apology
weekends ngayon at nasa bahay lang ako, ayoko kasing lumabas lalo na't ang init init. nanonood lang ako ng T.V ng bigla nalang umuga ang couch na kinauupuan ko, tinignan ko ang umupo sa tabi ko.
kaninong anak to?
"hoy kuya ang dugyot mo!"pangsisita ko kay kuya jake na ngayon ay kumakain ng ice cream, nagkalat pa nga ito sa mukha niya pinanghilamos ata.
pero teka...di naman to bumili ng ice cream ah? oh shit..
"hoy kuya! akin yang ice cream na yan ah!!"ani ko habang inaabot ang ice cream ko na pinapapak niya, nilayo niya ito sakin.
"anong sayo! akin to!"
"akin yan ako bumili nyan kahapon!"ani ko sabay abot parin sa ice cream pero nilalayo niya parin ito.
"bumili ka nalang!"ani niya sabay papak ulit sa ice cream ko.
nakasimangot akong tumingin sa kanya wala akong magawa kundi ang lumabas at bumili ng ice cream, ang init pa naman sa labas. naglakad nalang ako patungo sa malapit na mini mart di naman ito kalayuan kaya naglakad nalang ako.
tumutulo ang pawis at hinihingal na naglakad ako patungo sa pinto ng mini mart at nang makapasok ay sinalubong agad ako ng malamig na hangin na nanggagaling sa AC. dumiretso ako sa ice cream section at kumuha ng ice cream, pumunta narin ako sa lalagyan ng chichirya at kumuha rin. Nang matapos mamili ay binayaran ko na ito sa counter at lumabas habang may pinapapak na ice cream.
nakangiting kinakain ko yung ice cream ko at masayang naglalakad pauwi. Para akong bata pero wala akong pake, ini enjoy ko ang ice cream ko. Habang palakad lakad lang ako ay bigla nalang may lumapit na aso sakin at tumahol kaya agad akong nagpanic at nahulog ang ice cream ko.
kaninong aso to?!
yumuko ako at tinignan itong dinidilaan ang kaninang nahulog ko na ice cream, napangiti nalang ako nang maalala ko ang puppy ko na niregalo ko sa isang kaibigan ko nung elementary palang ako.kamukha niya talaga yung aso ko. kamusta na kaya yun? inaalagaan kaya siya ng mabuti?
"where's your owner, hmm?"tanong ko dito habang hinahaplos ang mabango at malambot nitong balahibo, bumaling ito sakin at dinilaan ang kamay ko dahilan para mapatawa ako.
"chim!!"sigaw ng kung sino.
napabaling ako rito at nagulat nalang ako ng bumungad sakin ang tumatakbong si kyro sa derekyon namin at nang makalapit ay agad nitong niyakap ang aso.
"s-sayo to?"tanong ko, bumaling siya sakin bago sumagot.
"yeah"aniya at bumaling ulit sa aso para pangaralan ito.
"..hey! look at me!, ba't ka kasi bigla bigla nalang tumatakbo! pano kung nawala ka? huh?"aniya sa aso at ang aso naman ay bigla nalang tumahol na parang nakikipag usap sa kanyang amo.ang cute nil— ng aso."S-Sorry akala ko kasi..."
"It's fine"aniya at habang nakatingin na sakin ngayon tumayo ito at ganun rin ako, ngayon ko lang din nakita ang namamaga niyang mata nang mapansin niyang nakatitig ako dito ay iniwas niya ito.
ako ba may gawa niyan?
"A-Ako ba may gawa niyan?"nauutal na tanong ko dito.
"hindi.. yung aso ko may gawa nito"pilosopo amputa.
"tss, umayos ka nga!"sita ko dito at umayos naman ito.
"tch.."
"s-sorry—"
"don't mind it..mawawala rin to" aniya habang nakatingin ng deretso sakin, napalunok ako..
"...although mas mabilis mawala ito pag.."aniya habang nakangisi napakurap kurap naman ako.
"A-Ano?"tanong ko, tumaas ang gilid ng labi nito bago pinantayan ang mukha ko.
"halikan mo"aniya, dahilan para bumilog ang mata ko at kumulo ang dugo ko.
manyak!
"gago!"sigaw ko sabay tulak sa tumatawang si kyro.
"I'm kidding! pero kung gusto mo, edi ok!"aniya habang tumatawa parin naiinis na tinulak ko ulit ito bago naglakad paalis. bwesit!
"hoy! hoy! san ka pupunta!"aniya pero naglakad ako ng mabilis at di na nagabala pang lumingon sa tumatawang si kyro.
"BWESIT KA KYRO!!"sigaw ko habang mabilis na naglakad pauwi.
nang makauwi ako ay padabog ko na nilagay ang mga pinamili ko sa mesa, yung ice cream na binili ko ay tunaw na pala kaya si kuya parin ang nakinabang.nawalan na ako ng ganang kumain at umakyat nalang sa taas at pumasok sa kwarto ko.
bwesit siya! nag sorry na nga ako! tapos aatake na naman yung ka gaguhan niya! bwesiiittt!!