17- QUITE AGGRESSIVE

752 41 5
                                    

S.M.N.G.F.
17
"QUITE AGGRESSIVE"

Bella Martinez

"Anong ginagawa mo rito? Dan, my loves ah! Sinusundan mo ko 'no?" Malanding sabi ni Bakla doon sa lalaki.

Natawa naman ang lalaki sa Bakla, "syempre gusto ko maka-usap ang best friend ko."

"Ouch naman, Dan ko! Best friend zone kaagad ako. Bad ka!" Pag-iinarte ni Bakla na may kasama pang tampal sa balikat nung Dan.

Ah. Akala ko jowa ni Bakla. "Rejected. Boo." Mahina kong bulong kay Nessie. Kinurot naman niya ako sa tagiliran, dahilan para medyo mapatili ako.

"Sinong nandyan?!" Sigaw ni Bakla.

"Bella naman e'!" Nessie look so frustrated right now. She looks constipated. I wanted to laugh.

Why is she so afraid of Georgia?

"Sino---!" Di na natuloy ni Bakla ang sasabihin niya dahil inagaw ni 'Dan' ang atensiyon niya.

"Anyway, as I was saying. I need to talk to you, let's go? I think there's someone here?" Palusot ni Dan.

"Hmm! Gusto mo lang ako masolo, 'no?"

Sige, ipilit mo pa sarili mo diyan sa straight. Sana masuntok talaga 'yan si Georgia ng matauhan. Sayang talaga kasi siya e'.

"Georgia, let's go?" Natatawang tawag ni Dan sa kanya.

"O'sige na nga!" Narinig namin ang papalayong presensiya ng dalawa kaya naman nakahinga na ng maluwag si Nessie.

"We almost got caught there! Buti na lang nariyan si Daniel." Napa-buntong hininga na lang si Nessie bago ako pinandilatan.

"Bakit?" Halos matawa ako sa expression niya.

"Ang ingay mo kasi e'! Muntik na tayo mabuko!" Nakasimangot niya akong tinapunan ng tingin.

"Ang cute mo pa rin kahit nakabusangot 'yang pag-mumukha mo." Pang-asar ko sa kanya.

"Hay, ewan ko na talaga sayo Bella. Halika na nga! Mahuli pa tayo ng kung sino." Napa-buntong hininga na lang si Nessie bago ako tuluyang hinila pabalik sa classroom namin.

Nang marating namin ang classroom, sakto namang may klase na.

"Good afternoon po. Sorry we're late." Sambit ni Nessie habang nasa harap na siya ng pintuan ng classroom namin.

"Bakit late ka na? Nasaan si Miss Martinez? Bakit 'di mo siya kasama?" Tanong ni Sir Panot.

Si Sir Panot pala teacher namin ngayon. Teka, ano ba ulit pangalan nitong si Sir? Nasanay na kasi akong tawagin siyang Sir Panot.

"S-Si Bella p-po?" Naguguluhang tumingin sa akin si Nessie.

I smiled at her, lifting my eyebrows up and down.

Nasa gilid ako ngayon ng pintuan kung saan nahaharangan ng pader, kaya naman hindi ako makikita sa loob.

Nakakatamad pumasok eh.

Sinenyasan niya akong lumapit sa kanya.

Umiling ako sa kanya habang nakangisi.

"Miss Nessie Faraon? Ano? Tatayo ka na lang ba diyan? Late ka na nga naantala mo pa ang klase." Narinig ko ang sermon ni Sir Panot.

Tatawagin pa sana ako ni Nessie pero tumakbo na ako palayo.

Tawa ako ng tawa habang tumatakbo papunta sa kung saan.

Seduce Me Not Girl Friend!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon