Tripped
natapos ang weekends na wala man lang akong ginawa kundi ang kumain ng kumain, sa tingin ko nga ay glutton na ako pati si kuya ay ganun narin ang tingin sakin, masisi niya ba ako? eh, sa gusto kong kumain eh.
at dahil monday na naman nasa school ako ngayon nakatunganga sa kawalan, pano ba naman kasi? ang aga akong ginising ni kuya. kasalanan ko rin naman, kasi nagpuyat ako kagabi kahit alam kong may pasok.
"san, ayos kalang?"biglang tanong ni xian na ngayon ay nasa kaharap kong upuan.
"inaantok pa ako"
"nako! may quiz pa naman tayo ngayon!"aniya na agad na ikinagulat ko, agad akong napaayos ng upo.
kagabi ay alam kong parang may nakalimutan akong gawin, hindi ko naman akalain na ito pala iyon. agad kong kinuha ang notebook ko sa bag pero hindi ko pa naman iyon nabubuklat ay pumasok na ang professor namin. Gusto kong sampalin ang sarili ko sa katangahan ko, bakit koba nakalimutang mag review? ugh!
"okay, I assumed you all did a review for my quiz?"
ako po hindi..
"yes sir!"sagot ng mga kaklase ko na ikinabusangot ko, buti pa sila.
"ok! let's start!"ani nito, bwesit! ano nalang isasagot ko.
tumingin ako sa katabi kong upuan na walang nakaupo. mukhang hindi papasok ang ulol na yun. napabuntong hininga ako bago hinawakan ang ballpen ko ng mahigpit, nakatingin lang ako sa pirasong papel na nilagay ni sir sa mesa ko.
shit! wala akong maintindihan!
pinapawisan na ako sa kakaisip kung paano ko sasagutan ang papel na nasa harapan ko. tumingin pa ako kay xian na ngayon ay parang wala lang na sinasagutan ang kanyang papel. gusto ko humingi ng tulong sa kanya subalit ang layo layo nito sakin. napabuntong hininga ulit ako.
"mr. De leon! you're late again!"napaangat ako ngtingin nang sumigaw ang professor namin.
"tss.."kumulo ang dugo ko nang makita ko ang pamilyar na mukha. hindi ko alam pero sa tuwing nakikita ko siya ay kumukulo talaga ang dugo ko.
naglakad ito na parang modelo patungo sa kanyang upuan, hindi pinansin ang professor namin na galit sa kanya. nang makalapit ay ngumisi ito sakin, kinunutan ko ito ng noo bago nagiwas ng tingin. dapat ituon ko ang aking isipan sa sinasagutan lalo na't nandito pa naman ang ulol nato.akala kopa naman hindi ito papasok, parang may kung ano sa kaloob looban ko ang nagalak pero agad kong ipinagsawalang bahala iyon.
matatapos na ata ang subject ni sir pero hindi ko parin natatapos masagutan ang papel ko. kalahati palang ang nasasagutan ko, salamat nga at naintindihan ko ng konti ang iba. tumingin ako sa katabi ko na ngayon ay nakapangalumbaba at nakatingin sakin.
"you look so cute when you're serious"aniya habang nakangisi.
ayan na naman! umiiral na naman ang kagaguhan niya!
"tumahimik ka kung ayaw mong masapak ulit"galit sa saad ko habang nakatingin ng masama sa kanya, tumawa lang siya bago nagkibit balikat.
malapit na! konti nalang! matatapos kona!
"five minutes left!"saad ni sir na agad na ikinabigla ko.
taena! wait!
"ok! pass your papers!"ani ni sir at agad namang nagsitayuan ang mga kaklase ko maliban nalang sakin at ng..katabi ko?
taena wala atang balaka na tumayo to?
nakaupo lang ito habang magkakrus ang braso na animoy parang may hinihintay. Sa pag aakalang baka ayaw nitong magpasa ay mabalis kong sinagutan ang aking papel bago tumayo para ipasa ito, nagulat nalang ako nang sabay kaming tumayo nito. Nauna itong naglakad at naiwan akong nakakunot ang nuo pero sa huli ay sumunod din para ipasa ang papel ko sakto namang nag bell at umalis na si sir pati na rin ang ibang kaklase ko kaya naglakad na ako pabalik sa upuan ko para kunin ang bag ko.
what just freaking happened? inantay niya ba ako? imposible..
natigil ang pagiisip ko nang diko napansin ang paa ng upuan sa harapan ko dahilan para ma out of balance ako at matapilok. Dahil mabilis ang pangyayari ay diko na magawa pang magisip at inantay nalang na babagsak ang katawan sa malamig na sahig pero. Hinintay ko ang pagbagsak ko pero di yun nangyari, may nakahawak sakin at ang masama nga lang ay iba ang nahawakan nito.
my boobs!!
namumula ang mukha at umayos ako ng tayo at tinanggal ang pagkakahawak nito sa hinaharap ko. "Manyak!!" sigaw ko kay kyro na siyang humawak pala sakin.
"oh C'mon, kung hindi kita tinulungan ay baka humahalik kana sa sahig ngayon"aniya habang nakakrus ang braso.
"you call that help?! ang sabihin mo tsumatsansing ka! perverted asshole!"sigaw ko dito, hindi kona inantay na sagutin ako nito at kinuha koang bag ko bago padabog na umalis.
alam kong nauna na si xian sa canteen dahil lunchbreak naman, dina ako nagtampo at nagpasalamat nalang dahil wala ito sa room kanina para asaksihan ang nangyari. Nangilabot ako nang sumagi ulit sa isipan ko ang kamay niya hawak hawak ang hinaharap ko.
pervert!!!