5- SOMETHING NEW

831 44 1
                                    

S.M.N.G.F.
5
"SOMETHING NEW"

Bella Martinez

"Good morning class, please refrain from making some noises.  Kung gusto niyo talaga mag ingay, sige magpakilala kayo ng inyong mga sarili." Panimula ng teacher namin na panot.

Yes, panot siya. Literal. I'm not insulting him, just stating a fact.

Gusto ko sana umirap pero hinayaan ko lang na tumingin ako sa harap para naman hindi nila mapansin ang pagiging maldita ko.

Ano kami, elementary students? Kailangan pa ng introduction sa sarili?

"Para naman maiba magsimula tayo sa likod---" napatigil yung teacher naming panot dahil may sumabat.

"That's not something new, sir." Si bakla. Nakataas pa kamay niya na parang nakapilantik. Yung kilay niyang makapal nakataas rin, akala mo gustong abutin yung Mount Everest

Arte ni girl ah.

Napakunot-noo naman si panot, "do you have any suggestions then, Mr. Pendleton?"

Oh, kapangalan niya yung school ah. Iba siya girl.

"Sir naman eh! Hindi ako mister! Miss ako! Miss Pendleton!" Abay ngumuso pa si bakla at nakapameywang.

Napakamot naman si panot sa noo niya, "sige, sige. Anong maisa-suggest mo, Miss Pendleton?" Paglilinaw na ni sir 'panot'.

Ngumisi naman ng napakalapad itong si poging bakla, "bakit hindi tayo magsimula doon kay ate girl na mukhang bago lang sa school na ito."

Nanlaki naman ang mga mata ko dahil nakaturo siya sa akin na para bang may ginawa akong masama.

Itong bakla na ito, sarap batukan. Ako talaga?!

"New student ka rito?" Tanong ni panot.

Nawala tuloy kay bakla ang atensiyon ko.

First, I smiled quickly like an innocent little girl bago tumayo mula sa kinauupuan ko, "yes po, sir."

Lumambot naman ang mukha ni panot, akala mo nakakita ng isang matinong estudyante, "is it okay ba, na ikaw na magstart?" Tanong niya.

Isipin mo napaka-plain ko pa ngayon pero may effects pa rin ako sa ibang tao.

Oo, alam ko mahangin, tsk.

"Sure po," tumayo ako at humarap sa lahat, "g-good morning sa inyo.  I'm Bella Martinez, seventeen years old at new student nga sa school na ito. N-Nice to meet you all." Ngumiti pa ako ng kaunti para kunyare nahihiya pa ako.

A round of applause for me.

"Whoaa!" Rinig kong hiyaw ng mga classmates ko maliban kay bakla na parang pinapatay na ako sa utak niya.

Sorry bakla, mass maganda ako sa iyo. Bleh!

"Martinez? Are you somehow related to Dominic Martinez?" Tanong ni sir panot.

Epal ito ah. Kailangan pa talaga ipaalala sa akin si Dad?

Umiling ako.

Ayokong makita nila ako na anak ng isa sa mga kilala at pinakamayamang negosyante sa Pilipinas. That'll catch too many attention. Isa pa, baka makilala nila ako na isang bratinella mula sa dati kong school. Masisira plano ko kung malaman nila iyon.

"Hindi po."

"Ganun ba? Oh siya, pumili ka ng gusto mong sumunod sa iyo." Tanong ni sir panot.

Agad ko namang itinuro si bakla, "siya po."

"Whoaaaa!" Narinig ko na naman bulyawan ng mga classmates ko.

Bakit? May masama ba akong ginawa?

Pinakatitigan ako ni bakla at nakangisi pa.

"Alam kong kilala niyo na akong lahat pero mukhang gusto pa ako kilalanin nitong newbie rito," tumayo siya na parang babaeng-babae.

She's way fucking girly than me. What a laugh.

My face remain angelic as I stare to a wonderful perfectly imperfect creation of God, si bakla.

"Hoy, babae. Ako lang naman ang anak ng may-ari sa school na ito. Remember my name, Georgia Pendleton. Unlike you, I'm already eighteen years old, and from head to toe, I'm definitely ten times beautiful than you can ever be!" His arms folded to his chest.

Ang taray ni bakla!

How lucky he can be na anak pa talaga siya ng may-ari ng school na ito. Kung hindi lang talaga siya makakasagabal sa plano ko, baka pinaiyak ko na siya. Isang suntok lang dito, for sure titili 'to sa sakit. Ewan ko lang kung magyabang pa siya kung gaano siya kaganda, lalo na kapag nagka-blackeye na siya.

Tumango na lang ako saka umupo. Pero syempre, nakangiti parin.

Gosh! I didn't know that being plastic is so damn fucking hard.

"Okay, now let's proceed..."

At ayun na nga, nagpatuloy sa pag introduce ang bawat students. Samantalang si bakla, pinakatitigan ako na para ba akong isang dumi sa loob ng malaking classroom namin.

Gusto kong ngumisi.

I haven't even showed my true look, naiirita na siya sa pure beauty ko. Hay nako bakla, pasalamat ka talaga at gwapo ka.

Nginitian ko na lang siya.

Sige, lalo kitang aasarin.

Walang pinagawang iba ang teacher namin dahil nag discuss lang siya ng magiging classroom rules namin at yung grading system. Nag kwento pa si sir panot ng tungkol sa life niya, like do we even fucking care?

Dumaan ang ilang oras, pati ibang teachers para sa ibang subjects. Wala akong ginawa kung hindi, ngumiti na parang isang mabait at magalang na mag-aaral.

Sa mga binabanggit na school rules, it makes me attempt to go against it.

Because if promise are meant to be broken. For me, rules are meant to be broken as well.

The more they try to control me, the more I want to rebel and break free. Yep, that's me. That's my attitude. So bitch out.

"Okay, class dismissed."

Fucking finally!

I immediately stood up then runs for the exit.

Dinala lang naman ako ng mga paa ko sa restroom nitong school. Hindi ko nga alam kung paano dahil wala akong alam sa kabuuan ng lugar na ito.

Hindi ko na kaya. Gusto ko na sumigaw! Nakakairita maging artista. How am I even suppose to stay like this for a fucking year?! Can I do it?

Yes, I can!

Of course, I can.

I'm not fucking Bella Martinez for nothing.

Taas noo akong lumabas mula sa restroom, pero bago pa man ako maging pursigido sa pag-arte ko na mabuting estudyante, eh parang gusto ko na bawiin lahat.

"Welcome to this school, welcome to hell." Malanding boses ni bakla ang narinig ko bago ako mabuhusan ng isang balde ng nagyeyelong malamig na tubig.

I think Dad will have fun for a very long period of fucking time.

Seduce Me Not Girl Friend!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon