31- DADDY'S ANNOUNCEMENT

720 51 10
                                    

S.M.N.G.F.
31
"DADDY'S ANNOUNCEMENT"

Bella Martinez

Ramdam ko ang sakit sa ulo ko nang imulat ko ang aking mga mata.

Shit.

Nasaan ba ako?

"Bella, mabuti at gising ka na." Bati sa akin ni Nurse Angie.

"Ate, anong nangyari?" Tanong ko nang maka-upo na ako.

"Nakita ka na lang kasi ni Georgia kanina na nakahandusay sa lapag at walang malay." May lungkot sa mga mata ni Nurse Angie. "Galit na galit nga siya e'."

"Ay, oo nga pala. Iyong pageant!" Sabi ko.

"Huwag mong alalahanin ang pageant. Ginawan na nila ng paraan. Isa pa, hindi naman galit si Georgia nang dahil lang doon." Paliwanag ni Nurse Angie. "Nagagalit ang kapatid ko sa nanakit sa 'yo. Pwede ko ba malaman kung sino ang may gawa sa 'yo niyan?"

"Si Mandy." Kusang lumabas mula sa bibig ko ang pangalan niya.

Hindi ko makakalimutan ang mga pinag-gagawa niya sa akin kanina!

Nananahimik akong naka-stay lang sa classroom tulad ng utos ni Georgia nang bigla na lang siya dumating at nag-salita ng kung ano-ano.

"Naging under ka lang sa wings ni Georgia, naging matapang ka na ah? Ang lakas naman ng loob ng isang katulad mong panget at nerd na lumaban sa pageant nitong school." Panimula niya nang lumapit siya sa pwesto ko. "Nagpa-ayos ka pa talaga kay Georgia? Kapal mo." Hindi ko inaasahan ang bigla niyang pag-hila sa buhok ko.

"What the fuck?!" Sigaw ko sa sakit ng pag-sabunot niya sa buhok ko. "What the hell is wrong with you, bitch?" Tinulak ko siya ng malakas pero mas lalo lang tumindi ang hatak niya sa buhok ko.

Ako panget at nerd?!

"Aray?!" Sigaw ko.

"Oh, bakit 'di ka makapalag? Weak ka pala e'." Hinigpitan niya pa lalo ang hatak niya sa buhok ko.

Magulo na tuloy ang buhok ko na inayos ni Georgia! Nakakainis! Pinag-hirapan pa naman ito ayusin ni Georgia!

"Let go." Utos ko. "I said, fucking let go!" Hinatak ko rin siya sa buhok at tinulak sa pader.

"Ah! Aray!" Sigaw niya.

"You, calling me weak? Baka nakakalimutan mo pinag-gagagawa ko sa 'yo." Idiniin ko pa ng maigi ang mukha niya sa pader.

"Ano ba! Bitawan mo ko nerd! Mang-aagaw ka!" Sigaw niya at panay ang pag-kalag sa mula sa pagkaka-hawak ko sa buhok at braso niya.

"Bitaw kamo? Sure!" Tinulak ko siya sa sahig dahilan para matumba. "Umalis ka na nga! Wala ako sa mood para pumatol sa isang cheap at attention seeker na katulad mo. Famewhore." Tinalikuran ko siya para bumalik na sa dati kong pwesto at ayusan pa sana ang sarili kaso palaban ngayon ang Mandy niyo. Sinipa niya ang binti ko, dahilan para ma-out of balance ako at bumagsak sa sahig. Sakto naman ang pag-tama ng ulo ko kaya nawalan na ako siguro ng malay. Next thing I knew, nandito na ako kaharap si Nurse Angie.

"Gano'n pala ang nangyari? Don't worry. Ire-report ko siya. Sa ngayon, mag pahinga ka muna. Inutos sa akin ni baby George na bantayan ka." Maamong sabi ni Nurse Angie.

"Pero iyong pageant?" Nag-aalala kong tanong.

Nurse Angie sighed. "I told you, ginawan na ng paraan. Si Nessie muna ang nag-take place in your stead. Umiyak pa nga siya kanina. She offered to join sa pageant at i-panalo para naman hindi ka malungkot."

Seduce Me Not Girl Friend!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon