Happy
Pagkalabas na pagkalabas ko sa campus ay tsaka lang ako nakahinga ng maluwag. Kaunti nalang ang mga tao sa campus nang umalis ako. Wala pa si kuya sa labas kaya umupo muna ako saglit sa malapit na shed para mag antay.
Nakatingin lang sa langit na ngayon ay nagsisimula ng palitan ng kadiliman ang kulay, hudyat na malapit ng gumabi. Nasaan na ba si kuya? halos mag t-tatlong minuto na akong nagaantay sa kanya ngunit wala padin siya.
napabuntong hininga ako at naisipang i- text nalang siya na mag c-commute nalang ako.
Ako:
Mag c-commute nalang ako, tapusin mo nalang kung anong ginagawa mo.
Nagsimula na akong maghanap ng tricycle na maaring sakyan pauwi. Halos paubos na kasi ito dahil sa maraming studyante kanina.
Nang tumunog ang Cellphone ko ay agad ko iyong tinignan. Napabuntong hininga ulit ako.
Kuya Jake:
pasensya na san, may practice kasi kami para sa Intrams mauna ka nalang.
Ibinalik ko ulit iyon sa bag nang mabasa ko na. Ilang buwan na din ang lumipas simula nang mag aral ako dito. Naging abala si kuya sa paghahanda para sa intrams, nagpapasalamat nga akong nagagawapa niya akong ihatid sa kabila ng hectic na schedule niya. Nag alala din sina tita dahil doon at pinilit pa akong pumayag sa driver na gusto nila, tinanggihan ko ito dahil sa ayaw kong makaabala pa sa kanila. Masyado ng marami ang nagawa nina tita para sakin at kahit papaano ay gusto ko ding tumulong.
Di kalaunan ay may tumigil na tricycle sa harapan ko na ipinagasalamat ko. Pagpasok ko sa tricycle ay nahagip pa ng mata ko at parehong tao na nakita ko sa loob ng campus nung papunta kami ng library ni xian. 'Di rin nagtagal ay nawala na ito sa paningin ko dahil sa takbo ng sinasakyan ko. Siguro kailangan kong ipaalam kina tita ito, pero baka nag i-ilusyon lang ako at baka maabala kopa sina tita ay napagpasyahan kong balewalain nalang iyon.
Nang makauwi na ay nagulat ako nang makita ang pamilyar na tao sa loob. Napakatagal na naming hindi nagkita dahil sa nangyar, Ilang taon nadin ang lumipas pero alam kong nakatatak padin sa isipan namin ang pangyayari at hindi na iyon mawawala kahit kailan.
Lumapit ako kay tita na nakaupo sa sofa kasama ang bisita. Nagmano ako rito.
"Oh? may practice na naman ang kuya mo?"si tita feli.
tumango ako bago bumaling din kay tito para magmano. Ramdam ko ang titig ni lola sakin at hindi ko mapigilang mailang.
"Dapat kasi ay pumayag ka nalang na bigyan namin ng driver para kahit papaano mapanatag naman kami"
"Pwede naman po akong mag commute"
"Kahit na! aba, kukunan ka pa din namin ng driver!"
Napayuko ako, sa huli ay pumayag nalang ako dahil di ko naman magawa pang baliin ang desisyon nila.
"oh siya, kukuha muna ako ng makakain natin"
Nag angat ulit ako ng tingin at nakita ko ang pag ngiti ni tita sa akin bago pumunta sa kusina. Nagdadalawang isip akong umupo, natatakot na baka magalit na naman siya sa akin. Nanikip ang dibdib ko dahil sa huli alam kong ako parin ang masisisi nila sa nangyari.
Nagulat ako ng tapikin nito ang lugar sa tabi niya. Sinasabihan akong umupo doon.
"umupo ka hija"
tumango ako sa kabila ng pagkakagulat at umupo
Nakatingin lang ako sa kamay ko habang pinaglalaruan ang mga daliri, ni hindi ko magawang tumingin sa mata ni lola. Noon palang ay hindi na kami magkasundo at kung ano man ang dahilan ay mas lalong lumala dahil sa nangyaring trahedya. Di kalaunan ay naramdaman ko ang paghawak ni lola sa kamay ko dahilan para mapatingin ako dito sa kabila ng malakas na tibok ng puso ko.
Pumungay ang mga mata niya nang makitang nakatingin ako. Nakangiting binaba nito ang tingin sa aking kamay na kanyang hinahaplos.
"You have your mothers eyes"aniya, natigilan ako.
Tears pooled in my eyes making my vision blurry. The word mother made my heart throbbed, hindi ko maalala ang mukha man lang ni mommy simula nang mangyari ang trahedya. I saw her in our family pictures, I even saw her in my dreams that seemed like blurry memories of my childhood and my lola saying that I have the same eyes as my mother just melts my heart.
"I know I have treated you unfairly and I'm sorry"aniya, nakatingin na siya sa akin nang may namumuo nading luha sa mga mata.
Nanatili akong tahimik na nakikinig sa kanya. It was so surreal, She's apologizing to me! my lola! the person who blames me for the tragedy!
"I realized, Hindi mo kasalanan ang nangyari it was all an accident and yet blamed you"patuloy niya, tuluyang tumulo ang luha niya na kanina pa niya pinipigilan ganun din ang sa akin.
"No, I am to blame. K-Kung hindi ko lang niyaya sina mommy na pumunta that woud'nt happen"nakayuko na ako ulit habang naguunahan sa pagtulo ang mga luha ko.
All these years I always blame myself. Palagi kung sinasabi sa sarili ko na kasalanan ko, tita kept telling me that it's not. I am traumatized of what happened in the past that I would always blame myself over and over again.
Lola lifted up my chin and then she brush my hair with her fingers while calming me. Tito got alarmed but lolo motioned him to stay.
"Mama"si tito.
Umiling si lola kay tito, naging hudyat ito para manatili si tito sa inuupuan katabi si lolo. Lola looked at me again, the gentleness in her eyes made me calm down.
Pinahid niya gamit ang palad ang luha ko sa pisnge bago nagsalita.
"shhh child, Ilang taon akong nagluksa sa nangyari but it was never your fault. Wag mong sisihin ang sarili mo kagaya ng ginaw a ko sayo noon"Niyakap niya ng mahigpit ganun din ang ginawa ko.
I have longed for this. The feeling was so surreal. Lumapit din si lolo at niyakap ako, and I swear I saw tears flow in his cheeks before saying...
"I'm sorry , apo. hayaan mong bumawi kami ni lola"
It was a very emotional scene nang dumating si tita na may pagtataka ang mga mata habang hawak hawak ang cookies na b-nake niya pa ata. Natawa ako.
"What happened mama? Did you say bad things at sandra again?"
Tumawa kami ni lola at tumayo si tito para pakalmahin si tita na nag aalala. Bumitaw na si lola sa yakap ganun din si lolo.
"Really felicia? ganun ba ang tingin mo sa'kin?"
"What do you expect me to say?! she was crying!"
Napuno ng tawanan ang sala sa pagiging over reacting ni tita. Nakitawa din ako.
"oh for goodness sake felicia! was saying my sorry to your niece! wag kang O.A!"
Tita feli calmed down as she puts the cookies in the small table infront. Kaluanan ay napuno ang sala ng mga tawanan at kwentuhan nila lolo at tito ganun nadin kila tita at lola, while ako ay nakikinig lang. Lola asked me some questions about the past years and I gladly answered it all. It was a very happy day. Hindi ako makapaniwala.
Di kalaunan ay dumating si kuya na may pagtataka sa mukha nang madatnan kami ni lola na nagtatawanan. We all laughed when he went hysterical. We even laughed more when he said..
"LOLA! WHAT HAVE YOU DONE TO SANDRA?!"