Fightmatapos ang pagtakas niya ay nagpaiwan lang ako kahit na natutukso akong tumalon sa bintana at tumakas ay hindi ko ginawa, syempre ayokong masigawan ulit ni sir at isa pa si kuya.
"soooo anong nangyari sa loob ng isang oras kasama ang isang kyro?"ani ni xian na ngayon ay katabi ko habang kumakain ng lunch sa cafeteria.
"annoying.."simpling sagot ko dito bago sumubo ulit ng kanin, ikaw ba naman kasi ikulog ng isang oras tignan natin kug hindi ka magugutom.
"Amazing.."ani ni xian kaya napatingin ako dito at halata sa mukha nito na namamangha siya at hindi makapaniwala sa sagot ko sa tanong niya.
"what?"
"san, ikaw lang yung kaunaunahang babaeng hindi nabihag ng malaangel niyang mukha. babae kaba talaga?"di makapaniwalanv ani niya sakin.
kumunot naman ang nuo ko bago natawa sa tanong niya. nakakabihag pala ang mukhangiyon? 'di halata eh.
"magkakaroon ba ako ng ganito kung hindi ako babae, xian?"sagot ko dito habang tinuturo ang hinaharap ko na di naman halata.
"asan jan san? diko makita, ano yang tinuturo mo?"natatawang sagot niya hanggang sa tumawa na talaga siya ng malakas.napahawak tuloy ako sa dibdib ko,porket gifted siya nghinaharap mamaliitin niya itong akin!
"B-bakit ba?!..."sigaw ko sa tumatawang si xian...
"..may gatas din naman ito ah"pabulong kong sinabi ang panghuli pero narinig niya parin dahilan para tumawa siya ng malakas at para pagtinginan kaami ng mga tao sa cafeteria."jusq san!"
"tumahimik ka nga pinagtitinginan na tayo oh!"pabulong kong sita sa kanya kaya naman unti unti naring humupa ang pagtawa niya.
"ikaw kasi eh hehe"aniya sabay kain ulit sa burger na hindi niya nagalaw kanina dahil sa pakikipagusap sakin.
"by the way san.. punta ako senyo bukas ah? nakakabagot din kasi sa bahay"
"hmm...ang sabihin mo si kuya ang bibisitahin mo.."pangaasar ko sa kanya, nalaman ko kasi na may crush pala siya kay kuya kaya hanggang ngayon inaasar ko siya.agad naman itong namula
"H-Hindi noh!"pagdedepensa niya sa sarili kaya natawa nalang ako.
"speaking of kuya papuntana siya dito oh!"ani ko na agad na ikinaalerto niya at mas lalong pumula ang pisnge nito.
"U-Uhh bathroom muna ako! bye!"aniya sabay takbo paalis kaya natawa ulit ako.
lumapit si kuya na may pagtataka at umupo sa inupuan ni xian kanina bago bumaling sakin.
"anyare sa kaibigan mo?"
"wala, wag mona iyong pansinin"sagot ko dito habang sumisimsim sa orange juice na binili ko kanina.
"hmm by the way...I heard detention?"aniya na ikinagulat ko. pano niya nalaman iyon?
shit patay ako nito!
"seriously sandra? anong ginawa mo at na detention ka, on your first day of class?"seryosong ani niya habang nakatingin deretso sa mga mata ko, ilang beses akong napalunok bago sumagot.
"uhh ano kasi...nagaway kami ng katabi ko, kinukulit kasi ako kaya nasigawan ko"
"hmm anong pangalan ng katabi mo?"
shit! patay talaga ako nito!
"K-Kyro—"
"stay away from him"seryosong ani niya sakin ana ipinagtaka ko.
"h-huh?"
"basta lumayo ka sa kanya, ok?"ani niya sakin na ikinatango ko nalang kaya ngumiti siya bago tumayo at guluhin ang buhok ko.
"see you later.."tumango ulit ako, at nang tuluyan na siyang umalis ay napagpasiyahan kong puntahan si xian sa banyo dahil hindi parin ito lumalabas.
habang naglalakad ako ay parang may naririnig akong bulungan pero ipinagsawalang bahala ko lang iyon dahil abala ako sa paghahanap sa banyo kung saan si xian. Ba't nakalimutan ko agad kung saan inilagay ang banyo?!
nang makita ay mabalis akong naglakad papunta dun pero hindi pa nga ako nakakalapit sa pinto ay may bumangga na grupo ng mga babae sa akin, dahilan ng pagkabagsak ko sa sahig.
shit! masakit ah!
"Ano ba—"
"oh look, if it isn't the newbie.."ani ng babaeng di naturuan kung paano magpintura at ginawang canvas ang mukha..
tumayo akong iritado at handa ng manapak, dapat kalmado ako ngayon unang araw ko palang dito sa school nato ta's may sasalubong pa sa aking clown, yung totoo? anong paaralan ba tong pinasukan ko?
"psh, so what kung bago ako. bakit? ngayon kalang ba nakakita ng newbie?"pagtataray ko dito. napataas ang isang kilay nito bago ako nilapitan at hawakan ang hibla ng buhok ko.
" 'di porket nakasama mo si kyro ng isang oras, gaganyan kana. tandaan mo bago ka palang dito"aniya sabay bitaw sa hibla ng buhok ko.
" matagal kana pala dito"
"yes, so kilalanin mo binabangga mo"
gago ikaw yung namangga ende ako..
"hmm.."lumapit ako at hamalukipkip sa harapan niya bago nagsalita.
"...halata nga sa mukha eh, old"ani ko na ikinainis niya."what did you say?!"aniya na nanlilisik ang mata na hinawakan ang braso ko pero agad ko iyong tinanggal sa pagkakahawak bago naglakad papunta sa pinto.
"wala!"ani ko sabay pasok sa banyo.
grabe! ang daming epal sa school nato!
sinimulan kong hanapin si xian pero wala akong nakitang xian dito sa loob. At tsaka, bakit parang iba ito sa banyo na napasukan ko noon?
may kakaiba talaga eh..
"weewwsss"ani ng kung sino dahilan para mapabaling ako dito.
shit! ba't may lalaki?! ibig sabihin...
ahhhh putekkkk!!!
"A-Ahh sorry akala ko kasi sa babae toh.."pagpapaumanhin ko at aakmang aalis na pero hinarangan nila ang pinto.
shit!
"ayos lang miss, pwede ka namang magbanyo dito may cubicle din naman oh!"
piste kita ko nga!
"P-Pasensya na pero kailangan kona talagang uma—"
"oh C'mon! gusto lang naman namin makipagkilala"aniya sabay lapit sakin, bigla akong kinabahan.
"oo nga miss, wag kanang pakipot"ani ng isa sabag lapit din sakin.
"Please kaila—"
bigla nalang padabog na bumukas ang pinto at pumasok ang isang pamilyar na tao sa loob.
"tss, what the hell are you doing here?!"aniya sabay lapit sakin at hatakin ako palabas, pero pinigilan na naman kami ng mga lalaki na nakasalamuha ko.
"move away.."ma awtoridad na utos ni kyro.
"kyro dude, we just wanna have some fun!"sabi ng isa
"oo nga naman! pagbigyan mona kami!"ani naman ng isa na ikinangiwi ko dahil ang lagkit nito kung makatingin sakin.
manyak!
"not her, maghanap kayo ng iba"ani ni kyro at hinila na naman ako pero hinawakan ako ng isa sa mga lalaki sa braso ko dahilan para maalarma ako.
"fuck! I said not her!"
mabilis ang pangyayari at binitawan nalang ako bigla ni kyro bago sapakin ang humawak da braso ko. umamba din ng suntok ang kasama nito pero mabilis na inatake din ito ni kyro, pero nasapol parin siya ng kamao ng isa agad niya namang sinapak pabalik ito.
"let's go"
at sa isang iglap nakita ko nalang ang sarili ko na nagpapatianod sa paghila niya sakin.