10- YUMMY BACK

769 46 4
                                    

S.M.N.G.F.
10
"YUMMY BACK"

George Pendleton

"OOUUUCH! MY BACK! MY OH SO YUMMY BACK!" Patuloy parin ako sa pag-tili habang dinarama ang sakit ng pag-tapak sa akin ni Ugly Princess sa likod ko.

"Ikaw naman kasi! Bakit mo sinira 'yung pinto? Hayan tuloy napala mo sa pamboboso..." hinihilot ngayon ni Ate Angie ko ang likod ko.

"Ate, first of all, hindi ako mamboboso! Like, eeew! Sa ganda kong 'to? Isa pa, hindi lalaki 'yan si Ugly Princess para pagnasaan ko! DUH!? IMBYERNA AKO SA 'YO!" Halos manginig ako sa kilabot sa pagbibintang nitong si Ate Angie!

"Talaga lang ah? Eh, kung maka hagod ka ng tingin mula paa hanggang ulo niya, parang kang tigang na tigang." Pang-aasar na ngumisi sa akin si Ate Angie.

Nanlaki naman ang mga mata ko, at napa takip sa bibig ko in a very femine way.

"Ate Angie! Ano ba 'yang words mo! Yuck?! Tigang talaga ako?! NO WAY! ATE ANGIE NAMAN EH!" Pag-mamaktol ko na parang bata.

Isa pa, tigang man ako, sa lalaki 'no! Hindi sa babeng Ugly Princess na 'yun! You've got to be kidding my-oh-so-gorgeous-me!?

Oo, maganda siya. Like, medj reach sa level ng prettiness ko, but not really. Maybe just 20% of my 100% beauty. Hoy po! That's consider a huge compliment coming from me! My minons are like, half of 1%, or baka less pa nga!?

Ako ang mas maganda sa aming dalawa! Babae lang siya! Pero kapag ako talaga pinanganak na babae, siguro sikat na model na ako ngayon! Malamang pinag-kakandarapa na ng mga lalaking mesherep ang extreme prettiness to the highest level, out of universe prettiness ko.

Okay, redundant 'yon. Well, double-double rin naman ang beauty ko. Subukan niyo lang mag-disagree!

"Oh, bakit natutulala ka diyan? Sabi na eh, may pagnanasa ka kay Bella eh." Punto ni Ate Angie kaya naman napasinghap ako.

"ATE ANGIE YUCK KA TALAGA! MANDIRI KA NGA SA MGA WORDS MO!" I perfectly flipped my fabulous shiny hair like pro super model.

Natigil lang naman ang pag-aura ko ng may nag-salita sa likod namin.

"Nurse Angie, mauna na po ako. Salamat po ulit." Malamunay na pagkasasabi ni Ugly Princess ang pumutol sa pag-iinarte ko.

Nilingon naman namin siya nitong si Ate Angie.

As much as I don't want to admit, I was blown away by her simply lovely look. So refreshing. So innocent. So pure. So, so, so attractive ang sexy.

Wait--- what?!

OHMAGASH! BAKA ISUMPA AKO NG FEDERASYON SA KABALIWAN KONG ITEEEY!

Halos lumundag na ako sa ere dahil sa biglang pag-playback ng nangyari kanina sa C.R.

KYAAAAAAA!?

"Oh, siya. Sige. Pasensya na sa kamanyakan nito ni George ha---!" Pinutol ko ang sasabihin ni Ate Angie nang tumili ako ng pagkalakas-lakas.

"HINDI AKO MANYAK! AT NEVER KONG MAMANYAKIN ANG UGLY PRINCESS NA 'YAN! KADIRI! ANOTHER THING, IT'S GEORGIA! NOT GEORGE!"

Kinurot naman ako ni Ate Angie sa tagiliran ko, dahilan para tumili na naman ako.

"Ano ba naman 'yang boses mo! Ang tining! Sakit sa eardrums!" Reklamo ni Ate Angie.

"Kinurot mo ko eh!" I pouted.

Ate Angie glared at me.

Ngumiti na lang ako, "sorry na, sorry na po Ate ko~ hehe." Nilingkis ko ang kamay ko sa braso ni Ate Angie at parang bata na nagpapa-cute.

Take note; nagpa-cute ako. But of course, with matching puppy eyes.

Nahinto naman ako sa kabaliwan ko ng biglang may narinig naming mahinang hagikgik.

Si Bella.

"S-sorry, ang... cute kasi." Yumuko pa siya na parang nahihiya.

C-Cute? A-ako cute?

Kasabay ng malakas na tawa ni Ate Angie ay ang pag-init ng pisngi ko.

"Yieeee ang cute daw ni George~!" Pang-aasar ni Ate Angie sa akin.

"H-HINDI AKO C-CUTE! MAGANDA AKO! MAGANDA! OKAY? NOT CUTE?! DO YOU UNDERSTAND?! AND IT'S GEORGIA! ATE ANGIE NAMAN EH! HUHU!" Halos napaos ako sa pag-tili ko.

Maya-maya pa nakisabay narin ng tawa si Bella.

"Aww~ George is blushing like a tomato!" Pinisil pa ni Ate Angie yung pingi ko.

"GEORGIAAAA SABI EH! ARAAAAY KO!" pilit kong tinatanggal ang kamay ni Ate Angie mula sa pagkakapisil sa pisngi ko.

"AT IKAW?! ANONG TINATAWA-TAWA MO RIYAN?! ABER?! UGH!? YARI KA SA AKIN! ANG SAKIT NG LIKOD KO SA 'YO! UGLY PRINCESS KA!-----ARAY?! ATE ANGIE ANO BA!" Halos mahiga na ako sa sahig dahil sa kapupukpok sa akin ni Ate Angie sa ulo.

"Ate Angie! Ano ba! Ara-- ouch!! Ang s---sakit niyan! Hey!" Away ko kay Ate Angie.

"Sorry..."

Agad naman kami natuod ni Ate Angie.

"Sorry kung naiirita kita." She paused, "Hindi ko alam kung bakit. Pero sana, mapatawad mo sa kung... ano man ang nagawa ko sa 'yo." Tumingin siya sa mga mata ko.

Gosh, her eyes... So breathtaking.

Namuno ang katahimikan sa silid at walang nag-salita sa amin.

Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ko mapigil ang sarili sa pakikipagtitigan kay Bella...

Wait did I just called her by her name.

Bella.

Her name does fits her so well.

Bella, as in beautiful.

Seduce Me Not Girl Friend!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon