22- PLAY MATE

664 35 1
                                    

S.M.N.G.F.
22
"PLAY MATE"

Bella Martinez

I'm currently carrying two bags. One from what I decided to replace my bag from yesterday, and another bag given to me by Georgia. Lahat ng gamit ko napalitan ng bago. At least hindi na ako mahihirapan pa mag-tipid para lang makabili ulit.

Yung bag lang naman ang nanggaling kay bakla since wala nang mahanap na ganun sila Mandy dahil nga bukod sa limited edition, sobrang expensive pa nun. So, ang mga pinalitan lang ng mga bruha is yung mga gamit ko, like the make-ups, school supplies and other stuffs which will still cost them a lot. Nagulat rin ako dahil, yung bagong bili na na notebook, kumpleto na rin sa notes! Pati mga assignments, gawa na!

Like, what the hell?

"Grabe ang sakit ng kamay ko!" Narinig ko ang boses ni Mandy.

Narito ako ngayon sa harap ng locker ko, kinukuha ang iba ko pang mga gamit.

"Lintek kasi 'yung isa diyan." Dagdag nang kasama ni Mandy.

"Napaka-fake. Umiyak pa talaga! Ka-gigil!"

Nilingon ko naman sila at pinakitaan ng middle finger na sila lang ang makakakita...

"Thanks for rewriting my notes...bitches." I only mouthed the last word para sila lang ang makaalam.

"How dare you!" Susugod na sana ang mga higad ng biglang dumating sa tabi ko si bakla.

"Hep-hep! Ano Mandy? Hindi ka na ba nadala? Gusto mo ba ipa-expelled na kita kay mommy?" Mataray na tumaas ang well defined niyang kilay.

Pak na pak.

"Georgia! Please! Believe me! Hindi naman talaga mabait iyang si Bella! Right, girls?!" Halos lumuwa ang malalaking mata ni Mandy sa sobrang galit.

"Sorry na, Mandy. I didn't mean to upset you. Kung ano man ang ginawa ko sa'yo. Sorry. Please don't do this to me. I'm being nice na nga para we could be at peace na." I acted humble and pabebe. Grabe, where did I got the courage to actually act like this?

"Shut up, you bitch!" Sasampalin pa sana ako ni Mandy ng pigilan ni Georgia ang paglapat ng palad ni Mandy sa pisngi ko.

"Will you stop already, Mandy? You're looking desperate when you act like this! I hate it! Kaya ka hindi natiis ng sarili mong best friend. Kaya ka sinukuan ni Rose Ann. Pinili mo maging papansin sa lahat kesa maging kontento nalang sa kung anong meron ka." Georgia pushed her away.

Natameme naman si Mandy. Bigla siyang natulala sa kawalan. I don't know if there are tears already forming in her eyes. Sino si Rose Ann?

"Kasalanan mo, Georgia. Hindi ako." Sagot ni Mandy ng hindi tumitingin sa amin.

"Oh, don't blame me. It's you that chose me over her. You chose popularity and fame with me, rather than staying with your true friend. Tapos ngayon ako sisihin mo? I told you, right? We're not friends." After that, hinila na ako ni Georgia at dumiretso kami sa Canteen.

"Sino si Rose Ann?" Hindi ko mapigilan mag-tanong.

"We're not close enough for me to share stuff, Ugly Princess." Georgia faced me. "Isa pa, don't get the wrong idea. Hindi porque niligtas kita mula sa mga minions kong 'yun, e' friends na tayo. Playmate lang kita habang bored ako."

Wow, Isabella Martinez. I didn't know I can be a playmate. For someone like me?

"Ano ako manika?" Biro kong tanong.

"Oo, mukha kang manika." Sagot naman niya.

Napatitig naman ako sa kanya.

Hawak niya parin ang kamay ko. Samantalang dati, his disgusted with me.

"So, we'll be sitting here." Aniya ng makakita na siya ng table. Nasa gitna lang naman ng canteen  ang table na napili ni Georgia. "Mag-order ka ng sa'yo kasi kusa na nilang ibibigay lunch ko." Naupo na siya, samantalang nanatili akong nakatayo.

Naririnig ko naman ang bulong-bulungan ng mga ibang students.

"Bakit kasama ni Georgia 'yang si Ugly Princess? Hindi ba, kinaiinisan niya 'yan?"

"Kawawa nga daw sila Mandy e'! Pinapalitan sa kabila yung mga gamit niyan ni Bella."

"Akala ko ba, best friends si Mandy at si Georgia?"

"Ewan ko ba? Bakit kaya?"

Ang sakit talaga sa tenga mga bulungan nila. Ayoko sa ganito. Ang daming pakielamera. When I was in my old school, yes, I was famous, but I knew pretty well how to discipline the mouth of those around me. Dito, mukhang mas gusto nitong si bakla na pinag-uusapan siya. Center of attention.

"May baon ako ako. Isa pa, si Nessie dapat ang kasabay ko mag-lunch." sabi ko.

"You prefer eating with that nerd, than with me?" Hindi makapaniwala niyang tanong.

"Well, ayoko matulad kay Mandy." Simple kong sagot. Hindi naman kasi ganoon kahirap intindihin ang issue kanina. "Mas mahalaga sa akin ang friendship over popularity and fame."

Wow, na nanggaling ba talaga sa akin 'yon?

Tinitigan niya ako ng mabuti.

I frowned at him.

What now? Will he embarrass me in front of these many people inside this canteen? Because if yes, I won't back down.

Mag-sasalita pa sana ako nang bigla na lang siya tumawa.

"You are so weird, Ugly Princess." Hinilabniya ako pa-upo sa tabi ng upuan niya. "Maiintindihan naman ni Nessie kung hindi mo siya masasamahan mag-lunch today. Takot niya lang sa akin." He folded his arms confidently.

"Sorry, hindi talaga pwede." Tumayo akong muli.

"Aren't you thankful na tinulungan na nga kita?" He looked pissed.

"I am, but I didn't ask for it, right?" Naiirita ako sa ugali nitong baklang 'to. Wala akong pakialam kahit sobrang gwapo niya ngayon. "Georgia, ikaw na nag-sabi. We're not friends. Bakit mo pa nga ako tinulungan. I don't even have to be thankful kasi playmate mo lang naman ako. Someone you can freely bully, anytime, anywhere. May kapalit yung pag-tulong mo sa akin." I voiced out.

Wala ba siyang ibang kaibigan rito? Sikat na sikat nga siya 'di ba? Ang daming umaaligid sa kanya.

"Stay." Sabi niya.

"I don't want to." Tuluyan ko siyang iniwan mag-isa.

Oo, kumain ka mag-isa! Para maranasan mo ang first days ko sa school na 'to noong mag-isa lang ako palagi dahil lagi niya akong pinag-titripan.

Hmp! Wala na akong pakialam sa utos ni Dad!

Mag-lunch kami together ni Nessie. Actually, siya ang nagbigay ng baon kong lunch. Marami daw kasi siya ng naluto. Ang sarap talaga ng luto niya! Like, YUM!

Hours passed, maging maayos naman ang dalawa ng araw. Not until class dismissal.

"Everyone, pay attention to me!" Pumunta sa harap ng klase si Georgia at may pinakitang poster.

"Oh my gosh!!"

"Whoaa!"

"Finally!"

"Hopefully, mas masaya ngayong taon!"

Ano bang pinag-uusapan nila?

"We will be celebrating the school's festival three weeks from now. So, I ask everyone's cooperation. I don't want this to mess up."

School Festival?

"There will be a lot of work to do." Si Nessie.

Seduce Me Not Girl Friend!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon