33- SENSELESSLY KISSED

937 46 20
                                    

S.M.N.G.F.
33
"SENSELESSLY KISSED"

Bella Martinez


"Okay, that's all for today. Class dismissed." Paalam ni Sir 'Panot' bago siya lumabas na ng classroom namin.


Tumayo na ako at inayos na ang mga gamit ko.


"Bella, ano, sorry pala at hindi kita nasamahan noong sabado ha. May biglaan lang na nangyari. Tapos bigla ka na lang nawala noong friday. Kumusta ka naman ngayon? Anong sabi ng Dad mo?" Lumapit sa akin si Nessie na may hawak na dalawang lunch box. "Ito oh, pinagluto kita. Sorry talaga at wala ako sa time na kailangan mo mg kasama." Nessie sighed in embarrassment.


Ngumiti lang ako sa kanya, "wala iyon, ano ka ba. Pinatawag kasi ako ng parents ko sa bahay namin para kausapin." Aniya.


"Kausapin?" Kuryoso kong tanong.


"Oo, p-pero wala lang iyon! H-Huwag mo nang pansinin." Iwas ni Nessie mula sa topic that she brought up.


Now that I think about it, hindi ko pa nga na-meet parents ni Nessie. Wala rin naman siyang nabanggit. From what I heard, she's also not in good terms with her parents. Sinabi niya rin noong una na may ibang reason siya dati kaya nagti-tiyaga siya pumasok sa school na ito. Hindi kaya pinilit lang din siya ng parents niya?


"Basta, kapag kailangan mo ng kausap, I'm just here." Tinapik ko siya sa balikat. "Para sa akin ba niyang isang extra mong dala?" Tanong ko.



Nessie nodded with excitement. "Oo, pinag-luto talaga kita kasi hindi kita nasamahan noong weekend."



Kinuha ko ang isa sa hawak niyang lunch box at binuksan iyon. "Sa amoy pa lang nitong niluto, apology accepted ka kaagad." Nakatatakam talaga!



Natawa naman sa akin si Nessie. "Sana magustuhan mo!"



"Mukhang may iba na atang kasabay kumain ang napakaganda kong fiancée, ah." Sing it ni Daniel mula si pintuan ng classroom namin.



"Georgia~ My Queen! Sabay tayo mag-lunch!" Si Mandy naman na naka-dungaw rin mula sa pintuan mg classroom.



I feel so annoyed at their presence.



Speaking of presence, nandito rin pala si Georgia sa room.



Kanina pa kami hindi nag-papansinan dalawa mula pa sa parking lot ng mga bus kanina.


"Get away from me, Mandy! And don't call me that! Don't call me, My Queen!" For me, Georgia sounded bitter.



Nakaramdam ako ng panlulumo.



Bakit ayaw niya ng tinatawag na 'My Queen'? Is it because it just reminds him of me?



"Nessie halika na." Saad ko at kinuha na ang mga gamit ko.



"A-Ayos ka lang ba Bella?" Bulong ni Nessie ng mag pag-aalala.



"Sabay ako sa inyo mag-lunch, pwede?" Si Daniel na sing it pa rin.



Epal itong hinayupak na ito.



"Hindi." I firmly said. "Diyan ka kila Georgia sumabay." Hinawakan ko na sa kamay si Nessie at hinila palabas ng classroom. Kasabay naman no'n nang pag-pasok ni Mandy sa loob para lapitan si Georgia.




Seduce Me Not Girl Friend!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon