simula

14 1 0
                                    


nakatingin lang ako sa labas habang nakasakay sa sasakyan namin si mom at dad ay nasa passenger seat habang ako ay nasa likod.

"mom where are we going?" takang tanong ko dito, maliit ang boses ko dahil sabi nga ni mommy baby padaw ako gayong alam ko naman na hindi dahil six na ako.

lumingon ito sakin na may ngiti sa labi at hinaplos ang matambok kong pisnge.

"we're going to the zoo! diba gusto mo pumunta tayo dun?"aniya na agad na nagpangiti sakin!

I was excited, kahapon ko pa sila kinukulit na pumunta sa zoo pero sabi nga nila ay hindi daw pwede dahil may bagyo hindi ko naman inaasahan na pupunta kami ngayon kaya ang saya saya ko.

'Ayon sa pagasa ay may papasok na bagyo sa area of responsibility at sinasabing maaring makaranas ng malakas na pagulan at hangin ang luzon at visayas, kaya kung maari ay manatili nalang po muna tayo sa ating mga tahanan..'

bahagyang natahimik sina mommy dahil sa sinabi mula sa radyo. bahagya akong napatingin sa kalangitan at nakita ko ang unti unting pagdilim nito at ang unti unting pag buhos ng ulan.

"looks like we have to head back, masyadong delikado kung pupunta pa tayo lalo na't may malalaking puno gilid ng kalsadang dadaanan natin.."ani ni dad bago mag U turn para bumalik.

nalungkot ako at batid kong napansin ni mommy ang nakasimangot kong mukha dahil agad niyang hinawakan ang pisnge ko habang ngumingiti. she tried to comfort me and I gave her a sad smile.

"aww don't worry honey..sa susunod nalang tayo pupunta, ok?"aniya bago bumaling ulit sa daanan.

napatili ako nang biglang lumakas ang ulan kasama ang malakas na pagkulog at kidlat, sumasayaw narin ang mga naglalakihang puno na nasa gilid  ng kalsadang dinadaanan namin.

"mom! look the trees are dancing!"ani ko at tinuro ang mga punong sumasayaw na dhail sa malakas na hangin.

hindi ata ako narinig ni mom dahil abala ito sa pakikipagusap kay dad kaya nakanguso lang akong tumingin sa daan. napasigaw nalang ako nang biglang may tumawid na aso sa harap namin.

"Mom!! look a dog!!"sigaw ko sabay turo sa harap namin.

bigla nalang lumiko sa gilid na bahagi ang sasakyan, at batid kong ginawa iyon ni dad para hind masagasaan ang aso.

sa bilis ng pangyayari ay bigla nalang may truck na papunta sa derekyon namin kasabay ang paghulog ng malaking sanga ng kahoy sa harapan ng truck at ang malakas na busina nito, pagiwang giwang nadin ito.

"SANDRA!!"biglang sigaw ni mom at agad na niyakap ako.

kasabayng pag yakap ni mom ay ang pagbangga ng truck sa sasakyan namin dahilan para tumambling ito at mabasag ang mga salamin.napapikit ako hababg nakayakap ng mahigpit sa kay mommy.

ramdam kong may nakadagan sakin at ang bahagyang pag hapdi ng braso ko kaya minulat ko ang mga mata ko. pagkamulat ko ay agad na bumungad sakin ang duguang si mommy kaya agad akong nag panic.

"mommy? mom? MOMMY!!"umiiyak na sigaw ko dito pero hindi man lang ito gumalaw kaya bahagya ko siyang tinulak.

kitang kita ko ang nakapikit na si daddy sa passenger at ang umaagos na dugo sa ulo at braso nito. kita ko rin ang usok sa labas na nanggagaling sa sasakyan namin.

dahan dahan kong tinanggal ang seatbelt ko at gumapang palabas ng sasakyan namin. napapaigik pa ako sa tuwing matatamaan ng basag na salamin ang palad ko.umiiyak na hawakhawak ko ang braso ko at tinitignan ang paligid at sasakyan naming sirang sira na. lumapit na naman ako sa sasakyan namin at pinuntahan si dad, I tried to wake him up but he did'nt.

"DAD!! DAD WAKE UP!! MOM! DAD! PLEASE WAKE UP!!"sigaw ko pero walang nangyari.

tumingin ako sa paligid ang truck na bumangga samin ngayon ay bumangga sa puno sa di kalayuan at kita ko rin ang usok na galing sa truck pero diko makita ang driver nito.

umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa marinig ko ang tunog ng ambulansya at kasunod nito ay ang mga sasakyan ng pulis. tumigil ang mga ito malapit sa sasakyan namin at agad na lumbas ang mga nurse at doktor sa ambulansya sa isang sasakyan namin ay lumabas ang isang babae na sa pagkakaalala ko ay si tita filda, tumakbo ito sakin at agad akong tinignan.

"sandra ayos kalang? omygod! you're bleeding! nursee!!"binuhat ako nito at inilapit sa ambulance, di parin ako tumitigil sa pag iyak.

"shhh honey it's ok.."aniya at hinaplos ang pisnge kong basa na sa luha, kita ko rin na nagilid ang mga luha niya.

may sinabi siya sa nurse bago ako nginitian at pumunta sa mga police na ngayon ay tinitignan na ang sasakyan namin kung saan sina mom at dad. ngayon ko lang din napansin na hindi na ganon kalakas ang ulan at hindi na malakas ang hangin katulad ng kanina. mukhang wala na ang bagyo.

"tell me if it hurts honey, ok?"ani ng nurse na ginagamot ang sugat ko sa braso.

di ko maramdaman ang sakit nung ginagamot niya ako, para akong namanhid. gusto kong puntahan sina mommy ulit at gisingin.

nang matapos akong gamutin ay pinasuot nila ako ng jacket at nilagyan ng towel dahil sa basa ako at giniginaw. nakita ko si tita filda na papalapit sakin na namumula ang ilong at mata alam kong galing lang siya sa pagiyak. nang makalapit sakin ay agad niya akong niyakap.

"shh..It's gonna be alright...andito si tita, tita will take care of you"aniya habang humihikbi, niyakap ko siya pabalik at umiyak ng umiyak hanggang sa manlabo ang paningin ko.

"..bakit kailangan mo pang makaranas ng ganito sa murang edad?"rinig kong sambit ni tita filda habang humihikbi.

I don't know too, tita...

at tuluyan na nga akong kinain ng kadiliman..

Unexpected lovers(Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon