Kabanata 36

41 1 0
                                    

KABANATA 36: Mga Kapighatian Ni Ben Zayb (Buod)

Agad na umuwi si Ben Zayb mula sa bahay ni Kapitan Tiago at hindi makatulog. Dito ay nakaisip na naman niyang gumawa ng balita na bayani raw ang kapitan, ang mga prayleng sina Salvi at Irene, at si Don Custodio.

Gayunman, ibinalik ng patnugot ng kanilang diyaryo ang sulat ni Ben dahil ipinagbawal daw ng heneral ang pag-alala sa anumang nangyari noong gabing iyon.

Nabalitaan naman ni Ben ang pagsulob sa Ilog Pasig. Ninais na naman niyang gumawa ng balita ukol doon.

Ngunit natagpuan niya ang sugatang si Padre Camorra na pinagnakawan daw ng mga naghimagsik. Gustong dagdagan ni Ben ang bilang ng mga lumusob.

'May nahuli sa mga tulisang naghimagsik. Umamin itong kasama sila sa pangkat ng isang alyas Matanglawin. Hudyat dawn g paglusob nila ang pagputok na nangyari.

Di naniniwala ang mga nag-aklas na si Simoun ang pinuno nila. Ngunit nawawala na si Simoun at wala na rin ang mga armas doon.

ARAL – KABANATA 36

May mga kuwento at bali-balitang ginagawa at pinalalala lamang ng mga mananahi ng istorya. May mga taong napapahamak at naniniwala kaya kailangan ay maging mapagmatiyag.

El Filibusterismo (BUOD NG BAWAT KABANATA) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon