Kabanata 22

43 1 0
                                    

KABANATA 22: Ang Palabas (Buod)

Marami sa mga nanood ng palabas ay hindi nasiyahan dahil sa hindi mawaring kahulugan ng wikang Pranses.

Maatagal na naantala ang pagsisimula ng dula dahil sa matagal na pagdating ng Heneral. Napuno ang lahat ng palko na nakalaan sa mga panauhin maliban sa isa na nakalaan sa mag-aalahas na si Simoun.

Nabigla ang mga kabataang sa pagdating ng isa sa mga tutol sa pagtatanghal, si Don Custodio. Ang matapang naman nitong depensa ay inutusan siya ng mga kinauukulan upang magsilbing ispiya.

Masaya ang lahat nang mag-umpisa na ang palabas. Ngunit habang ito ay tumatagal ay unti-unting nalilito ang mga nanood. Marami sa mga panauhin ay hindi nakakaintindi ng wikang Pranses.

Lalo pang nagkalituhan nang tangkain ng ilan na isalin ang dula sa wikang Kastila. Marami kasi sa mga taga-salin ay pawang mga nagmamagaling lamang ngunit ang katotohanan ay hindi rin nila lubos na iintindihan ang salitang Pranses.

Ikinagulat ng lahat ang pagtayo at paglabas ng grupo mga mag-aaral sa kalagitnaan ng dula.

ARAL – KABANATA 22

Ang pagkakaroon ng sariling wika ay tanda ng isang ganap na kalayaan. Hindi lamang ito karapatan bilang isang tao bagkus ay para rin sa kalayaan ng pang-unawa at kaisipan

El Filibusterismo (BUOD NG BAWAT KABANATA) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon