Kabanata 35

68 1 0
                                    

KABANATA 35: Ang Piging (Buod)

Nag-umpisa nang dumating ang mga bisita sa piging. Naroon na ang bagong kasal kasama si Donya Victorina. Nasa loob na rin ng bulwagan si Padre Salvi pero ang heneral ay hindi pa dumarating.

Nakita na rin ni Basilio si Simoun dala ang ilawan na pampasabog. Nang mga oras na iyon, nag-iba ang pananaw ni Basilio at nais nang maligtas ang mga tao sa loob sa nakatakdang pasabog mula sa lampara. Ngunit hindi siya pinapasok dahil sa madungis niyang anyo.

Sa di kalayuan ay nakita niya ang kaibigang si Isagani. Dali-daling umalis ang binata mula sa usapan dahil naisip si Paulita.

Habang nasa itaas naman, nakita nila ang isang papel na may nakasulat na “MANE THACEL PAHRES JUAN CRISOSTOMO IBARRA.”

Sabi ng ilan ay biro lamang iyon ngunit nangangamba na ang ilan na gaganti si Ibarra. Sinabi ni Don Custodio na baka lasunin sila ni Ibarra kaya binitiwan nila ang mga kasangkapan sa pagkain.

Nawalan naman ng ilaw ang lampara. Itataas sana ang mitsa ng ilawa nang pumasok naman si Isagani at kinuha ang ilawan at itinapon sa ilog mula sa asotea.

ARAL – KABANATA 35

Namamayani pa rin sa ilan ang kabutihang loob kahit na mayroong pagnanasang gumanti sa kapuwa. Bandang huli, ang paghihiganti ay hindi lunas sa sugat ng kahapon.

El Filibusterismo (BUOD NG BAWAT KABANATA) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon