25- SEDUCED SEDUCTRESS

839 47 6
                                    

Note: I dedicate this chapter to my friend here in wattpad, 2020Atropos. I would also like to recommend her works; Casley Cameron and more. Thank you! Enjoy reading!

•~•~•~•~•

S.M.N.G.F.
25
"SEDUCED SEDUCTRESS"

Bella Martinez

"Bella! Gising na! Maaga dapat tayo 'di ba? Ramdam ko ang malakas na pag-tampal ni Nessie sa braso ko.

Nag-takip naman ako ng ulo dahil sa sobra ko pang antok.

"Magagalit si Georgia kapag na-late tayo! Dali na! Gumising ka na!" Sigaw ni Nessie.

"Urghh!" I groaned.

Tuluyan na nga akong bumangon para mag-ayos ng sarili.

"Dumiretso ka na sa banyo at maligo! Aabot ko na lang susuotin mo!" Tulak-tulak naman ako ni Nessie papasok sa bathroom.

"Okay, okay." I nodded lazily.

Lintek kasi 'yang si Georgia! Sa nagdaang isang linggo, pagod-pagod kaming lahat dahil sobrang daming pinapagawa at pinapaayos 'tong si Bakla! Lalo na ako! Lagi dapat akong nasa tabi niya para i-assist siya! Especially kapag nag-canvas kami ng mga materials! Kung saan-saan kami napapadpad! At the end of the day laging masakit paa ko! Mabuti na lang at nariyan si Nessie para asikasuhin ako. Madalas na siya mag sleepover dito sa dorm ko. I'm comfortable with it anyway.

I stared blankly at the mirror I'm facing.

Sa nag-daang mga araw napansin ko ang pag-progress ng friendship namin ni Georgia.

He's very generous. He will buy me stuff like bags, dresses and all that girly stuff. Kaya madalas  mas matagal kami sa shopping kesa sa pag-canvas ng materials. He really like to dress me up like a doll! Eww! I prefer stylish or ragged but sexy outfits than some sweet girly ones.

"Baklang gwapo na mahilig sa dress up. Wow, Bella. Kailan pa nag-bago ang type at standards mo sa lalaki?" Napa-iling na lang ako bago nag-simula na asikasuhin ang aking sarili. Sinigurado kong kaakit-akit ako sa mata ni Bakla.

Nessie chose a perfect clothes for my OOTD. Just a simple off-shoulder light pink crop-top, paired with a knee-high denim skirt. I wore a pair of converse for my shoes. Syempre suot ko parin ang fake eyeglasses ko. Sa buhok ko naman, I had it in ponytails. Big curls sa dulo ng buhok ko.

Inayusan ko rin si Nessie. I really like her straight black hair. She wore a blue silk blouse as top and also a skirt as bottom. I arranged her hair into slanted braid.

"Hala, Bella. Baka ma-late na tayo." Nag-aalala na sabi ni Nessie.

"Hayaan mo sila. May cellphon tayo, we can just ask for the location ang go straight there if they can't wait for us." I almost rolled my eyes.

Ayoko kasi sa lahat is iyong naabala ang tulog ko, lalo na't sabado.

Seduce Me Not Girl Friend!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon