10

6.1K 164 8
                                    


[ EDITED ]

Tumayo ako matapos ko sabihin kung ano ang nangyari.

"Bakit ngayon mo lang 'to sinabi?" Tanong ni Cliff. Mukhang naiinis siya.

"You didn't ask me," I snorted. Problema ko ba 'yun? Kung hindi sila nagtatanong?

Hindi ko rin naman sasabihin sa kanila kung hindi kinakailangan.

Nakatingin pa yung tatlo sa kawalan habang si Cliff ay mukhang may iniisip. Hindi ko rin naman sila masisisi dahil ngayon ko lang ito sinabi sa kanila.

Base from twin's reaction, mukhang hindi siya makapaniwala sa mga sinabi ko. Maya-maya ay lumingon ito sa'kin.

"Ginawa mo talaga 'yun?" I raised my eyebrow. Masyado bang impossible ang sinabi ko?

"May problema ka ba sinabi ko?" I replied.

"W-Wala naman. It's just that- nevermind." Umiwas siya ng tingin.

Hindi siya nainiwala. Akala niya ba maloloko niya ko? Kapatid niya ko at alam ko kung nagsasabi siya ng totoo o hindi.

Kumuha na ako ng baso at nilagyan ng tubig. Parang natuyo ang lalamunan ko sa pag kukwento sa kanila.

Malaki na nga siguro ang pinagbago ko simula ng mawala siya.

Pumapatay na ako. Pumapatay ako dahil gusto ko. Pumapatay ako ng alam kong masasamang tao. Hindi rin naman ako ganoon kasama para pumatay ng mga walang kamuwang muwang.

Napatigil ako sa dapat sang pag-inom ng tubig. Meron akong hindi kinuwento sa kanila.

At wala akong balak ipaalam sa kanila. Ininom ko na ang tubig kasabay ng pag-alala ko sa pangyayaring iyon.

Muli kong tinignan ang paligid ko.

Maraming bangkay ang nakakalat sa sahig. Ang iba ay naliligo sa sarili nilang dugo. Gross. Pero pakialam ko ba?

Natuon ang pansin ko sa isang direksyon. May nakita akong isang tao na nakasubsob sa kanyang mga tuhod. Nasa may isang poste siya sa may dulo. Mula rito ay kita ko ang panginginig ng mga tuhod niya.

Dahan-dahan akong lumapit. Walang ingay na maririnig. Tinapik ko ito sa balikat.

May natira pa pala. Should I kill him then?

Pag-angat niya ng kanyang mukha ay nagulat siya ng makita ako. "A-Ano p-po-"

"Shut up." Tinutukan ko ito sa ng dagger sa leeg. Mariin ko siyang pinagmasdan.

Mababakas ang takot sa kanyang mukha. Mukhang anumang oras ay iiyak na siya. Sa pagkakatanda ko ay hindi ko naman siya nakita kanina, o baka naman hindi ko lang talaga siya nakita. Kung titignan mo, mapapansing bata pa ito. Mangmang.

He looks younger than me by two to three years. "Bakit buhay ka pa?" I questioned while staring at his eyes.

Hindi nakatangas sa paningin ko ang pamumutla bigla ng mukha niya at pangangatal ng labi niya. He looked.. so innocent, but looks could be deceiving right?

Kung sa ganitong kalagayan niya ay malabo talagang magtangka siya sumugod. Mukhang napasabit lang siya dito at hindi niya talagang ginusto. "Bakit kasama ka nila?" I asked him curiously. Bakit ba kasi napasok siya sa ganitong klase ng grupo? Takot naman pala.

"S-Sabi p-po ng t-t-tatay k-ko po s-sumama r-raw-" Hindi ko na siya pinatapos magsalita at inilagay sa harapan niya ang dagger na hawak ko.

"Kilala mo ba kung sinong nagpadala sa inyo dito?" Sunod-sunod itong umiling. Lumapit pa ko sa kanya at pinasadahan ito ng tingin sa kanyang mga mata.

That Infamous GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon