiago bitbit ang kaniyang panabong na manok habang puno ang bibig ng nganga. Sinabi tuloy ng iba na hahamunin ni Tiago ng sabong si San Pedro sa langit.
Marangya ang libing na maraming padasal at paawit. Marami ding kamanyan at agua bendita na inialay sa kabaong.
Ang katunggali naman ni Tiago na si Donya Patrocinio ay inggit na inggit sa libing ni Tiago at nais na ring mamatay upang mailibing rin nang marangya.
ARAL – KABANATA 29
Kung ano ang kabutihang itinanim ay siya ring aanihin. Dahil naging mabuting tao si Tiago, naging maganda rin ang pag-alala ng mga tao sa kaniya hanggang sa huling sandali.
BINABASA MO ANG
El Filibusterismo (BUOD NG BAWAT KABANATA)
Historical FictionAng nobelang El filibusterismo (literal na "Ang Pilibusterismo") o Ang Paghahari ng Kasakiman ay ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si José Rizal, na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalon...