KABANATA 18: Ang Mga Kadayaan (Buod)
Sa kabanatang ito makikita ang malaking pagkakahawig ng dalawang karakter na sina Simoun at Mr. Leeds.
Bago mag-umpisa ang pagtatanghal ni Mr. Leeds ay siniyasat muna ni Ben Zayb ang buong bulwagan. Maging ang mga gamit ng Amerikano ay hindi rin niya pinalampas.
Pilit siyang naghahanap ng salamin, isang bagay na karaniwang ginagamit sa pandaraya sa mga tanghalan. Wala siyang natagpuan kaya inumpisahan na ang palabas.
Naglabas ng maitim at luma na kaha si Mr.Leeds. Sinabi niya na natagpuan niya ito sa isang lumang libingan. Pagkatapos niyang sumigaw ng mga salitang banyaga ay kusang nabuksan ang kaha.
Dito ay tumambad ang isang ulong anyong bangkay na mayroong mahaba at makapal na buhok. Mula sa kadiliman ay mayroong nagsalita na parang tumatangis at humihingi ng tulong.
Ang kuwento ng misteryosong boses ay tungkol sa mga mapang-aping prayle at saserdote noong panahon ni Amasis (isang pinuno sa Ehipto). Dahil sa mga narinig ay kinilabutan at hinimatay si Padre Salvi.
ARAL – KABANATA 18
Ang mga taong mababaw ang pag-iisip at pang-unawa ang siyang kadalasang nagiging biktima ng mga mapaglinlang. Maging mapagmatiyag at mapanuri sa lahat ng oras.
BINABASA MO ANG
El Filibusterismo (BUOD NG BAWAT KABANATA)
Fiksi SejarahAng nobelang El filibusterismo (literal na "Ang Pilibusterismo") o Ang Paghahari ng Kasakiman ay ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si José Rizal, na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalon...