kabanata 4-angry

10 2 0
                                    

angry

halos buong klase akong tulala kung makikinig man ako sa professor namin ay agad ding mawawala ang itinuro nito sa isipan ko. pano ba naman kasi? nung dumating ang professor namin ay In-arrange niya kami ng alphabetical order, at sa kasamaang palad naging magkatabi kami ng taong pinakaayaw at kinamumuhian ko.

tengene!

busy ako sa pakikinig sa turo ng professer namin pero ni isa sa mga sinabi nito ay hindi man lang pumasok sa utak ko. wala akong maintindihan! idagdag mopa ang katabi ko na kanina pa ako tinatapunan ng papel na nilukot!

chill sandra...chill..

mahigpit na hinawakan ko ang ballpen ko bago nagpakawala ng malakas na buntong hininga at nagpatuloy ulit sa pagsusulat.

pong!

wag pansinin...

pong!

ok chill lang sandra..nagpapansin lang yan..

pong!

ok that's it!

inis na inilapag ko ang ballpen ko at bumaling sa katabi ko na ngayon ay may hawak na papel na nilukot at...

basa?! kingina! at balak pa ata niya itong ibato sakin!

"ano ba'ng problema mo ha?!"inis na sigaw ko sa nakangising loko at huli na ng mapagtanto kong pinagtitinginan na pala kami ng buong tao sa classroom.

shit! nakakahiya!

"miss fugoso is there a problem?"tanong ng professer namin habang nagtatakang nakatingin saming dalawa ng katabi ko.

umiling ako dito at nahihiyang umupo pabalik at nagpatuloy naman ito sa pagsusulat ng leksyon sa board habang ako dito ay masama parin ang tingin sa katabi kong tatawa tawa lang.

gago! ang happy ng life niya grabe! sa sobrang happy ang sarap guluhin!

nagpatuloy ulit ako sa pagsusulat kahit na malapit kong nabali ang ballpen ko dahil sa sobrang galit sa katabi ko. iba na naman kasi ang trip niya sa buhay at walang magawa kundi ang titigan lang ako! inis na binalingan ko ulit ito.

"ano ba?!"

"miss fugoso and kyro de leon! detention!. kung gusto niyong magsigawan wag sa klase ko! now gerrawwwt!"inis at parang puputok na ang ugat ni sir dahil sa pagsigaw niya samin.

natatawa namang tumayo ang katabi ko at pati narin ako,naglakad ito na parang modelo sa harapan habang ako ay nakayuko lang. ba't parang happy pa siya na nadetention siya?!

nang makalabas ay agad ko siyang hinarap ng nakakunot ang nuo, pinipigilan ko ang sarili ko na masapak ko ang gagong toh! pasalamat siya at ayaw kong mag eskandalo rito kahit na kanina ay napahiya ako nang dahil sa kanya!

"what's your problem?! kanina mo pa ako kinukulit o kundi kaya pinagbabato ng nilukot na papel! baliw kaba?!"

"hmm yun ba? wala trip ko lang"aniya habang nakapamulsa at walang ganang nakatingin sakin.

trip?! so trip niya lang akong galitin ganun?! asan ang malapit na mental hospitan ipapaadmit ko ang baliw nato!

"trip?! grabe yang trip mo ha?!wala kabang magawa sa buhay mo at nangt-trip ka ng tao?!"buong lakas kong sigaw sakanya nang bigla nalang dumating ang professer namin.

"miss fugoso please stop shouting.. you two follow me"aniya bago nagpaunang lumakad kaya kahit labag sa loob ay sumunod ako dito at ganun narin ang luko.

walang masyadong studyante sa hallway dahil sa classhours pa kaya mabilis kaming nakapunta sa isang classroom kung saan maghihintay kami ng isang oras bago makaalis dito.

"I will free you two in an hour, at dapat sa isang oras na iyon ay nagkaayos na kayo understood?"mahabang paliwanag ng professor namin at tanging tango lang ang sinagot ko dito bago nito isarado ang pinto at ilock.

a minute—no scratch that! a second with this guy is already annoying! pano pa kaya pag isang oras na! argh!

inis na umupo ako sa isang upuan malapit sa bintana na nakasarado, malayo ito sa inupuan ng loko kaya unti unti naring humupas ang galit ko...ng isang segundo..

"ahh this is so boring!"aniya bago tumayo at naginat bago lumapit sa kinauupuan ko.

"A-Anong gagawin mo?"

"Don't move.."

shit! anong don't move?! ano na naman ba ang trip ng loko nato?!

napapikit nalang ako ng bigla nalang akong nakarinig ng pagkasira. Nang dumilat ako ay nakita ko ang pag swing ng sirang kandado at ang pagkahulog nito mula sa kinakapitan. sinira niya?!

"tsk! di parin nila pinalitan.."aniya sabay apak sa lamesa para sa supporta para makapunta siya sa bintana.

nanglalaking mata ko siyang tignan, di makapaniwala na nagawa niya iyon. baliw ba siya?! tatakas siya?!

"tatakas ka?!"walang gana siyang tumingin sakin habang nakaambang tatalon sa bintana.

"tss you expect me to stay here for an hour? nahh"aniya sabay ambang tatalon ulit pero hinawakan ko ang pulo niya.

galit ako dito eh! pero kapag nahuli ang lokong ito ay mapapatay din ako ni sir  at tsaka mukhang mataas din ang tatalonan niya, delekado kapag tumalon siya.

"baliw kaba?! nasa second floor tayo tapos tatalon ka?! at pano nalang si sir huh?!"tumawa siya bago sumagot sakin.

"pfft he won't mind, sanay na siya eh..."aniya sabay lapit sa akin kaya napalayo ako kunti..
"...and don't worry di pa ako mamatay kapag tumalon ako dito.."aniya sabay layo at agad na tumalon dahilan para mabitawan ko agad ang pagkakahawak ko sa polo niya.

baliw na talaga siya!

"bye polka dots!!!!"aniya sabay takbo paalis sa building at sumot sa kung saan.

namula ang buong mukha ko, shit! ba't kailangan pa niyang ipaalala ulit ang nakakahiyang pangyayari nayun!

"gagoooo!!!!"galit na sigaw ko sa labas bahala na kung sino makarinig.

tengene talaga ang lalaking yun!!

Unexpected lovers(Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon