KABANATA 24: Mga Pangarap (Buod)
Lingid sa kaalaman ni Donya Victorina ang kanyang nawawalang asawa na si Don Tiburcio ay nasa pangangalaga ng tiyuhin ni Isagani.
Kumalat sa bayan ang usapin ng biglaang pagkakasakit ng alaherong si Simoun. Naging mailap siya sa tao at hindi halos tumatanggap ng sinumang panauhin sa loob ng kanyang tahanan.
Sa kabilang dako naman ay matiyagang hinihintay ni Isagani ang kaniyang kasintahan na si Paulita. Habang naghihintay ay sumagi sa kanyang isipan ang mga pangarap niya para Inang Bayan.
Dahil sa matagal na paghihintay ay naisipan na niyang umuwi nang biglang dumating ang isang karwahe lulan sina Juanito, Paulita at si Donya Victorina. Magiliw siyang tinanong ng matanda kung mayroon na ba siyang balita kay Don Tiburcio. Sinagot naman ito ni Isagani na kunwari ay walang alam.
Ipinagtapat ni Paulita sa kasintahan na ang nililigawan ni Juanito ay ang kanyang Ale. Dahil dito ay naging lubos ang kagalakan ng binata kaya sinabi rin niya sa dalaga ang totoong kalagayan ni Don Tiburcio.
ARAL– KABANATA 24
Ang lihim ay lihim. Kapag masyadong masaya, huwag magpapadala sa emosyon upang isiwalat ang mga nakatagong lihim.
BINABASA MO ANG
El Filibusterismo (BUOD NG BAWAT KABANATA)
Historical FictionAng nobelang El filibusterismo (literal na "Ang Pilibusterismo") o Ang Paghahari ng Kasakiman ay ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si José Rizal, na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalon...