kabanata 11-pissed

3 0 0
                                    

pissed

Nag stay pa sina lola ng ilang araw bago napagpasyahang umuwi nadin. Nagdadalawang isip pa ito dahil sa ayaw ng malayo sa akin, we have been closed after that emotional scene ever since. Parati pang pinagsasabihan ni tita feli na s-no-spoil na daw ako ni lola which is true kasi halos ibigay na nito lahat ng gusto ko ganun din si lolo na tinawanan lang ang anak.

It was a happy week, ni hindi nga makapaniwala si kuya sa nangyari. He thinks lola is in some kind of spell and we all laughed at his childishness. Napakasaya namin nang dumating sina lola and now they are leaving because of their business in laguna na kailangan nilang asikasuhin. Lola was still stubborn to go.

"Bakit kasi hindi nalang ikaw ang pumunta celsio!!"

"Oh come on maria! We'll still visit, hindi naman tayo aalis at hindi na babalik!"

Inirapan ni lola si lolo na nagpauna ng sumakay sa sasakyan. Tumawa kami nina tita sa kanila, they were so cute even in the old age they act like they're still in 20's. Kalaunan nakumbinsi ko din na pumayag na si lola na umalis, she was hesitant pero pumayag din sa huli ay niyakap ako bago sumakay sa sasakyan at kumaway. Bumusina pa ito bago tuluyan ng umandar papaalis.

Bumaling ako kay tita nang bumuntong hininga ito. Tinignan niya ako habang nakangiti, hinaplos ang buhok ko.

"Kahit ano man ang lumabas na katotohanan, 'wag kang magtanim ng galit sa kanya. It will hurt you at first but let us handle it ok?"aniya, hinahaplos padin ang buhok ko.

Subalit nagtataka sa kung anong ibig niyang sabihin ay tumango ako dito at ngumiti. Maybe she's pretaining at lola. Did she do something? truth? I am totally troubled but I stayed silent, kahit nung nasa loob na kami tahimik lang ako habang nagiisip pero sa huli ipinagsawalang bahala ko din iyon.





Natapos ang buong linggo ng tahimik, Sinubukan ko ng iwasan si kyro and it worked! well, xian has been asking me why at ang tanging sagot ko lang ay..

"To avoid being in trouble again, xian"

And she believed it.

Nandito kami ngayon nanood ng practice nina kuya. It was nice, si xian sa tabi ko ay panay ang pag cheer kay kuya and I don't know but when she does that mas lalong ginagalingan ni kuya. I have been smelling something fishy between these two pero di na ako na ako nakialam. I don't even bother asking xian because I don't want to be nosy.
Natapos ang laro at agad na lumapit si kuya kasama ang barkada niyang pawisan. Binigay ko kay kuya ang towel niya at tinanggap niya naman ito.

"Ang sweet naman ng pinsan ko!"aniya sabay kurot sa pisnge ko. Tinampal ko ang kamay niya at sinamaan siya ng tingin.

Tumawa siya at napatingin pa sa katabi kong si xian bago tumikhim. Bumaling siya sa barkada di kalayuan sa amin at tinawag ito.

"Hey guys! dito!"

Lumapit sila samin, nakipag kwentuhan pa si kuya sa kanila at nagtawanan naman ang mga barkada niya. Ilang buwan nadin nang magsimula akong mag aral dito pero di ko parin kilala ang barkada ni kuya.

"Jake di mo naman sinabi na may girlfriend kana pala!"tumatawa na ani ng isa sa barkada ni kuya.

Binatukan ito ng kuya ni xian habang tumatawa, ganun din si kuya na nakatingin sakin. Sinamaan ko ito ng tingin dahil alam kona ang binabalak nito.

"Baliw! pinsan niya yan!"

Kamot batok na sumagot ang kawawang lalaki,"Akala ko kasi, 'di naman kasi pinakilala ni jake samin eh!"

"Oo nga! hindi ko nga nakita na bumisita yan dito. Ngayon lang!"sabat ng isa.

Totoo naman kasi, hindi ako pinapayagan ni kuya na pumunta sa building nila. Kung hindi nga nag intrams ay hindi ko makikilala ang barkada niya. Tumawa ako nang makitang binatukan ni kuya ang nagsabi nun. Kawawang lalaki, sadista talaga si kuya.

"Gago! kung pinakilala ko sayo eh baka ligawan mo at mapatay pa kita!"tumatawang banta ni kuya na hindi ko nagustuhan.

Kung magkaroon man ako ng manliligaw ay ayokong manakit si kuya jake. I have been having suitors in my junior high days and it was not very good for kuya. Naalala kopa nung huling manliligaw ko na nalaman ni kuya ay binantaan niya ito pero dahil nanlaban ay nagkagulo dahilan para ilipat ako nina tito dito sa kagustuhan mabantayan ni kuya. And it turns out it did, kasi wala akong naging suitor. May nagbalak pero hindi na tinuloy sa takot kay kuya.

Tumawa ang lalaki ganun din ang iba.

"Baka nga, bro"

"Gago!"

Alam kong biro iyon at gusto kong sabihan si kuya pero huli na dahil hinabol na agad ito ni kuya na galit na galit. Napailing ako, ni mismo ako ay hindi nagustuhan ang biro ng lalaki. Tumawa lamang ang barkada ni kuya ganun din si xian na katabi ko.

"You really have a protective cousin"

Napabaling ako sa nagsalita. The guy standing near me was tall, chingky eyes and brownish hair. Napakurap ako at awkward na tumawa. He is one of my kuya's friends.

"U-Uhh..yeah"

"By the way, I'm hizam"

Naglahad ito ng kamay at naiilang ko naman itong tinanggap.

"sandra"

ngumiti ako at ganun din siya. The way the corner of his lips rose showed his very deep dimples, making him more attractive.

"uy! ano yan hiz?"

"Nagpapakilala lang"

"Kami din uy!"

Tumawa si hizam, ganun din ako nang nagunahang lumapit sila sa akin. 'Di ko na namalayan ang katabi kong si xian na kausap na pala si kuya, 'di kalayuan sa amin.

"Ako nga pala si eric!"

"Jerson here!"

Nakangiti lang ako sa kanila pero bago paman ako makasagot ay napuno na ng malakas na pagbato sa sahig ng bola ang buong court. Sabay sabay kaming bumaling sa taong padabog na kinuha ang duffell bag nito at lumabas ng court.

"bro! what are you doing?!"

Rinig kopa ang pagtawag ng kasama nito sa kanya pero tila bingi ito at nagpatuloy lang sa paglabas ng court, di kalaunan ay nagpatuloy ulit ang iba sa ginagawa while I'm still puzzled why he's pissed.

"Sandra? ayos kalang?"si hizam.

Napabaling ako dito, 'di parin mawala sa isip kung anong nangyari.

"u-uh..ofcourse!"

Leaving the basketball court is a pissed and angry kyro de leon. Iniisip ko na baka napaaway lang sa kagrupo but something is bothering me but I choose to ignore it.

Baka nga...sana nga iyon lang

Unexpected lovers(Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon